It's Wednesday and I've decided na pumuntang school namin para mag-ayos ng classroom ko para sa pagbalik ng mga estudyante after their Christmas vacation. Total wala namang ginagawa sa bahay at nababagot lang ako kaya nagpasya akong pumunta na lang dito. Sally even texted me, nagyayayang mamasyal dahil nababagot din daw sya at hindi pwede si Althea pero tamad talaga akong mamasyal ngayon so I just told her na samahan na lang ako sa pag-aayos ng classroom ko.
Ala una ng hapon ang usapan naming magkikita sa eskwelahan pero mag-aalas dos na'y wala pa rin ang ubod ng galing kong kaibigan. Marami na rin akong nagawa habang naghihintay sa kanya. Naayos ko na ang mga aklat ng mga estudyante ko at nakapagpalit na rin ako ng kurtina. Kahit kelan talaga, ang babaeng iyon.
After satisfying myself with my classroom's new look, nagpahinga na ako at tinuunan ng pansin ang class records ko. I was just scanning it dahil matagal ko na syang natapos habang naghihitay kay Sally. Medyo nalilibang na nga rin ako sa gingawa ng mapatingin ako sa salamin on top of my table and saw my reflection at napansin ko rin ang kwintas na suot ko, the one Althea gave me. Napangiti ako ng sumagi sya sa isip ko and thinking na naalala pa nya ang pendant na gusto ko.
Kung tutuusin, this is just a simple round pendant with St. Benedict's image engraved on it but I still find it cute lalo na ng malaman ko ang meaning nito. At di ko pa rin talga lubos maisip na ito ang regalong ibibigay nya.
September 17, 2011
"Mirmz, dito bilis." Tawag ni Jade kay Althea sabay pasok sa isang tindahan ng mga religious artifacts sa downtown area ng Bacolod. Naisipan kasi muna nilang mamasyal pagkatapos nyang nagpasama sa nobya para bumili ng mga gagamitin nya para sa science project nya.
"Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong ni Althea dahil ang akala nito'y uuwi na sila pero bigla-biglang naisipan ni Jade na pumunta sa tindahang iyon.
"Look." Sagot ni Jade habang di inaalis ang mga mata sa kwintas na nakadisplay. "Cute nya di ba?"
"Panu naging cute iyan eh mukha lang iyang piso." Althea commented which made Jade glare at her. "Sorry naman, pero totoo naman kasi."
"Ewan ko sa'yo, parang di ka katoliko." Irap ni Jade sa kasama. "That's St. Benedict's medal at sabi dun sa nabasa ko this medal helps drive bad spirits away."
"At sino naman iyang bad spirit na tinutukoy mo? Si Jason ba?" Pabirong turan ni Althea na ang tinutukoy ay ang masugid na manliligaw ng nobya na kahit ilang beses nabasted ay patuloy pa rin sa ginagawa.
"Puro ka biro. Kainis ka na."
"Sige, ako na lang ang masamang espirito."
"Pwede rin." Jade grinned.
"Ah ganun?" Taas kilay na sagot ni Althea na parang napikon sa sinabing iyon ng nobya. "Bahala ka na nga dyan." She added sabay talikod para iwan ito pero maagap syang nahawakan ni Jade.
"Ikaw, sobrang pikon mo. sino ba naunang magbiro?"
"Hindi ako nagbibiro. Masamang espirito naman talaga ang mokong na iyon ah." Depensa ni Althea sa sarili.
"Ang sabihin mo, nagseselos ka lang kay Jason." Dagdag biro pa ni Jade kahit alam nyang may katotohanan iyon dahil agad naiinis si Althea pag napupunta na kay Jason ang usapan nila.
"Bat ako magseselos dun eh mas pogi pa ako dun noh." Althea said confidently. "Mas matalino pa."
"At idagdag nating sobrang yabang pa." Jade laughed but not Althea.