"Wala na sya zhatz." Pukaw ni Sally sa'kin dahil napako na ang mga mata ko sa pinto ng gym kung saan lumabas si Althea. And i felt my cheeks blushed dahil sa pagkakahuli nya sa'kin. "I told you." Dagdag pa nya sabay kindat.
"You told me what?" I asked cluelessly.
"That she's still into you." She answered frankly.
"I don't think so." I answered at pinatuloy na ang pagkain ko. "Nagkakaganun lang ang tao dahil sa panunukso mo, nakakahiya tuloy." Irap ko sa kanya. Totoo naman kasi, there'll be no awkwardness kung hindi nya tinutukso si Althea.
"Di rin, best friend ko kaya iyon and I know her." Ayaw pa rin nyang paawat sa pinagsasabi nya tungkol kay Thea. "Kung wala na syang feelings para sa'yo edi mas madali na lang dapat ang makisakay, pero hindi eh. Wala pa rin talaga syang pinagbago pagdating sa'yo. At kung hindi lang kayo three years na ni Jason iisipin kong in love ka pa rin sa bestfriend nating iyon." Nabigla ako sa sinabi nyang iyon and thank God dahil hindi nya nakikita ang reaksyon ko dahil abala na rin sya sa pagkain nya.
"Ewan ko sa'yo." Iyon lang ang tanging nasabi ko dahil walang salitang gustong lumabas mula sa bibig ko but she just laughed at me. "At wag ka nga, di ba nga ikaw ang pinakaunang taong kontra sa relasyon namin noon?" Dagdag ko dahil naalala ko na naman ang pagiging kontrabida nya sa amin ni Althea dati.
"Hep, correction po, kontra lang ako sa inyo dati kasi alam ko ang ugali ni Althea pagdating sa babae. Di ba nga pinagsabay pa ng mokong na iyon sina RC at Bela?"
"Excuse me, hindi pa kami nun ng pagsabayin nya ang dalawa noh." Sagot ko para ipagtanggol si Althea at huli na ng matanto ko ang nagawa ko. "Totoo naman kasi." pataray kong dagdag para hindi na sya mangulit but knowing Sally, hindi din talaga ako titigilan ng isang to.
"Hmm." She smiled at me teasingly. "Tama ka nga naman. I was wrong before dahil seryoso pala talaga sa'yo ang loko coz she is in love with you."
"Correction, she was in love with me before." Pagtutuwid ko sa huling turan nya at parang may kumurot sa dibdib ko dahil sa ginawa kong iyon, I don't even know the reason why.
"Ganun na rin iyon noh." Pagbibigay katwiran pa rin nya.
"Malayo kaya." Medyo napipikon ko ng sagot dahil pa rin sa pangungulit nya. " Mali ang tense na ginamit mo, it should be past tense."
"Paki ko ba sa tenses of verbs na iyan eh Science teacher ako at hindi English teacher noh." Aba at nakipagtalo pa talaga sa'kin.
"Ewan ko sa'yo, puro ka kalokohan." Inirapan ko sya sabay tayo. "Punta muna akong CR." Pagpapaalam ko dahil alam kong pag di pa ako umalis di rin nya ako titigilan.
When I reached the comfort room, saglit ko munang tiningnan ang sarili ko sa salamin at napangiti bigla ng maalala ko ang mga kalokohang ginawa ni Sally. At alam kong kahit ano pa ang sabihin nya'y mali. She said that Althea hasn't change, she's wrong dahil malaki na ang pinagbago nito mula ng maghiwalay kami. Hindi na sya ang dating Althea na nakakabwisit, nakakainis, nakakairita, pasaway, pikon, pilya, laging nakangiti at maingay na nakilala ko. All I can see right now is a serious engineer na binago ng panahon. Isang mature na tao na ang nakikita ko at hindi ang dating pasaway na minahal ko. She has really changed.
Hindi na sya ang nakakabwisit na Althea na talagang mabubwisit ka dahil hindi mo magawang magalit ng matagal sa kanya dahil madadala ka ng mga ngiti nya. Sobrang ingay din nya dati pero yung ingay na gusto mong laging marinig dahil sa dami ng nalalaman mo pag nagsalita na sya. Nakakainis at nakakairita din ang pagiging matalino nya na kahit hindi sya pumasok sa Phil Hist nila ay memorize pa rin nya ang history ng Negros. Sya lang din ang kilala kong parehong magaling sa Math at English. Sabi nga kasi ng karamihan na pag matalino ka daw sa Math ay mahina ka sa English pero iba si Althea. Kung hindi lang siguro sya laging absent at tamad pumasok ay siguradong Dean's Listee sya. Pilya at pasaway din sya dahil sa dami ng kalokohang nagawa nya nung nag-aaral pa lang. At iyong pinakanakakatawa ay pagiging sobrang pikon na nya pag sya na ang napagtitripan ng mga kaibigan nya. That was the old Althea, at hindi ko na nakikita iyon ngayon. Ibang iba na sya sa dating Althea na minahal ko.