Together

1.2K 84 9
                                        

September 13, 2011

Abot tenga ang ngiti ni Althea habang hinihintay ang susunod nilang subject, katext kasi nya ang nobya nya. Yes, nobya. Masarap pakinggan ang salitang iyon. Jade is already her girlfriend and she can't deny it anymore, she's in love. Ngayon lang nya naramdaman to. This is the first time she fell crazily in love with someone and it's so wonderful. Yes she had girlfriends before pero pampalipas oras lang sila para sa kanya. Wala pa kasi talaga syang balak magseryoso sa mga ganung bagay. But fate suddenly played its game on her at nakilala nya si Jade.

Si Jade na dati'y balewala lang sa kanya, ni hindi nga nya masyadong tinetext dahil busy sya kina RC at Bela. Si Jade na lagi syang sinusungitanat binabara. Si Jade na sobrang kabaligtaran ng baabeng tipo nya pero minahal nya. At si Jade na isang tulak lang nya, nahulog na rin sa kanya.

Jade, her munchkin, her gf, her teacher and her sweetest whatever.

Parang baliw na syang nakangiting mag-isa ng bigla na lang dumating ang galit na galit na si Sally.

"Akala ko ba nagkakaintindihan tayo ha?" Her best friend angrily said na nagpawala sa mga ngiti nya. Sa nakikita nya kasing reaksyon ng mukha nito'y mukhang kakainin sya nito ng buhay. "Kelan ka pa natutong magtago sa'kin ha Althea? Dba may usapan tayong wag si Jade dba? Wag iyong kaibigan ko, Althea naman eh."

"Zhatz, mahal ko eh." Althea answered sincerely pero binalewala lang iyon ni Sally.

"Mahal? Kelan pa eh di nyo pa ganu kakilala ang isa't isa. Althea, kaibigan kita at bilang kaibigan mo nakikiusap akong wag na si Jade. Iba na lang, wag ang kaibigan natin ang pagluran mo." Seryosong pakiusap ni Sally sa kaibigan.

"Sally, magkaibigan tayo dba? Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala." Prangkang sagot ni Sally na nagpatigil kay Althea. "Bestfriend kita kaya kilala kita at alam kong wala kang babaeng sineryoso. Pero iniintindi ko iyon kasi nga bestfriend kita, pero Althea bestfriend ko din si Jade at mahal ko din sya kaya ayoko syang masaktan lalo na pag ikaw ang gumawa nun."

Sasagot pa sana si Althea, makikiusap na pagkatiwalaan sya ng kaibigan pero bigla namang dumating guro nila kaya di na nya iyon nagawa. Si Sally nama'y agad ding umalis at di na hinayaang magsalita pa ang kaibigan.

Halos mag-iisang linggo na matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Sally pero hindi nito pinapansin ang mga kaibigan. Ilang beses rin syang nilapitan ni Althea para magpaliwanag pero iniiwasan pa rin nya ito. Ilang text at tawag din ang ginawa ni Jade para humingi ng tawad pero wala pa rin iyong nagawa.

Nasa computer lab si Althea doing  her  homework  when her phone vibrated at alam na alam na nya kung sino iyon. It was her girlfriend and she stopped what she's doing for a while to read.

From Munch:

:(

She let out a sigh after reading Jade's text message. Alam nyang malungkot pa rin ito dahil sa nangyayari sa friendhip nilang tatlo ni Sally dahil hanggang sa sandaling iyon ay iniiwasan pa rin sila ng huli. She can't blame her friend though. Kasalanan naman kasi talaga nya ang lahat. kung naging maayos lang sana ang pakikitungo nya sa mga naging girlfriends nya noon di sana'y may tiwala ito sa kanya pagdating sa kanila ni Jade ngayon. But she's trying all her best to win her bestfriend back. Mas lalo nyang ipinapakita dito na nagbago na sya at hindi nya gagawin kay Jade ang mga iniisip nito. Mas sineryoso na rin nya ang pag-aaral dahil alam nyang iyon ang gusto ni Jade para sa kanya. Pero balewala pa rin ang lahat ng iyon kay kay Sally and it makes her feel bad. Pero di nya iyon dapat ipakita o iparamdam kay Jade that's why she's also doing everything to cheer her girl up.

Sa'Yo Pa Rin..PalaWhere stories live. Discover now