Pagkagising ko pa lang ay diretso na agad sa orasan ang aking titig. May thirty minutes pa ko bago pumunta dun. Wait what? Thirty minutes?! Dali-dali akong naligo at nagbihis dahil may pupuntahan pa akong napakaimportanteng bagay at napakahabang oras pa ang biyahe papunta sa paroroonan ko. Dahil nga sa desperada akong makapunta with in thirty minutes ay pinapara ko ang bawat motorsiklong dadaan dito sa kinaroroonan ko. Ilang minuto'y may bumabang anghel at pinaunlakan ang aking hiling.
Nagmamadali akong pumasok ng Airport, pagkatapos kong magpasalamat sa driver ng motorsiklo, dahil ilang minuto na lang ay darating na siya.
Limang taon na rin nang siya'y umalis rito sa bansa upang magtrabaho sa Hong Kong. Limang taon akong nagtiis na huwag umiyak kapag namimiss na siya dahil yun ang bilin niya sa akin. Limang taon siyang nawalay sa aking piling. Miss na miss ko na siya.
Mga luha ko'y kanina pa tumutulo galing sa aking mata dahil sa nararamdamang kasiyahan. Kasiyahang maiuuwi na ang bangkay ng aking pinakamamahal na tao. Ang napakalamig na bangkay niya. Makita mo pa lamang ang balat niya. Alam mo na kung anong dahilan ng kaniyang pagkamatay. Sing itim ng kaniyang balat ang mundo ko ngayon. Nawala na kasi ang ilaw ng aking buhay. Masakit man tanggapin pero alam ko'y ito'y aking kakayanin. Magtiwala sa Diyos!