7

124 2 0
                                    

Prom.

Nakaupo lang ako. Wala kasi akong partner. Hindi sa pangit ako pero dahil sa dami nang nag aya sa akin lahat tinanggihan ko.

Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa akin at sumama pa rin ako kahit na wala akong kapartner.

Ewan ko ba parang wala ako sa mood. Tinatamad rin ako lately.

Nasilaw ako sa spotlight na nakatutok sa akin na kani-kanina lang ay paikot-ikot sa buong hall.

"Miss Janna, the prom queen, please come up on the stage. " what the heck! Anong prom queen?! Taragis.

Lahat ng tao nakabaling sa akin ang atensyon kaya wala na akong nagawa at pumanik na lang pataas sa stage.

Pagkataas ko ay biglang namatay ang ilaw. I'm not scared of the dark, unlike others. Tilian dito, tilian doon ang maririnig mo sa buong hall. Tsk.

Pagkabukas ng ilaw ay may nakaluhod ng lalaki sa aking harap.

Si Chad. Ang childhood bestfriend ko.

"Janna will you be mine?" tanong nito sa akin.

"Yes." Ganti ko sabay ngiti sa kaniya.

"Kyaaaah!"

"Kinikilig ako my gaaaaaash!"

"Waaaaaaaaaah walang poreber takte kayo!!!!"

Ilan lamang yan sa mga narinig ko.

"Ohhh. May gusto pala ang ating Prom Queen/The Humble One Miss Janna sa ating Prom King/The Bad Boy Mister Jae."

"Oh shit." Nasabi ko na lang.

Naimagine ko na naman si Chad. Three years na siyang patay pero di ko pa siya nakakalimutan.

At dahil dun. Napahamak pa ako. Tsk. What a stupid move of you Janna.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon