Asa amusement park kami. Magkahawak kamay habang naglalakad. O mas kilalang HHWW o Holding Hands While Walking.
Binilhan niya ako ng cotton candy. Na kulay violet. Alam niya talaga ang favorite color ko. Kaya mahal na mahal ko siya.
Sa aming relasyon. Walang sikreto sa isa't-isa para di mawala ang aming tiwala sa isa't-isa.
Sabay kaming umupo sa bench at sabay na tumanaw sa mga taong dumaraan sa aming harapan. Habang magkaholding hands pa rin kami.
Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya sabay akbay sa akin. Chansing lang eh. Ang bango talaga niya.
Yung mundo namin umiikot sa bawat isa. Yung tipong wala na kaming kasama pero sa totoo eh madaming nakapalibot sa amin.
Hinawakan niya ang aking mukha sabay sambit ng I Love You.
Ngumiti ako at sinuklian rin siya ng I Love You.
Palapit na ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako at hinihintay na lang ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi.
Nang biglang nahulog ako sa sofang aking kinauupuan kanina.
Reality.
Nanunuod lang pala ako ng Romantic Movie.
At yung mga nangyari kanina ay pawang pangyayaring nakapaloob sa aking pagdedaydream.