5

136 3 2
                                    

Kay lamig ng hangin sa labas ngunit bakit ako'y naiinitan pa rin? Kay init ng aking kinalalagyan ngunit ako'y mahimbing na natutulog rito. Hindi ko mawari kung anong nangyayari!

Ayoko na! Naiinitan na ako! Sinubukan kong ibukas ang aking mga mata ngunit trinatraydor ako ng mga talukap ng aking mata!  Pati aking mga labi hindi ko magalaw. Nasaan ba ako?! Hindi ako makahinga!

Bakit? Bakit may naamoy akong halimuyak ng mga bulaklak. Mga bulaklak na aking paborito.

Pinakiramdaman ko ang aking katawan. Bakit ako naka bistida?! Never in my entire life na nagsuot ako ng bistida miski palda o skirt man iyan!

Ano bang nangyayari? Nasaan ako? Anong meron? Bakit? Bakit?! Bakiiiiiit!?!!?!?!

Lalaban ako! Hindi ako magpapatalo! Ilang ulit kong sinubukang ibukas ang aking mata at labi. Ngunit ayaw pa rin.

*PAK*

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Habol ko ang aking hininga. Basang-basa ang aking mukha dahil sa pawis at luha.

"Nabangungot ka anak." Ani aking Ina habang makikita mo ang lungkot sa kaniyang mukha lalong-lalo na sa kaniyang mata.

Oo. Isang BANGUNGOT.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon