Chapter Nine- Eavesdrop

4 0 0
                                    

Namjoon (Rap Mon)

"Hyung." Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Papalapit siya dito sa kinauupuan ko.
"O? Ba't ngayon kalang? Kanina pa ko naghihintay dito ha, nasan na yung iba?" Umupo muna siya sa kaharap kong upuan bago sumagot.
"Mianhae. May dinaanan pa kasi ako bago pumunta dito. Yung iba, ewan kung saan na'ng mga yon." Sagot niya at binasa ang menu.

Nandito nga pala kami ngayon sa Yeoljin Café.
Since quarter to seven palang dito muna kami tumambay. Masyado pang maaga para pumasok sa school, eight pa yung start ng class namin. Kapag wala kaming magawa o kaya nama'y walang klase, madalas kami dito, kasama yung mga totoy at sina Rae.
Dito kami lagi kasi meron kaming discount, isa kasi itong family bussness. At yung may-ari nitong café ay ang pamilya Park at Lee. Ipinangalan pa nila ito sa kanilang anak na sina Park Chan Yeol at Lee Jin-Ah (Yeol-Jin).

Sa ngayon kaming dalawa palang ni Suga ang nandito. Maya-maya pa'y biglang lumapit ang waitress dito sa table namin.
"Good morning Sir Suga and Sir Rap!" Nakangiti nitong bati.
"Good morning din Min-Ha!" Bating pabalik ng kasama ko at ngitian din ito. Muli nagsalita ang babae.
"Same order parin po?" Tanong nito habang nakatingin sa'ming dalawa.

Tumango lang ako habang si Suga muli ang sumagot.
"Oo gaya parin ng dati. Atsaka darating yung ibang gurang, ganon din yung orders nila. Kamsa!" Sabay balik niya ng menu sa waitress.
"Ok Sir, five minutes po." At tinalikuran na kami.

Gaya nga ng sabi niya, in five minutes dala niya yung mga orders namin. Pero yung mga kakain nito wala, nasan na kaya ang mga mokong na'yon?
"Hyung text mo na kaya sila? Ang tagal eh, 7:15 na." Naiinip niyang tanong habang papalit-palit ang tingin sa kanyang wrist watch at sa entrance ng café.
Napabuntong hininga ako, ng akmang magta-type na ako sa aking cell phone ng marinig ko ang pagbati ng mga staff sa mga bagong dating, agad akong napatingin sa kanila.

"O? Nandiyan na pala kayo. Akala ko hindi na kayo darating eh." Saad ko ng makalapit sila sa pwesto namin.
"Pasensiya na, medyo natagalan. Ito kasing si Doyoung ang kupad kumilos kaya ayan nahuli kami." Paliwanag ni Win-win habang hinihigop ang frappe na inorder namin para sa kanya.
"Ok lang. Ang mahalaga nandito kayo, sa ngayon kailangan na nating bilisan dahil 7:20 na." -Suga.

Halos ten minutes din ang itinagal namin sa cafe bago pumunta sa school.
Naglakad lang kami dahil malapit lang 'tong café sa eskwelahan. Habang naglalakad kami sa hallway naalala ko na sa may locker ko pala inilagay ang niresearch ko kagabi, kaya nagpaalam muna ako para kunin 'yon. Bago kasi ako pumunta sa café dumaan muna ako dito sa school.

"Mauna na kayo, kukunin ko lang sa locker yung research papers ko." Paalam ko at mabilis na pumanhik sa locker room.
Habang naglalakad, nagbabasa ako ng message na sinend sa'kin ni Mark.

From: Totoy Mark 7:29 am

         Hyung, sa bahay nila Jaemin mamaya. 5pm sharp, hintayin namin kayo doon. Paki sabi nalang sa ibang gurang.

Ano kaya meron? Baka may birthday? Nireplayan ko siya.

To: Totoy Mark 7:31 am

      Sige. Teka? Ano bang meron? Birthday niya ba?

Pagkasend, itinago ko muna sa bulsa ng aking slacks ang cell phone ko. Paliko na ako sa may hallway ng bigla itong magvibrate. Agad kong dinukot at binasa ang text.

From: Totoy Mark 7:37 am

        Hindi ko rin alam eh. Basta pinapasabi niya lang na punta daw tayong lahat don. Pati pala kay Shin Rae nuna paki sabi din.

Agad ko siyang nireplayan.

To: Totoy Mark 7:39 am

      Ganon ba? O sige, ako na'ng bahalang magsabi kay Rae at sa ibang gurang. Kita nalang tayo mamaya.

From: Totoy Mark 7:40 am

      Ok.

Hindi na ko nagreply baka humaba pa yung usapan. Nang nalaliko na ako nakikita ko na ang sign na Boy's Locker Room, didiretso na sana ako ng meron akong marinig na nag-uusap, kaya napahinto ako upang hanapin kung saan nanggagaling iyon.

Hanggang sa malaman kong sa locker room pala ng mga babae nanggaling ang tunog. Papabayaan ko nalang sana sila, pero ng marinig ko ang boses ng isa sa dalawang babae na parang pamilyar, sumilip ako sa may pintuan upang alamin kung tama nga ang hinala ko.

Kaya mas lumapit pa ako sa kanila, nagtago ako sa isa sa mga locker na malapit sa kanilang dalawa upang marinig ang pinag-uusapan nila.

"My deduction was right." Saad ng babaeng pamilyar ang boses. Para talagang kilala ko siya.
"What deduction?" Pati 'tong isa, parang narinig ko na dati ang boses niya.
"That you're the stupid girl from the cafeteria who owned the floor yesterday." Marahas na sagot ng babaeng may malamig na boses. Kahit na di ko nakikita yung mukha ng isa pang babae, nai-imagine ko yung reaksyon niya. Kahit ako siguro ganyan din magiging reaksyon. Teka? Stupid girl? Cafeteria? Hindi kaya? Pero hindi pa ko sigurado.

Muli namang sumagot ang isa.
"Don't be too serious, sige ka ? matatakot sa'yo ang mga boys? Sayang may itsura ka pa naman." Napailing ako sa sinabi niya.
"Whatever." Tanging naisagot ng isa. Narinig kong naglakad siya papunta dito sa direksyon ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, patay ako nito pagnahuli nila ako. Naku, papalapit na siya dito. Anong gagawin ko?! Bahala na nga!

Tatakbo na sana ako nang bigla ulit magsalita ang isang babae na siya namang nakapagpatigil sa isa pa na papalapit dito sa'kin. Whew..muntik na 'yon.
"Where are you going? "
"Leaving? So, let go of my hand! Hindi ko na kakayanin ang makasama ka pa ng matagal sa lugar na tayong dalawa lang." Ouch, grabe si ate ha.

*bzzt
Napahawak naman ako sa bulsa ko upang kapain ang cell phone.
May message ulit galing kay totoy Mark.

From: Totoy Mark

              Hyung, san kana? Masyado bang mabigat ang research papers mo? Gusto mo bang puntahan ka namin dyan? Baka kasi di mo kayang dalhin alam mo na, ayaw lang kitang mahirapan.

Loko-lokong totoy 'to ha?!
Teka? Ano nang pinag-uusapan ng dalawang 'to?
Ito kasing totoy na 'to, dinistruct ako. Yan tuloy hindi ko na alam kung ano na yung topic nila.
"Wag na nating pag-usapan 'yan, by the way, I'm Jimin and you are?"

Jimin?! The OA girl?! Ibig bang sabihin si Rae yung kausap niya?
Hindi ko na narinig yung mga sunod nilang sinabi, ang alam ko lang e, umalis na silang dalawa.

Ano kayang kailangan ng babaeng yun kay Rae?

That JIMIN girl.

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon