Chapter Four - Disaster with the new Teacher

10 0 0
                                    

       Mark            

"Alam mo nakakatawa talaga yung reaksyon ni Rap hyung kanina no?!" Sabi ni Jisung kay Jeno habang humahagikgik ng tawa.
"Oo nga nakakatawa yung mukha niya." Pagsang-ayon naman ni Jeno at sabay na silang tumawa.
"Ano nga ulit yung pangalan ng grupo nila?" Biglang tanong ni Chenle.
Napatahimik naman kami sa naging tanong niya..napaisip tuloy ako, ano nga ba ang pangalan ng grupo nila?

"Mga OA?" Nag-aalangang sagot ni Jeno.
"Anong OA? Hindi." Saad ni Renjun at umiling-iling pa.
"Hindi ba parang baliktad?" Tanong ko.
"AO?" Tanong ni Haechan.
Halos lahat kami ay nag-iisip..napatingin naman ako kay Jeno..mukhang malalim ang iniisip, may pa hawak-hawak pa siya sa kanyang baba.
"Parang malapit na don." Saad ni Jisung at umupo.
"It's AOA." Napalingon naman kami sa babaeng katabi ni Jisung na naglalaro sa kanyang cellphone.

"Teka Hae Na, pano mo nalaman? Eh nauna na kayong umalis kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil narinig ko yung bulung-bulungan ng mga tao don." Sagot niya ng hindi manlang tumingin sakin.
"Sabi na nga ba, malapit sa OA eh." Sabi ni Jisung.
"Kanina ka pa ba nakikinig sa usapan namin?" Usisa ni Renjun.

"Aniyo." Sagot niya habang tutok na tutok parin  sa kanyang cellphone.
"Ang tipid mong sumagot, para kang si Shin Rae nuna." -Renjun
"Get use to it. Ganyan si Rae makipag-usap." Sagot niya, finally lumingon siya kay Renjun at nginitian ito, pero agad din namang ibininalik ang atensyon sa kanyang phone.

"Ano pa nga bang magagawa ko." Sagot ni Renjun. Muli kaming binalot ng katahimikan ngunit agad din naman itong nabasag ng biglang magsalita si Chenle.
"Alam niyo hindi bagay sa kanila yung name ng group nila." Sabi nito bago sumandal sa balikat ng natutulog na si Jaemin.

Simula ng makarating kami dito sa room kaagad na natulog yang si Jaemin..sanay narin naman kami sa gawain niyang yan. Kaya hindi na namin siya pinapakialaman.
Bago, sumagot umupo muna ako..pinapagitnaan naming dalawa ni Chenle si Jaemin.
"Ba't mo naman nasabi yan?" Tanong ko ng komportable na akong nakaupo.

"Eh kasi naman..yung isang letter A  don sa name ng group nila..stands for Angel." Sagot niya habang nakapikit.
"Ano namang problema don?" Tanong ni Haechan habang minamasahe ang balikat ni Renjun.
"Dahil hindi naman sila mga mukhang anghel mas mukha silang devil." Saad nito at dumilat.

"Ah..tama kasi yung ibigsabihin ng AOA ay; A -ce
      O -f
      A -ngel..which is tama si Chenle na hindi nga bagay sa kanila..dahil hindi sila mga anghel." Pangsang-ayon ni Jisung.
"Dapat talaga hindi Ace Of Angel yung pangalan nila." Muling saad ni Chenle.

"Eh ano ba dapat? Ace Of Devil, ganon?" Tanong ni Jeno.
"Tama!" Pumapalakpak na sabi ni Chenle.
"Ang talino mo talaga Jen." Complement ni Jisung at nakipag high five.
"Naku wala 'yon." Nahihiyang sagot ni Jeno habang nakayuko at hinihimas ang kanyang batok.

Tumayo si Chenle bago magsalita at nakaposisyon na parang isang pinuno na nagbibigay ng deklarasyon.
"Simula ngayon..Ace of Devil ang itatawag natin sa kanila!" Saad niya.
Nagthumbs up sign naman ang mga kasama ko.well except sa akin, sa dalawa naming kaklaseng babae who are busy with their phones and sa natutulog na si Jaemin.

"I object." Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko.
"Huh?"-Chenle
"Waeyo?"- Renjun.
"Hindi ba parang sobra naman yata yan?" Napakunot ang noo  nila sa sinabi ko..bakas ang pagtataka sa mga mukha nila.

"What do you mean na sobra?" Chenle asked me with a confused look in his face.
"Na bigyan niyo sila ng ganong pangalan. Oo alam ko na ayaw niyo sa kanila..ako rin naman pero hindi naman siguro tama na-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muling magsalita si Hae Na.
Ngayon ay nakaharap na siya sa aming lahat at nakapamewang na para kaming sinesermonan ng mga nanay namin.

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon