Scroll up Scroll down...
Like like like.Napahinto ako ng pag scroll sa aking phone dahil sa nakita ko sa facebook may isang babaeng nag post ng picture niya dito sa Facebook ng throwback tapos sabay caption ng "@hng phngetz qouh pha dyan " wala naman pinag bago parang lumalala pa nga siya tapos jejemon pa siya.
"Hoy Susi Facebook ka ng Facebook try mo din FACE Yang mga BOOK'S mo!!!" sabi nitong walang kwentang kaibigan ko na naggaganlang Jiro at tinignan ko siya ng masama dahil kung maka asta siya parang tatay ko may pahawak hawak pa sa bewang para siyang babae.
"Hoy Jiro Lopez tumahimik ka nga, pasalamat ka nililike ko pa yang mga picture mo kahit yang mukha mo parang sinumpa ng limang demonyo"dinuro duro ko pa ito pero parang wala lang sakanya ang sinabi ko dahil alam kong sanay na ito sa ugali ko pero kahit di ko naman ih like yung mga pictures niya o status sa facebook madami na talaga siyang likers kasi famous naman talaga yang si Jiro hindi ko nga alam kung bakit famous yan sa facebook at sa personal kasi raw Gwapo tapos mabait pa sabi nila yan huh! eh saakin lang naman yan parang, demonyo...
"wala akong sinabi na like mo yung pictures ko dahil alam ko naman na nabibighani ko sila sa ka gwapuhan ko tapos mas maganda kung mag rereview na tayo kasi babagsak kananaman at Key Sharine Lee, ang baboy mo na!" pinitik niya ang aking noo kaya hinampas ko naman siya ng unan, alangan naman na hayaan ko lang siya eh ang sakit nun.
"TAE NETO, wag mong idamay yung mga FATS ko dito kasi nasasaktan din sila" habang hinihamas ko ang aking tiyan.
"K" ito nalang yung nasabi niya napagod yata kakasalita
kaya naman nag umpisa na kaming mag review.
Mag papakilala muna ako... Total ang ganda ko.
Ako nga pala si Key Shrine Lee 17years old, Susi yung tinatawg ni Jiro sakin dahil raw KEY dati ayaw ko talagang tinatawag niya ako ng ganyan kasi ang panget pakingan pero nakasanayan ko nalang ikaw banaman tawagin araw araw ng ganyan hindi kaba masasanay?
...at may kapatid ako na lalaki sobrang gwapo, mana kasi siya saakin ako kasi ang kanyang totoong ina, pero joke lang 1year yung agwat naming dalawa siya si Lock Shawn Lee naiiba yung panglan namin no? KEY tapos Lock kasi raw ang kwento kasi ng mga magulang ko sa bilihan sila ng susi at padlock nag kakilala ang magulang ko ang weird nga pati kaming mga anak nila pinag tripan yung pangalan at tapos may Bestfriend ako sobrang gago I mean gwapo yung inaaway ako kanina siya yung tinutukoy ko na bestfriend ko kahit mag patayan na kami ganyan kasi kami mag mahalan (ew) tapos Kung magkasama nga kami parang sampong piso kaming naglalakad dahil siya yung number 1 tapos ako ang 0 medyo (medyo lang yung ginamit ko baka kung walang medyo nakakasakit na ng damdamin) chubby kasi ako bawing bawi naman sa kagandahan.(pagbigyan niyo na kwento ko naman to) matagal tagal narin kaming mag bestfriend...
Mag bestfriend din kasi yung mama namin...tapos ito di na kami mapaghiwalay na dalawa nagpakamalan nga si Jiro na bakla kasi naman siya payung pumupusod sa buhok ko kasi po tamad talaga akong mag ayus ng sarili ko tapos minsan siya payung nag lalagay ng pulbo sa mukha ko."Aray tanginey"ang sakit tinapunan banaman ako ng papel at take note yung matigas na papel (yung parang. Cardboard)... pisti!
"Ano ba kasi yang ginagawa mo, sino bayang iniisip mo? Naka tulala kalang diyan, kanina pa ako explain ng explain dito at ang malala tumutulo yung laway mo . Ewww" kumuha siya ng alcohol sa kaniyang bag at nag spray sa harapan ko.
chineck ko naman kung meron Ang gagong to wala namang laway pinag tripan niya nanaman ako
"panget" yan nalang yung nasagot ko sa kanya.. Kainis kasi baka mapatay ko pato!!! Pero joke lang love ko yan eh Nag review lang kami ng nag review hanggang sa tinawag na kami ni mama para kumain ng dinner...
Pina-una ko nalang si Jiro kasi mag rereklamo nanaman yun kapag nakita niya na mag fafacebook nanaman ako...
What's on your mind?
Tinatanong pa bayan? Pagkain malamang! .
Post.
Yan tapos na, gusto ko talaga ang social media pero ako hindi niya gusto tulad nalang ng crush ko ako lang yung may pagtingin pero siya walang pagtingin sa akin at yan ang totoo. Nag scroll ako sa phone ko at tumunog ang notification ko merong nag comment.
Tinignan ko nga kung sino pero sana di ko nalang nakita at nabasa ang sakit....A/n:sana magustuhan niyo po ang first chapter...
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionKwento ng isang babae na inaakala na ang lahat ng mga bagay na kanyang nakikita ay may katotohanan lahat, ngunit sakabila ng lahat ay mali pala ang kanyang pinapaniwalaan