Number 13.
Tinignan ko ulit ang hawak kong popsicle stick na may number 13 sa itaas. Sa lahat ba naman ng numero bakit 13 pa?
Nagbunutan kasi kami sa Rizal subject namin para sa term paper na ippass next week. By partners ang paggawa non kaya naman para fair naisipan ng prof namin ng magbunutan nalang kami at kung sinong may parehong number sa itaas ng popsicle stick nila sila yung magpartner.
At kapag minamalas ka nga naman 13 pa ang napunta sa akin. I really hate number 13. Naniniwala kasi ako na malas ang numerong yan. Ewan ko ba lagi nalang may hindi nangyayaring maganda kapag 13th day ng month, oo kahit anong month pa yan lagi nalang akong minamalas.
January 13 noon, 1st year high school, may field trip kami sa school sa sobrang excitement ko dahil 1st field trip ko yon nung high school hindi ako nakatulog agad kaya ayun nalate ng gising at naiwan ng bus.
June 13, 3rd year high school na ako nito. Nasaktuhan pa na biyernes kaya naman ingat na ingat ako, dahil takot na takot talaga ako sa Friday the 13th. Kulang na lang nga eh magkulong ako sa loob ng kwarto ko para makaiwas sa anomang kamalasan na mangyayari ng araw na yon. Kaso 1st friday ng pasok namin yon at dahil member ako ng Girl Scout kami ang magli-lead ng flag ceremony.
Okay na eh, nakasurvive na ako buong araw kaso nung pauwi na ako biglang may nagaway na grupo ng sophomores at dahil naka-girl scout uniform ako, isa ako sa mga hinila para pigilan yung nagaaway. No choice, dahil bilang girl scout non nag-pledge kami na tutulong sa sinomang nangangailangan kaya naman kahit labag sa loob ko kinailangan kong tumulong.
Pagdating ko don ang dami ng nakikisawsaw, may ibang girl scouts at boy scouts na rin doon na pumipigil sa mga nagaaway. Sinubukan kong umawat pero ayaw pa din nilang paawat kaya naman naisipan kong gamitin iyong pito na napulot ko nung naglilinis ako sa classroom nung isang araw. Sigurado kapag narinig nila yung pito na yon titigil sila dahil isa lang naman ang mahilig gumamit ng pito sa mga teacher namin, ang head ng P.E. department, si Sir Gozun. Lahat ng estudyante takot sakanya, lahat iniiwasan siyang makasalubong dahil sa sobrang strict niya. Ang balita ko nasa seminar siya ngayon kaya siguro ang lakas ng loob nilang magaway-away. Hinalungkat ko agad yung bag ko para hanapin yung pitong napulot ko.
Unang pito ko hindi pa rin sila tumigil pero nung pangatlong ulit ko bigla nalang may sumigaw na "Si Sir Gozun!" kaya ayun nagkagulo sila, nagsimula ng magtakbuhan yung mga nagaaway pati na rin mga usisera't usisero.
Hindi ko napaghandaan yung biglang pagtakbo nila kaya naman hindi agad ako nakaalis sa lugar ko. Natulak tuloy ako at nahulog sa kanal. Hindi lang ako naputikan, napilayan pa ako. Kaasar. Malas. Dobleng Malas.
March 13, graduation namin nung highschool. Hindi ako nakapagattend ng graduation ceremony dahil nagkabulutong ako. Iyak ako ng iyak sa nanay ko dahil sasabitan pa naman ako ng medal, Girl Scout of the Year Award.
October 13, 2nd year college na ako. Final exam namin sa Speech Communication, magrerecording kami dapat non pero hindi ako nakapagrecording ng maayos dahil paos ako. Naulanan kasi bago yung araw na yon. Binagsak ako ng prof ko buti nalang mabait yung prof ko at napakiusapan ko pa kung hindi nawala na yung scholarship ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/93195753-288-k156221.jpg)
BINABASA MO ANG
Turning Point
Historia CortaOne Shots, Poetry, letters, random things under the sun ☺