Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagdidiscuss yung professor ko sa Art Appreciation. Ang boring niyang magturo halatang tinatamad siya dahil summer ngayon, nakakahawa tuloy katamaran niya. Nagtitake kasi ako ng summer class sa university namin, well, not because may bagsak ako or something, nagtake ako ng advanced subjects for next semester.
Next sem pa dapat itong Art App eh, kaso kapag normal sem lang masyadong pabebe mga profs, kahit minor lang nagffeeling major sila. From my sources kase, usually nagrrole play, sing, dance, movie making sila sa subject na ito which is very nakakahiya na gawin. So tinake ko na ng summer, usually kasi wala silang masyadong pinapagawa kapag ganitong summer class lang dahil tamad ang mga prof. Plus, graduating ako and starting next sem ojt na namin so ayoko naman na may magpa-vip pa na prof.
Mabilis lang natapos yung class 1hr a day lang kasi siya, dahil tinatamad pa akong umuwi tumambay muna ako sa library. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay, magkukulong lang ako sa kwarto magwwifi buong araw. Kaya mas okay ng sa library nalang ako, ako lang nanaman kasi mapapansin ni Mama pati kuya. Lagi nilang sinasabi na lumabas naman daw ako ng bahay dahil ang putla ko na at parang wala akong social life. That was partly true, bahay-school lang kasi ako lagi eh. I dont have 'friends' sa school like yung real friends talaga. Hindi naman ako loner, may mga nakakasama naman ako. But I know they're not constant. Masasabi mo naman kasi if friends talaga silang pangmatagalan or just friends mo lang coz nakakasama mo sila 5 times a week. And my so called 'friends' in school are included in the latter, friends lang kami coz we have same classes and see each other everday.
I have real friends naman, kaso sa ibang school sila eh so madalang lang kami magkita, but kahit ganon pa man there's this feeling na may strings na nakaattached to us. Yung kahit di kami nagkikita everyday, dont talk everyday but kapag nagkita kami it feels like we never stopped talking, no awkward silence and you have this comfortable feeling na you can be just yourself when you're with them. They're my breathe of fresh air kapag sobrang suffocated na ako sa school works and with my problems. Minsan nga we dont even have communication for a month dahil so busy sa school works, pero ni minsan I didnt even question myself if friends ko ba sila unlike sa mga nakakasama ko sa school.
Well, okay naman kami, but i feel uncomfortable when I'm with them, siguro kasi sometimes I don't 'click' with them, magkaiba kami ng mga gusto. Tapos makakasama ka lang sa mga trip nila if nandon ka kapag nagpplano sila, but kung wala ka nung time na yon they wont even remember na isama ka. And I still dont fully trust them, madalas kasi nilang pag-usapan yung mga wala. They're too judgemental and hypocrites that's why i dont fully trust them yet. Feeling ko kasi kapag wala ako isa din ako sa mga pinag-uusapan nila. Yep. I have trust issues. Ewan ko nga pano ako napasama sa kanila eh. Well, partly siguro para may masabi akong may friends ako sa current school ko at hindi ako magmukhang loner.
Pagpasok ko sa library ang konti lang ng students, kapag summer kasi konti lang talaga nageenroll, yung mga required talaga magsummer dahil nasa curriculum nila like pre-med courses and architecture students, mga nagssummer kasi may bagsak at yung mga kagaya ko na nagaadvance subjects. Pumwesto ako sa dulo malapit sa may aircon. I took out my favorite book on my bag which I am reading for the nth time already, I was silently reading ng may grupo ng mga estudyante na maingay na pumasok sa library.
Nanlaki yung mata ko, I was about to hide ng magawi yung tingin niya sa side ko, nagtama ang mata namin. I didnt have a choice so I smiled at him but he didnt smiled back at me,and parang wala siyang nakita sumunod lang ulit siya sa mga kaibigan niya.