Head over Heels

18 0 0
                                        


"Nasaan na ba siya? Parang kanina lang nandito lang siya banda ah. Ang bilis naman niyang maglakad, palibhasa ang haba kasi ng mga binti niya. Kaasar" sabi ko sa sarili ko habang tinitignan yung dinaanan ni Dustin.


Kanina ko pa siya sinusundan simula ng lumabas siya sa classroom niya. Binilisan ko pa maglakad dahil magkaiba kami ng building, ni hindi pa nga nakakalabas ng room yung prof ko kumaripas na ako ng takbo para lang maabutan ko siya sa classroom nila pero nawala naman siya kaagad. Kasalanan toh nung classmate ko sa Clinical Pharmacy eh, tinawag niya kasi ako bigla ayan tuloy nawala sa paningin ko si Dustin. Sabagay alam ko naman schedule niya, actually ipinattern ko pa nga sched ko sa sched niya para magsabay lang vacant at uwian namin. Napahiwalay tuloy ako sa mga kaibigan ko.



Cliche man, pero simula 3rd year highschool crush ko na siya. Yes, I'm head over heels with him. Nagsimula yan nung prom namin, nagaway kami ng kuya ko kaya naman hindi ko sinabi kong anong oras ako uuwi, siya kasi dapat ang susundo sa akin eh. Nagcommute akong umuwi, Oo nakagown ako non nung nagcommute, pinagtitinginan nga ako ng mga kasakay ko eh. Pero wapakels lang.



Habang naglalakad ako sa may subdivision namin biglang naputol yung takong ng heels ko sakto naman nandun siya, kaya nagprisinta siyang pasanin nalang ako. Nung una ayokong pumayag, hindi naman kasi kami close kahit simula baby pa eh magkapitbahay na kami at kahit close mga nanay namin. Yung pinsan niya ang bestfriend ko, si Timothy. Pero hindi sila magkasundo kaya naman kahit ako hindi na din siya kinakausap. Habang nakapasan ako sakanya bigla nalang lumakas tibok ng puso ko at dun na ako nagsimulang magkagusto sa kanya.


Naging vocal ako sa feelings ko sa kanya lahat nga yata ng tao sa subdivision namin alam na crush ko siya eh. Pero ayun, one sided love ang peg ko. Well, wala naman siyang sinabing hindi niya ako gusto pero base sa kinikilos niya mukhang wala dahil kung gusto niya ako noon pa niya ako niligawan. Pero umabot na kami ng 3rd year college, hindi pa rin siya nanliligaw.



Nung una, masakit. Iniiyakan ko pa nga siya gabi-gabi eh. Pero nung nagtagal nasanay na rin ako. Nagtiyaga na lang ako sa pagsunod-sunod sa kanya.



Ang hirap kaya ng ginagawa ko lalo na magkaiba kami ng kinuhang course, nagtake ako ng Pharmacy samantalang siya BS Biology. Magkaiba ang building ng mga students ng College of Allied and Medical Professions sa College of Arts and Sciences, ang laki laki pa ng school nmin kaya naman effort na effort ako, masundan lang siya.


Sayang nga eh dala ko pa naman yung DSLR ko ngayon dahil nagka-activity kami sa isang subject ko. Nakailang picture na nga ako kanina eh kaso ayun bigla siyang nawala. Kasalanan toh nung mukhang patatas kong kaklase eh!


Nagulat ako nung bigla nalang may humablot ng camera ko, pagkakita ko si Dustin kasama ng mga barkada niya.

"Tsk. Ang hilig mo talagang kumuha ng picture ng hindi nagpapaalam noh?" Sinubukan kong abutin pero itinaas niya. Ang tangkad kasi niya kaya naman hindi ko maabot. Oo na ako ng bansot!


"Akin na nga! Arte neto! Pasalamat ka nga kinukuhan ka ng picture eh!" sabi ko habang sinusubukan pa rin abutin yung camera ko.

Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon