Alternate Universe

12 0 0
                                        



"Oh my gosh! Sa lahat naman ng araw na pwede ko siyang makasalubong bakit ngayon pa? Bakit kung kelan hindi ako nagsuklay?! Kainis!" I ranted while combing my hair.


Wala na kasi akong time kanina na magsuklay, kaya pagkarating na pagkarating ko sa school dumiretso ako agad sa library hindi ko naman alam na nasa library pala si Gavin. I was rushing because I still need to scan the slides of my presentation sa Total Quality Management subject ko.


Pagpasok ko ng library naghanap ako kaagad ng table ng marinig kong magsalita yung babae " Ay ayun oh! Red naman" she was telling her classmates about the color of my corporate uniform, kapag 4th year 2nd sem kasi, every monday and thursdays we wear our corporate uniforms, every business course kasi may specific color and design ng corporate uniform, and red yung napili naming color para sa course namin.


 Napatingin ako kung saan nanggaling yung boses, pagtingin ko nagtama yung mata namin ni Gavin nanlaki yung mata ko at agad umiwas ng tingin. He was with the girl na nagsalita kanina and few other people, so malamang isa siya sa mga tumingin sa akin kanina ng ituro nung babae yung red corpo ko.


Pagkahanap ko ng pwesto tinignan ko agad yung sarili ko sa salamin at muntik na akong mapamura, ang gulo ng buhok ko, tapos ang losyang ko pang tignan, ang laki ng mga eyebags ko dahil tinapos ko pa yung presentation ko kagabi, ang putla ko pa! Ni hindi man ako nakapaglagay ng lip tint kanina dahil sa pagmamadali. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita sa campus, tapos kung kelan hindi ako nakaayos dun ko pa siya nakasalubong. Dyahe naman oh! Kainin na sana ako ng lupa.


I liked Gavin since 3rd year, hindi ko nga alam anong nangyari eh. Since 1st year nakikita ko naman na siya around campus pero wala naman akong pakialam tapos isang araw, hindi ko alam anong nangyari bigla nalang hinahanap hanap ko na siya. Lagi ko na siyang gustong makita, siya na bumubuo ng mga araw ko. 


Nalaman ko lang yung name niya nung humabol siyang University Student Council, I stalked his facebook account, then from then mas lalo na akong nagkagusto sa kanya, ang active niya kasi sa church, tapos sobrang family oriented, ang talino pa. Sino bang hindi magkakagusto sa taong ganon diba?


But I know my place, sobrang labo kayang maging kami or makilala man lang niya ako. Mas malabo pa nga yata sa mga mata ko eh. He's way out of my league. Average student lang ako, I do well with my studies but hindi umaabot yung average ko for dean's list samantalang siya consistent since first year na dean's lister. He's an achiever, while I, I'm just nothing.


"Huy!! Bakit nakatulala ka diyan?" Nagulat ako ng bigla akong tapikin sa balikat ni Coreen, blockmate ko. Nasa cafeteria kasi ako ngayon, nagugutom kasi ako tutal vacant naman kaya dito muna ako tumambay. Nginitian ko sila. Kasama niya rin kasi yung 3 friends niya na blockmate din namin. Umupo sila sa vacant chairs sa table na inooccupy ko.


"Oh my god!! Alam mo ba kanina habang papunta dito nakasalubing namin si Gavin! Shocks ang gwapo niya talaga yung mga paa ko feel ko nagjjelly kapag nakikita ko siya. He even smiled at me!! " Coreen said dreamily.


Ngumisi ako. "Hay nako! Ikaw talaga sana nagpakilala kana!" Asar ko sakanya kahit sa loob loob ko ay medyo naiinggit ako kasi nginitian siya ni Gavin.That's another reason why Gavin and I cant be together. Coreen likes him too.

Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon