Chapter 1 (Nice to meet you)

8 0 0
                                    

"Teka! Asan ako?" bulong ko sa sarili ko. Nasa isang malaking stage ako at maraming tao. Nakaupo at may hawak na gitara,nakatapat din ako sa mic. Tiningnan ko ang sarili ko,nakasuot ako ng maayos at magandang damit. Tumingin ako sa likod ko pero bakit ganun ang weird, hindi ko man lang makita ang mukha ng mga tao na nasa likod ko. Medyo madilim kasi kaya siguro di ko masyadong makita ang mga mukha nila. Tumingin ako sa mga tao at may mga hawak silang light stick at may mga tarpaulin din na may pangalan ko? Nandoon rin ang mukha ko, yun lang ang mga nakikita ko dahil blurred na ang mga iba at ang tangi ko lamang naririnig ay ang pag cheer nila sa pangalan ko.

"JAYNIE!! JAYNIE!! JAYNIE!!" sigaw ng mga tao. Sinisigaw nila ang pangalan ko medyo kinilabutan ako doon pero teka! Bakit ba nila sinisigaw ang pangalan ko? Dahil nasa malaking stage ako? Bakit nandito ako sa isang malaking stage at may kasama akong tatlong tao. Nagulat ako ng marinig kong nagsimula ng tumugtog ang drums.

"JAYNIE ANN!" sigaw ng tao na medyo pamilyar sa akin ang boses.Tumingin tingin ako sa paligid ko at nang mapatingin ako sa gilid ng stage ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. "PAPA?!"

"JAYNIE! GUMISING KA NA!" sigaw ng papa ko. Medyo naguluhan ako sa sinabi ni Papa. Gumising? Teka, panaginip lang ba ito? Kaya ba hindi ko masyadong makita ang mga tao na nasa likod ko at ang naririnig ko lang ay ang pag cheer nila sa pangalan ko?

"JAYNIEEEEE!" tumatakbo si Papa papunta sa akin at sa hindi inaasahang mangyari ay bigla siyang napatid.

"PAPA!" napasigaw ako bigla.

"Nanaginip ka na naman ba Noona? " Kinusot ko ang mga mata ko at nag inat inat. Ano ba namang klaseng panaginip yon.

"Jaynie. Ilang beses ba dapat kitang tatawagin. Anong oras na late ka na. Diba 8 o'clock ang pasok mo? 7:20 na. Bumangon ka na jan." sabi ni Papa, habang nagbabasa ng libro. Pero sandali 7:20 na? Sinampal sampal ko ang sarili ko pero mahina lang at bumangon na ako.Tumakbo ako kaagad sa CR. Nakalock? Ay oo nga pala nandito pa si K.

"K! Pakibilis naman oh. Late na ako!" sigaw ko habang kinakatok katok ang pinto.

"Teka, kakapasok ko palang oh!"Ano ba naman yan, naghanap na muna ako ng masusuot ko.

"Jayjay tapos na si K."sigaw ni Papa. Pag pasok ko napalabas agad ako. Ano ba namang amoy yan? Napatakip ako ng ilong ko at sinamaan ng tingin si K.

"Bakit pag ikaw ba, di ba ganiyan din kabaho sayo?" Aba! Talagang K nato, ang aga aga eh.

"Halika dito, pag lumapit ako sayo patay ka sakin."

"Noona, peace. Pa, pasok na po ako.BYE!"

"K, kumain ka muna. " sabi ni Papa

"Doon nalang po sa school. Late na po ako Pa, tsaka lagot ako kay Noona. Bye noona!"  nangdila pa siya tsaka kumaripas na ng takbo. Aysh!! Talagang batang yon.

Pinasingaw ko muna ang amoy tsaka pumasok sa CR at naligo. Pagkatapos ko maligo ay gumayak na agad ako. 7:35 na, meron nalang akong 25 minutes para makapasok sa school ko kasi ang tagal tagal ni K sa banyo parang tatae lang 15 minutes na sa banyo. Kinuha ko na ang bag ko at tumakbo na palabas. Sumakay na ako sa motorbike ko.

"Jaynie. Kumain ka din muna, naghanda ako ng paborito mo!" sorry Pa pero late na po talaga ako.

"Hindi na po, late na po ako!Bye Pa!" Sigaw ko tsaka nagdrive. Sorry Pa, first day ko kasi sa new school ko. Medyo tinulinan ko na ang patakbo ko dahil unang araw ko sa bagong school ko at late na agad ako.

Mga ilang minuto ay nakarating na rin ako sa school at pinark ko muna ang motorbike tsaka tumakbo papasok pero di ko alam kung saan ako pupunta. Dahil bago lang ako dito, sa madaling sabi transferee.

JaynieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon