Chapter 2 (Curious)

1 0 0
                                    

"Je ileum-eun jaineyibnida!" Pakilala ko kaso mukhang di nila naintindihan dahil nakatitig lang sila sakin na parang iniintindi nila. Sorry! Naalala ko andito na nga pala ako sa Pilipinas.

"Im Jaynie Ann C. Williams. Im 17 years old. Im from South Korea."

"So Ms.Williams, what do you expect in your classmates?" Tanong ng Teacher namin. Di ko pa nga alam ang pangalan ng teacher namin. Korean ko nalang kaya yung ine-expect ko sa mga kaklase ko ng di nila maintindihan.

"Yaedeul a, naneun uli moduga chinguga doel geola gidaehanda. (Guys, I expect all of us to be friends.)" sabi ko sa kanila tsaka ako ngumiti at nag bow sa kanila.

"Wow! Well kahit hindi namin naintindihan yon. Sana ay maganda ang iyong ine-expect sa iyong kaklase Ms.Williams." Sabi ng Teacher namin sabay tinginan lahat sakin. Napatingin ako kay Yumie na nakatingin din sa akin na parang manghang mangha ba.

"By the way. Ms.Williams, Im your class adviser. Im Ms.Rhia Gonzales, you can call me Ms.Gonzales or if you want Ms.Rhia." Pakilala ng teacher namin.

"Sige po Ms.Gonzales." Pagkatapos nun ay umalis na siya so pinakilala niya lang talaga ako? Biglang may dumating na teacher at nagklase na agad kami. Hindi ko pa kilala ang teacher na ito pero mukhang terror.

Lecture, lecture, lecture. Habang nagdidiscuss ay tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko yung lalaki na nakita ko kanina sa mga locker. Nauntog pa nga ako sa locker niya. So were classmates pala.

Pinagmasdan ko lang siya. Nakaupo siya malapit sa bintana. Nakatingin lang din siya sa labas ng bintana. Nung patingin siya dito ay umiwas agad ako ng tingin at tumingin sa harap.

Ang katabi ko ay si Yumie, nasa leftside siya. Wala akong katabi sa rightside, bakante ito kaya nilagay ko nalang muna ang bag ko. Mga ilang minuto ang nakalipas ay may pumasok na isang student pa. Napatingin lang ako sa kaniya at ibinaling na muli sa harap ang tingin ko, nagfocus na ako sa pag lecture ko. Kailangan ko mag lecture. Naramdaman kong may umupo na sa right side ko.

"Mr. Li! Your late again." Sabi ni Sir pero hindi lang man sumagot yung lalaki. Kaya tumingin na ako sa kaniya.

Nanlaki ang dalawa kong mata, ito yung lalaking nasa library kanina na sinaktan ang braso ko! Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Ano ba sasabihin ko?

"Excuse me, yung bag ko." sabi ko at tumingin siya sa likod niya at tumingin sa akin.

"Pwedeng paabot?" pero tumingin lang siya sa akin na meaning ako na ang kukuha, sobrang pa-cool niya.

"Aesaekki!(Brat!)" Bulong ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako na para bang nagtatanong siya.

"Ani!" Sabi ko nalang at hindi na niya binaling ang tingin sa akin. Nang matapos na ang klase namin ay inakbayan agad ako ni Yumie.

"Tara na, sama ka samin sa Gig namin. Masaya yon."

"Tara. " aya ni Lora. I have no choice imbes na mag aral nalang ako ay napasama pa ako sa kanila. Lumabas na kami ng room at naglakad papunta sa parkingan.

"Meron kang sasakyan?" Tanong ni Lora

"Yup!I have my motorbike pero paano ako makakapunta sa lugar na sinasabi niyo? "

"Sasamahan kita. Aangkas nalang ako sa motorbike mo!" Sabi ni Yumie.

"Ah, sige. Gaja!" Sabi ko sa kanila at pinaandar ko na ang motorbike ko. Nauna nang umalis sila Lora, Dana at Eunice.

"Nakaka-excite naman. Sana maging part ka ng fam namin. " Sabi ni Yumie sakin. Nagsimula na akong magdrive, mabilis ang patakbo ko kaya napayakap ng mahigpit si Yumie sa akin at napahiyaw.

JaynieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon