Chapter 3 (Buwisit na Lalaki)

0 0 0
                                    


"Eunice. Uwi na tayo. Ihahatid na kita." Inalalayan ko na siya dahil lasing na ng kaunti, lumabas na kami at nang pagkalabas namin ay may naghihintay sa labas na sasakyan at sundo pala ni Eunice. Pinasundo na pala siya ng Mama niya.

Nang makaalis na sila. Sinimulan ko ng pinaandar yung motorbike ko at yung cellphone ko. Teka! Wala yung cellphone ko! Asan na? Baka naiwan sa loob. Dali dali akong pumasok ulit sa loob at hinanap ang phone ko. Nakita ko sa pinag-upuan namin ni Eunice. Nandito lang pala. Binubuksan ko yung phone ko. Ayaw! Nagloloko na naman ata o lowbat na ako. Hayaan mo na nga.

Paalis na sana ako ng biglang namatay ang lahat ng ilaw. What the? What happened? Bakit namatay lahat ng ilaw? Wait! I can't see anything!

"Hello?" wala akong makita.Bakit kasi namatay pa yung ilaw. Black out ba? Bigla namang nagkaroon ng ilaw sa stage at may umakyat doon.

Si ano yun ah. Yung nakabungguan ko kanina at yung nauntog ako sa locker niya. Si Pervert! Bakit? Anong gagawin niya? Magpeperform? Bakit huli na? Kung kelan wala ng tao tsaka siya mag-peperform? Aalis na sana ako pero napag-desisyunan kong panoodin na muna siya.

Kaya naupo ako. Hindi naman niya ako makikita dito dahil sa stage lang naman ang may ilaw. Kinuha niya ang gitara at umupo siya sa tapat ng mic. Nagsimula na siyang magpatugtog at kumanta.

It took
One look
Then forever laid out in front of me

One smile
Then I died
Only to be revived by you

Ang galing niya mag gitara at ang ganda rin ng boses niya. Nakaka-impress! Hindi ko aakalaing magaling din pala siya kumanta. Na kakainl- HUH?! No.

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life, plays out

Sa bawat words ng kanta. Naipapahayag niya ng mabuti. Naipapahayag niya kung ano ang ibig sabihin ng kanta. Kung tungkol saan at feel na feel niya at nafifeel ko rin ang kanta niya. Teka parang alam ko tong kantang toh ah! PAROKYA NI EDGAR ang kumanta nito.

I take one step away
Then I find myself coming back
To you
My one and only you
One and only you
Ohhhohhh

Napasabay ako sa kanta pero nag hum lang ako.

Now I know
That I know not a thing at all
'Cept the fact that I am yours
And that you are mine

Ohhh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain

Makaalis na nga, biglang may nagring. Saan yung nagriring? Tumingin tingin ako sa paligid ko. Shocks, phone ko pala yung nagriring. Ayaw kanina nito mag open ah. Nagloko nga. Lagot, si Kuya.

"Oppa?"

"Asan ka? Its already 8pm pero wala ka parin dito? Umuwi ka na."

"Ye Oppa. Uuwi na po ako. " Biglang sumindi yung mga ilaw. Napatingin lang ako sa itaas.

"You? Again?" Nagulat ako sa nagsalita. Tumalikod ako sa kanya at naglakad patungo sa exit na para bang wala akong nakita.

"Miss?" Tatakbo na sana ako kaso napigilan niya ako. Hawak niya ngayon braso ko. Bakit ba ang hilig nilang hawakan ako sa braso. Pangalawang beses na toh ah!

"Let me go." Sabi ko tapos yung kamay niya, nilagay ko sa likod niya.

"He-hey! Miss masakit." Tsaka ko siya tinulak.

JaynieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon