Chapter Four (Da Legend)

7 0 0
                                    

Pangalawang araw ko ngayon sa bago kong school. Nakita kong hinihintay ako ni Yumie.

"Yumie!" Sigaw ko

"Oh! Unnie!" Sigaw niya rin at lumapit na sa akin.

"Hindi mo dala ang motorbike mo ngayon?"

"Hindi eh, dahil sa buwisit na lalaki."

"Huh?"

"Let's go!" Aya ko sa kaniya, ayaw kong pag-usapan iyon dahil ang aga aga. Sa ngayon, lagi niya daw akong hihintayin sa Main Gate ng School at sabay kaming papasok sa room. Tutulungan niya rin akong matandaan ang mga daan dito.

Pumasok na kami sa klase namin. Ganun pa rin discussion. Tumingin ako sa malapit sa bintana. At wala siya, hmmmm bakit kaya wala siya, pero anong oras na. Matatapos na ang klase at lunch time na. Wala pa rin siya.

"Unnie!" Bulong ni Yumie at tumingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Ang lalim ng iniisip mo jan. Hindi ko kayang hukayin. " pabirong sabi ni Yumie, napangiti nalang ako at napailing.

"Sabay sabay tayo mag lunch ah." Bulong niya ulit, sinabi niya ito na kala mo batang sobrang naeexcite. Tumango nalang ako at ngumiti siya. Natapos rin ang klase at lunch na. Sabay sabay kaming lumabas ng room.

"Let's go Guys! Treat ko! Tutal malapit na ako umalis." Sabi ni Eunice pero binulong niya yung huli niyang sinabi.

"Eunice naman!" Sabi ni Lora

"Eunice, hindi ba pwedeng huwag ka na umalis at magstay ka nalang dito." Pakiusap ni Dana. Parang ang haba ng sinabi ngayon ni Dana ah. Pansin ko lang.

"Eunice, pano na kami? Pano na yung The Stars?" Tanong ni Yumie na malungkot na ang mukha na kala mo iiyak na.

"Oo nga Eunice." Sabi ko naman. Tumingin lang siya sa amin at ngumiti.

"Tara na guys! Treat ko! At may sasabihin pala ako sa inyong lahat mamaya." Sabay tingin sa akin at kumindat. Nanlaki lang mata ko ng kaunti ng kumindat sa akin si Eunice at tumawa lang siya, bakit niya ako kinindatan. OMG! Don't tell me may gusto na sa akin si Eunice. Ano ba yan kung ano ano naiisip ko.

"Let's go guys!" Aya ni Lora. Naglakad na kami, at hinanap ko ulit ang phone ko. Naalala ko nasa locker ko pala.

"Guys! Susunod nalang ako. May kukunin lang ako sa locker ko." Sabi ko sa kanila.

"Gusto mo samahan ka na namin?" Tanong ni Dana. Umiling lang ako.

"Unnie, alam mo ba papunta sa cafeteria?" Tanong ni Yumie.

"Oo na naman. Susunod nalang ako." umalis na sila at pumunta ako sa locker ko. Teka, saan na nga ba yung mga Lockers. This way? Or that way?

"Sa tingin ko, doon?" Sabi ng lalaki.

"Ah salamat!" Naglakad na ako sa way na tinuro niya pero napahinto kaagad ako. Teka! Lumingon kaagad ako at nakita ko siya. Ang Lalaking buwisit na kagabi.

"Oh? Bakit? Tinuro ko na ang way kung saan ang mga lockers baka kasi mauntog ka na naman." Sabi niya at tumalikod na sa akin tsaka naglakad palayo sakin.

"Inbwa yo!" Sigaw ko na nabibuwisit ako

Tinaas niya lang ang kanan niyang kamay at tuloy parin siya sa paglalakad. Nakaka-asar na talaga siya. Inuubos niya pasensiya ko. Makapunta na nga sa locker ko.

Kinuha ko lang yung cellphone ko baka kasi tumawag si Papa o si Kuya. Nagpunta na agad ako sa cafeteria. Natatandaan ko naman ang mga daan kahit papaano. Habang naglalakad ako napatingin ako sa isang pinto at sumilip, nakahawak lang ako sa doorknob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JaynieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon