Out of My Reach

322 2 0
  • Dedicated kay Kristine Kyle Diaz
                                    

Note: Trip ko lang pong gawin toh. Haha XD

Nauna ko pa tong tapusin kesa sa Art Of Love. Don't worry po, matatapos ko rin po yun.

Comment naman po kayo and Vote kung maganda po ba o pangit. I need it ei. Pls.

Pretty Please with soft ice cream on top. :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Out of My Reach

"Ang gwapo gwapo niya talaga Cold!" Sabay hampas sa balikat ko habang kinikilig siya dahil dumaan ang crush niya.

"Oo na Hot, gwapo na sya. Sakit mo talaga manghampas."

"Ganun talaga! Haha. Kinikilig ako ei.^-^" Hampas naman sa braso ko. Battered friend talaga ako.

Nasa may classroom kami iniintay ang Prof. namin sa Filipino at ito namang si Tine ay nakatanaw sa may pintuan at inaabangan ang mga Crush niya sa pag-akyat ng hagdan. Nasa may 3rd Floor kasi kami at malapit sa hagdan ang room namin, idagdag mo pa na See Through Glass yung mga bintana namin(tama ba? Basta ganun yun). Isang crush pa lang niya ang dumadaan at mukhang kailangan ko nang ihanda muli ang aking braso, balikat, ang buo kong katawan dahil hahampasin na naman niya ko.

At di nga ako nagkamali. Tinawag ng isang lalaki si Jude(isa pa niyang crush). Hindi pa umaakyat ang crush niyang yon sa hagdan, todo hampas na sakin tong nasa tabi ko."OH MY GAHD! Paparating na si Jude! WAAAAAAAAAAAAAAH!"

"Tama na uy! Namumula na oh. Nananching ka lang ata sa mga muscles ko ei." Asar ko sa kanya.

"Asa Cold! Kaw may muscles? Ei, ang payat payat mo ei at di ako nananching sayo noh! Feeling ka! Haha." Hampas na naman sakin. Kung di ko lang toh mahal nagalit na ko dito ei.

Oo, tama. Mahal ko tong babaeng toh. Ang babaeng mahilig sa gwapo at sa mga Kulay Koreano ang Kutis, si Kristine. Hot at Cold ang tawagan namin dahil Hot daw kasi siya at ako daw ay Cold dahil lagi daw lumalakas ang hangin pag nasa tabi niya ko. Ang yabang ko daw kasi, hay nako .. lam ko namang nilalamig siya sa sobrang kaba dahil lagi akong nasa tabi niya pero Joke lang yun! Feeling lang ako.

Pero malay niyo diba? May June na nasama sa listahan ng mga crush niya. At baka di naman talaga si Jude ang gusto niya, baka si June nga. Which is ako. Haha. Patawa ako. Imposible namang magkagusto ang isang Kristine Diaz sa isang tulad ko. Di ako gwapo at moreno ako. Di rin naman ako panget o kaya ay cute, may itsura lang. Ei lahat naman tayo may itsura kaya wala talaga akong laban sa mga crush niya na mga varsity at sikat dito sa University namin.

Model ng College namin si Tine samantalang ako .. Model ng Patis! Kaya siya ay Out of my Reach! Di ko maabot dahil Langit sya samantala ako ay Lupa, amoy lupa. Haha. Ang korni ko. Pero seryoso, maganda si Tine at ang tangkad niya. Mas matangkad pa saken. Kapre ata yun ei. Well, ang ganda at seksi niyang kapre. Kung anu-ano na tong iniisip ko. Nababaliw na ata ako sa kanya. WAAAAAAAAAAAAAAH! Mamaya magiging pop corn na ko sa sobrang korni ko XD.

Dumating na ang prof namin kaya bumalik na ko sa upuan ko. Magkatabi pa rin naman kami ni Tine sa official seat kaso ayun, nandun pa rin sya sa may upuan malapit sa pintuan upang abangan ang mga crush niya.

Konti pa lang kami, mga lagpas pa lang ata ng klase namin ang nandito. Gabi na kasi kami nakauwi lahat kagabi dahil hanggang 9pm yung last class namin kahapon.

Nagchecheck na ng attendance si Ma'am at nung dumating na sa Diaz.

"Diaz? Kristine Diaz?" Prof namin.

"Ma'am! ^_^" Sabay kaway pa na pang Miss Universe.

"Oh? Bat andyan ka? "

Biglang nagsalita ang bestfriend ni Tine. "Inaabangan niya Ma'am ang mga crush niya. Valentine's Day na daw kasi. Baka yayain daw siya mag-date."

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon