Dahil sa Ipis

172 1 0
  • Dedicated kay Galvez Kenneth Christian
                                    

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" (Tili yan. Wag ka nang magreklamo -_____-)

Tili lang ng tili ang mama ko sa may sala. Lahat sila nagkakagulo dun. Andun naman si Kuya Ralph para maging Knight in Shining Armor ni Mama. Nasaan ako? Hulaan mo, Secret! Walang Clue.

Joke lang. Nandito ako sa may CR hindi para magdeposit kundi upang magtago.

May Ipis kasi sa labas. 

Nagfefeeling Butterfly. Palipad-lipad. May dumapong isa kay Mama kaya yun, tili ng tili at ako naman ayun, nagtago sa CR. No choice ei. Toh lang malapit na pagtaguan.

Bading man sa tingin niyo pero anu magagawa niyo? Eh sa takot ako sa ipis ei. Yun tipong lumilipad tapos dadapo sayo, mararamdaman mo yung nakakadiri nilang mga paa sa balat mo. Idagdag mo pa ang mabaho nilang amoy. Naku! Maawa kayo! Kahit magface to face kami ng multo o aswang, ayos lang. Wag lang ipis .. Ikakamatay ko PROMISE! >.<

Naalala ko tuloy, nung mga panahong kami pa ng girlfriend ko. Tatlong taon din kaming naging magnobyo. Mahal na mahal ko siya, halos ituring ko siyang prinsesa kahit ayaw niya. Gusto kasi niya give and take. Pantay lang kami. Walang under at walang superior kaya mahal na mahal ko yun. Hindi siya maarte, maganda siya, chubby(yung parang katulad ni Pauleen Luna), mabait, talented. Halos lahat na ata nasa kanya. Nung nagsabog ata ang Diyos ng mga talento at magagandang katangian ay gising na gising siya at sinalo niya lahat. Kaso, dumating ang isang araw na dapat nilaktawan na lang sa kalendaryo nang di na nangyari. Ang pagbrebreakup namin. :(

FLASHBACK

Nasa may bahay namin kami, parang normal na araw lang. Kulitan dito, kulitan dyan habang nag-aaral ako nang madugong Solid Munsuration at siya naman ay ang Finance niya. Marketing siya at ako naman Computer Engineering.

Medyo lumalalim na ang gabi kaya ihahatid ko na siya sa kanila.

Nasabi ko na ba sa inyo na malapit sa may kanal ang bahay namin?

AnakNgTokneneng.

Binuhusan nga pala yung kanal ng Pintura at Thinner kanina ng magaling na tropa ng kapatid ko. Panigurado, Labasan nila ngayon.

At yan na nga ang sinasabi ko, mayroong lumilipad sa may harap ko.

Si Len-len naman ay ayun tumakbo sa may hagdan namin at halatang takot na takot.

"Kenth! Paalisin mo sila! Dali!! Wag mo silang tatapakan! Kadiri! WAAAAAAAAAAAH"

Dahil sabi ng Prinsesa ko na paalisin sila ay gagawin ko na.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon