Ang Bagal ko kasi

186 1 0
  • Dedicated kay Oniel Bamba
                                    

HAYOW!

Ito po ay parang sequel ng Math Geek.

Sabi kasi ni Oniel, magdedicate naman daw ako sa kanya soo ..

ituloy natin ang kwento ng pag-ibig nila, (Pag-ibig nga ba?)

Sorry kung Masabaw o Lame po tong story na toh.

At super korni pa. SORRY talaga T^T

--------------------------------------------------------------------

"i < 3u Can you let me prove that to you?"

Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang mga katagang yan.

Mga katagang hindi ko inaakalang masasabi ko sa kanya.

Matagal ko na siyang gusto, nung una ko pa lang siyang makita ..

nabihag na niya ang puso ko. :)

Bading man pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Anim na buwan na ang nakararaan simula ng magtapat ako sa kanya sa harap ng mga kaklase namin.

Syempre pagkatapos ng confession ko, inasar kami at tinutukso na bagay daw kami, ang sweet ko daw at kung anu-ano pa.

Diba sabi ko .. iproprove ko sa kanya na mahal ko siya?

Eto ako, anim na buwan nang nanliligaw sa kanya.

Pati nga magulang niya, niligawan ko na.

At good news! Boto sila sakin! Whaha xD

Kulang na lang talaga ay ang ..

Oo niya.

Sabi ng tropa ko, ang tiyaga ko daw tapos may mga loko-loko na nagsasabing sa iba na lang daw.

Pero, mahal ko nga siya diba?

Kaya kahit gaano ko pa siya katagal ligawan, ayos lang.

Mapatunayan ko lang sa kanya na mahal ko siya.

"Good Evening Ladies and Gentleman!"

Nalimutan kong sabihin sa inyo,

nasa Prom po ako.

Prom po namin at siya ang date ko.

Speaking of Date,

Asan na yun?

Kanina kasama ko siya.

Pero nang matapos yung cotillion

Nagpaalam siya na makikihalubilo sa mga kaibigan niyang babae ..

pero di na bumalik.

Di naman niya ko iniwan dito diba?

Babalik yun. Tama ba?

Naka-ilang set na ng kanta yung dj at wala pa ring MARA na bumabalik.

Di pa din ako sumasayaw, syepre ang gusto ko .. siya ang first and last dance ko.

Balak ko pa nga sana siyang isayaw ng buong gabi ei kaso mukhang pulilyado yung balak ko.

Nakakainis naman oh!

Asan na ba yun?

Nag-aalala na ko dito.

Kayo ba?

Nakita niyo ba ang Mara ko?

Maka-ko ei nuh?

Kala mo kami na,

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon