12 o'clock midnight.
Halos tulog na ang lahat ng mga tao.
Samantalang ako,
Gising na gising.
Nagpapaka-emo sa loob ng kwarto ko.
Kulang na lang razor para kumpleto na ang drama ko.
Nasa harap ako ng laptop ko.
Mangiyak-ngiyak sa mga nababasa ko, sa mga nakikita ko.
Ang Mga landian namin noon sa facebook.
Mga nakakakilig at sweet naming mga larawan sa mga album.
Na dati-rati,
halos mamatay ako sa kilig at saya tuwing nakikita ko ang mga toh.
Pero Ngayon,
Para akong tinotorture ng kabayo.
Lalo na pag nababasa ko yung mga post noon ng mga taong malalapit sa amin.
“Ang sweet niyo naman. :)”
“Perfect Couple.”
“You two are perfect for each other.”
“Invite niyo ko sa kasal ha?”
“Bat ang sweet niyo? Nilalanggam na kayo oh.”
Tapos nung nagbreak kami ..
“Aw. Bakit? ?”
“Sayang.”
“Anong nangyari?”
“Sino nakipagbreak?”
“Magkakabalikan pa rin yan. Sila pa.”
Sana nga totoo yung dulo.
Sana nga magkabalikan pa kami.
Kaso mukhang Malabo na yun.
Isang taon na ang nakalipas.
Akala ko naka-move on na ko.
Pero nung nakita ko siya kanina, na may kasama ibang babae.
Hindi pa pala.
Masakit pa rin pala.
Mahal ko pa rin pala siya.
Samantalang siya, ayun. Masaya.
Masayang kapiling ang bago niyang nobya.
Habang pinagmamasdan ko sila,
Naiingit ako.
Namimis ko yung dati.
Yung mga akbay niya, yakap, halik at mga pasimbleng banat na korni.
Six years. Six years kaming nagsama.
At sa isang araw lang, nawala iyon na parang bula.
Hindi ko po siya boyfriend.
FIANCE ko siya.
Ngayong taon kami dapat ikakasal.
At ang nakakatawa pa, ngayong araw dapat yun.
Ang bait talaga ng tadhana sa akin,
Kay sarap tuloy tumalon sa bangin.
Ngayong araw ko pa nakita ang taong dati-rati ay akin.
Kaya wag kayong magtaka kung bakit ganito ako ngayon.
Iniisip niyo siguro ..
Para namang namatayan toh.
![](https://img.wattpad.com/cover/1000660-288-k72249.jpg)
BINABASA MO ANG
Short Stories
Teen FictionMga Short Sories na ginagawa ko pag trip ko o kaya stress ako. Basahin niyo po ha. ^^