Math Geek

188 3 0
  • Dedicated kay Aya Xie Mushailov
                                    

WAAAAAAAAAAAH! Lam nyo yung feeling na hindi mo pa na-save yung ginawa mong story tapos biglang namatay yung laptop na gamit mo?

Ka-BV! T^T

Sensya po kung Lame yung story o korni.

Sensya po talaga. T__________T

I dedicated this story sa Math Geek nang block namin.

Mabait yan. Promise! Sana magustuhan niya toh. :))

At sana magustuhan niyo rin .

----------------------------------------------------------------------------

"Hey Geek." 

Tumingin ako doon sa tumawag sa akin. Isa siyang cheerleader at sikat sa school na taga-Section C. "Campus Girlfriend" ang tawag sa kanya dahil halos lahat ng lalaki sa paaralan ay naging karelasyon na niya.

"Yes?" Tugon ko sa pagtawag niya sa akin.

"Gawin mo ngai tong assignment ko." Tiningnan ko lang yung notebook na inaabot niya sa akin.

"Titingnan mo lang ba ha? Nakakangalay oh! Kunin mo na. Malapit na yung klase ko dyan." Tinaasan ko siya ng kilay at sinabing "Why should I do your assignment?"

"Aba! Sumasagot ka pa ah." Akmang sasabunutan na niya ko kaso may biglang sumigaw.

"Don't you dare!"

Napatingin kami doon sa sumigaw.

Palapit ng palapit sa amin ang isang gwapong nilalang na may DLSR na nakasabit sa leeg niya.

"Wag kang mangialam dito Oniel!"

Tiningnan siya ng masama nung lalake "Leave her alone."

Umalis na yung impaktang nagpapagawa sakin ng assignment.

"Are you ok?" Kitang kita sa mga mata niya ang pag-alala. Parang nagkaroon bigla ng mga butterflies yung tiyan ko.

"Ahmm .. Yes, I am. Thanks."

"It's nothing." Tapos na nagsmile siya. Ang cute ng smile niya. Nakakainlab. <3_<3

************************

Okay Cut!

Back to reality.

Iyon nga pala ang una naming pagkikita at pag-uusap ng prince charming ko. Mula nung araw na iyon ay hindi na siya nawala sa isip ko.

Ako nga pala si Mara. Isang Math Geek sa isang sikat na paaralan. Kilala ako sa aming paaralan sa kadahilanang madalas akong magbigay ng free tutorial. Ayoko kasing may bumabagsak, lalo na sa mga kaklase ko.

 Kung magpapaturo ka, Game!

Pero kung mangongopya ka sakin o kaya ay magpapagawa ka ng assignment .. ano ka? Sinuswerte?

Yung lalaking tumulong nga pala sakin ay si Oniel, isa siyang photographer. Sikat din siya sa school dahil gwapo siya. Maraming nagkakagusto sa kanya, at  isa na ko dun. At dahil swerte ako, kaklase ko siya. Lagi ko lang siyang tinatanaw sa malayo kasi ang daming nakapalibot sa kanya kaya hindi ko siya malapitan.

Isang araw, nagpaturo siya saakin ng math. Tuwang tuwa ako nun! Sino ba namang hindi ei, nilapitan ako ng crush ko. Alam niyo ba Yung feeling na kinikilig ka pero ayaw mong ipahalata. Ito yun eh! Tinuruan ko siya sa Math at habang tinuturuan ko siya, feeling ko nasa cloud nine na ko. Promise! :)

May mga nagsasabi na bakla daw si Oniel dahil hindi pa ito nakakaroon ng nobya pero iniisip ko na lang na baka .. Study first ang drama niya. Kasi kung bakla nga talaga siya, paano na lang ang puso ko? T___T

Pero okay lang, lalandiin ko na lang siya at aakitin hanggang sa maging lalaki siya at makuha ko ang puso niya. HAHAHA xD Joke lang. Kung ano man siya, matatanggap ko iyon dahil mahal ko siya.

May klase kami ngayon sa Math at nagsasagot kami ng mga equations. Enjoy na enjoy akong nagsasagot nang bigla siyang lumapit. "Mara." Tinawag niya ko. Sinabi niya ang pangalan ko. Pwede  na kong mamatay! Ay, wag muna pala, magiging KAMI pa. :3

"Yes? *u*"

"Magaling ka naman sa Math diba? Pasagot naman nito."

Tiningnan ko yung pinasasagot niya sakin at isang simpleng math equation lang naman yun kaya kinuha ko at sinagutan.

9x-7i > 3(3x-7u)

Simpleng algebra lang ito. Sisiw. :3

Ako sa papel:

9x-7i > 3(3x-7u)

9x-7i > 9x-21u

9x-9x-7i > -21u

(-7i > -21u) / -7

i < 3u

Yey! Tapos na. Bakit parang familiari tong sagot? Hmm .. saan ko ba nakita ito?

"Tapos mo na?"

"Ahh, Oo." Inabot ko na sa kanya yung notebook pero di niya naman tinanggap.

"Ano sagot?"

i < 3u"

Bigla siyang ngumiti at sinabing "I love you too. ;)"

Ngayon, naalala ko na kung saan ko nakita iyn. <3 ay heart kaya i love you meaning ng i < 3u. Ramdam kong namula ako sa sinabi niyang iyon. Di ko alam kung joke o ano pero natutuwa ako. Bigla siyang lumuhod sa harap ng kinauupuan ko. Marami na ang nakatingin pero parang wala lang ito sa kanya. May nilabas siya sa kanyang likod, siguro kanina niya pa iyon hawak-hawak.

"You are a Math Geek at maraming humahanga sayo dito sa school. Samantalang ako, simpleng photographer lang at madalas pang palakol ang mga grades ko lalo na sa Math."

Huminga siya ng malalim at ..

"i <3 u Can you let me prove that to you?"

-----------------------------------------------------

Waaaaaaaaaaaaah! Panget po ba? Sorry naman kung pangit! T^T

Sorry. T_________________T

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon