[KISHA]
Nang mapalitan ko na ang suot kong uniform kanina agad akong lumabas ng cubicle at humarap sa malaking salamin na nandito sa loob ng CR.
Makapal na makapal na makapal na bangs?
Flat na flat na buhok hanggang bewang?
Namumutla at plain na labi?
Namumutlang balat?Yung uniform ko sakto lang size saakin. Hindi fit at lalong hindi maluwag.
Hindi ko ginustong maging ganito.
Kusa nalang talaga nagbabago ang isang tao.Lumabas na ako ng cr at chineck ko wrist watch ko.
Buti nalang 20mins. Pa before ang start ng next class ko.
Nagsimula na akong maglakad para saktong oras ako makapunta dun sa room namin.
Nang mahagip ng mata ko si drew nakaupo sya at nagdo-drawing.
Magaling syang mag drawing.
Yan ang talent niya.
Nung makita niya ako tinitigan lang niya ako.
Yung tingin na parang di niya ako kilala.Nakaramdan ako ng kirot, Pakiramdam ko wala na talaga ang bestfriend ko.
Ngumiti nalang ako sakanya ng konti pero sya tinuloy lang ang pado-drawing.
Umiwas narin ako ng tingin saka huminga ng malalim at dumeretso na ng lakad.
Nang matapat na ako sa pintuan ng room namin rinig ko na ang buong ingay ng klase .
Tinignan ko ulit wrist watch ko at 10minutes pa before mag start ang klase namin.
Pumasok na ako ng room at tuloy tuloy padin sila sa pagiingay at paghaharutan .
Yung iba kong kaklase na babae naka kandong sa mga varsity players na nandito sa section namin.
Nakaramdam nadin ako ng mga papel sa buong katawan ko , Alam kong binabato na nila ako ng mga papel at basura pero yumuko nalang ako saka dumeretso papunta sa upuan ko.
Natahimik nalang sila nung dumating na ang teacher namin, Buti nalang at maaga syang pumunta.
---After ng class namin dumeretso na muna ako dito sa starbucks para uminom ng strawberry frappe.
Eto kasi yung favorite ko eh eto lang nakakapag pangiti saakin .
Nag stay muna ako dito sa starbucks tutal 1hr. Naman vacant namin ngayon eh.
"Hi kisha!!" Ngumiti ako sa babaeng umupo sa harapan ng pwesto ko at ngiting ngiti.
"Oh zyrene? Akala ko ba gabi shift mo ngayon?"
"Epal kasi tong boss ko eh tinawagan ako kanina dahil kelangan ko pumasok ng maaga dahil daw andaming absent. Ayun sa sobrang bait ko pumayag nalang ako" Tumikim sya ng konti sa cake kong inorder dito sa starbucks.
"Bait daw? Eh Umabsent ka nga ngayon sa school niyo Psh" Tumawa naman kaming dalawa.
Working student si zyrene , Dito sya mismo sa starbucks nagtatrabaho at sa Moulin academy sya nag aaral samantalang ako sa Jarvis academy.
Di niya alam na binubully bully ako sa school namin dahil wala naman akong balak ikwento sakanya.
Ayokong kaawaan niya ako.
"Oo nga pala wala ka pang boyfriend diba?" Umiling lang ako sakanya saka tinuloy pagsipsip ko sa frappe ko.
"Sa ganda mong yan? Wala ka pa nagiging boyfriend or manliligaw?" Pagtataka niyang tanong.
"Ikaw lang naman nagsasabing maganda ako eh hahahahaha" Akala ko tatawa sya pero nananatili lang syang nakatitig saakin.
Hinawakan niya ang baba ko at nilapit niya mukha ko sa tapat ng mukha niya saka hinawi hawi pagilid ang bangs ko.
"Maganda ka promise. Nakakainggit nga kagandahan mo eh" wow? Tulog yata tong kaibigan ko?
"Ganyan pala napapala ng biglaang early shift hahahaha!"
"Baliw! Seryoso ako!!" Tumawa nalang kaming dalawa.
----
"Bye zyrene!" Nagbeso beso muna kaming dalawa bago sya bumalik sa trabaho niya at ako naman nag lakad lakad muna dahil may 40mins . Pa akong free time.
Pumasok ako sa isang shop nakita ko doon ang isang stufftoy na minions.
Di sya malaki at di rin sya maliit.
Ang cute niya.
Nagulat ako nung may humablot nun.
Nung nilingon ko kung sino yun.
Sya yung lalaking nagbuhos ng tubig saakin kanina.
Nakita kong tintitigan muna niya yung minion na yun.
"M-mahilig ka din pala dyan?" Nanlaki mata niya at parang nataranta nung makita niya ako.
"A-anong ginagawa mo dito ha?!" Nangati tenga ko sa sigaw niya.
"Eh? Nagtatanong lang ako. Bibilhin ko kasi yan eh" Napansin kong lumungkot mukha niya at yumuko saka binalik ang stuff toy kung saan ito nakapwesto kanina.
Problema nun?
YOU ARE READING
SECRETLY PREGNANT BY A BADBOY?!
FanfictionPark Seul AS Kisha Ryuka Jeon Jungkook AS Ace Tyler Rodriguez Wen Junhui AS Drew Javier Rivera