#7

51 1 0
                                    

[Drew's POV]

Dahan dahan kong hinihimas paulit ulit ang kanyang buhok habang nakatulala sa maamong mukha ni kisha.

Di ko nanaman mapigilan ang maluha nang mapansin ko ang malaking pagbabago sa itsura at katawan ng dalagang nakahiga sa kama ngayon.

Nangitim na ang buong paligid ng mata niya, Namumutla at tuyo na ang kanyang mga labi at tila nawala ang matataba at malulusog niyang pisngi na masarap laging pisil pisilin.

'Dahil sa kapabayaan niya ngayon ay nasa panganib na ang sanggol na nasa sinapupunan niya at pwede rin ito ikamatay ng pasyente'

Kisha, Bakit? Bakit mo hinayaan na humantong ka sa ganito?

Alam kong hirap na hirap ka na pero dyos ang nagbigay sayo niyang sanggol na yan.

Bakit hinayaan mong kainin ka ng depression ?

"Drew.." Di ko na pala namalayan na gising na pala sya.

"Bakit mo ginawa yun?! Bakit mo naisipang gawin yun?" Nakita kong halos manlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa kong pagsigaw sakanya pero agad din naman niya iniwas ang tingin saakin.

Umupo sya ng maayos at isinubsob niya ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod, Kasabay ng kanyang mga paghikbi.

"Drew, Walang wala na kasi akong maihaharap na mukha sainyo ni tita. Feeling ko andumi dumi kong tao dahil sa nangyare saakin, Dahil nabuntis ako na hindi alam kung sino ang ama. Araw araw na akong pabigat sainyo ni tita." Niyakap ko sya ng mahigpit at rinig ko ang paglakas ng kanyang pagiyak.

"Bakit ba napakamalas ko?"

"Paglabas natin dito sa hospital ipangako mo saamin ni tita na babalik ka na sa dati ok? Babalik ka na sa dating kisha habang dinadala ang batang yan" Turo ko sa tyan niya.

"Wag mo idamay ang bata kisha, Kawawa naman sya. Di pa sya nakakalanghap ng sariwang hangin at hindi pa niya kilala ang dyos kaya wag mong hayaan na mawala nalang sya agad." Tumango sya na nakangiti habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha.

"Pangako drew, Pangako di na ako magiging pabigat" Di ko maiwasang ngumiti ng napakalawak dahil sa mga binitawan niyang salita.

-----

[DREW's POV]


      "Good morning titaaaa" Yumakap agad ako kay tita maridel pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila.


       "Mukhang ang saya ng anak ko ha ?" Tinuring na rin akong anak ni tita maridel.

  

      "Syempre naman tita magiging tatay na ako eh" Nanlaki mata ng tita ko sa sinabi ko.


      "Ano?! Drew!" Tumawa ako ng malakas at kinurot si tita sa pisngi.


     "Toh naman si tita hinala agad hahahaha... Ako kasi magiging tatay nung nasa sinapupunan ni kisha"


        "Hoy ! kung ano ano pinagsasabi mo kay tita ha ! Di pa ako pumapayag!" Sigaw ni kisha habang dahan dahan na lumalapit saamin.


      "Eh yun naman pala anak eh bakit ayaw mo pumayag eh mas maganda nga kung magkakaroon ng tatay yang apo ko noh !" Tinitigan ng masama ni tita kisha saka ko naman sya binelatan na naging resulta ng pang babatok niya TT^TT sakit ha !



        "Sige tita papasok na po kami baka sapakin pa ako nitong pamangkin niyo eh " Sinabunutan na ako ni kisha palabas ng bahay nila nagalit yata sa sinabi ko HAHAHAHHA!


Bumabalik narin unti unti ang ngiti nina tita maridel at kisha . masaya na ako dun. worth it na yun para sa lahat ng sakripisyong ginawa ko .

SECRETLY PREGNANT BY A BADBOY?!Where stories live. Discover now