[KISHA]
Tumakbo ako papasok ng Girls Comfort Room.
Halos mapaluha ako habang tinatanggal isa isa ang mga balat ng itlog at kamatis na nasa buong katawan ko.
Matapos ko silang tanggalin nag kulong muna ako sa isang cubicle at umupo sa toilet bowl.
Saka nag iiyak.
Bagay lang talaga na tawagin itong comfort room dahil ito lang ang may kakayahang mag comfort saakin.
Matapos akong magdrama lumabas muna ako para kumuha ng extra uniform.
Habang naglalakad ako papunta ako sa hallway nabangga ako ng isang tumatakbo na lalaki kaya pareho kami napaupo sa sahig.
"Gross, Tatanga tanga kasi eh!" Di ko makita kung sino sya dahil nakayuko lang ako habang dahan dahan na tumatayo.
Nung makatayo na ako nagulat ako nung makaramdam ako ng malamig na bumuhos sa buong katawan ko.
Inangat ko ulo ko para pagmasdan ang lalaking bumuhos ng tubig saakin at bumangga saakin.
Nakapamulsa lang sya at nakangiti na nakakaloko saakin .
"Mukha kasing kulang ka sa ligo eh" Umiwas na ako ng tingin sakanya nung ibinato na niya sa ulo ko ang isang walang laman na bote ng tubig saka sya tumakbo ulit.
Alam kong walang masyadong dumadaan dito sa hallway na toh at alam kong walang katao tao dito ngayon kundi ako lang kaya umupo muna ako sa sahig saka tinakpan ang mukha ko ng dalawang palad ko at umiyak na nang umiyak.
Minsan sa sobrang bait mo imbis na respetuhin ka bilang tao Hindi eh, Binubully ka pa.
Wala naman akong ginawa sakanila ha? Bakit kelangan nila ako pagtulungan?
Sumandal muna ako sa isang sulok at niyakap ang mga binti ko saka binaon mukha ko sa mga tuhod ko.
'Dwerp'
'Freak'
'Ugly creature'
'Disgusting human'
'Animal Creature'
Araw-araw pareho nalang lagi naririnig ko sa mga taong nakapaligid saakin sa school na toh.Mas ok pa nung nasa japan pa ako nag aaral.
Wala silang pakelam sa kung ano ako dahil wala rin naman akong pakelam sakanila.
Eh dito sa pilipinas? Hindi mo na nga sila pinapakelaman ginugulo ka padin.
Dalawang taon na akong nakakaranas ng ganito.
Dalawang taon na akong biktima ng bully.Pinunasan ko na luha ko saka dumeretso sa locker ko.
Araw araw akong may dalang extra uniform dahil alam kong araw araw din nila akong pagtitripan ng ganito.
Babatuhin ng itlog.
Babatuhin ng kamatis.
Babatuhin ng mga tirang pagkain.
Babatuhin ng mga malalagkit na inumin.Gusto kong bumalik ng japan, Kaso di na pwede eh.
masyado nang kumplikado ang lahat.Napaikot ako nung may humila sa braso ko paharap sakanya.
"Bakit mo ba sila hinahayaan na ganyanin ka paulit ulit?!" Pero masaya ako na kahit ganito ako may natitira parin akong bestfriend sa mundong toh.
"Sanayan nalang yan drew" Tinawanan ko nalang sya kahit peke. Pero imbis na sumagot sya tinitigan lang niya akong masama.
"Kisha stop being nice to them! Kung sinasaktan ka nila saktan mo din sila! Habang binabalewala mo ang ginagawa mo sakanila umaabuso sila so please stop being so nice hindi ka naman ganyan dati eh" binitawan niya braso ko at dahan dahan syang lumuhod sa lapag.
Nasasaktan nanaman sya.
Nasasaktan nanaman sya dahil saakin.
Araw araw ko nalang sya nasasaktan.Pumantay ako sakanya saka pinunasan ang mga luha niya pati luha ko.
"You know the reason why" niyakap ko sya pero tuloy parin ang pag iyak niya.
Drew im sorry . Im sorry dahil sakit ako lagi sa ulo mo. Sorry dahil di ko na kaya magbago . Im sorry.
"Kalimutan mo na ako kisha, kalimutan mo na naging kaibigan mo ako hanggat di mo kayang ipagtanggol sarili mo" unti unti syang kumawala sa yakap ko.
Ang sakit na pagmasdan syang unti unting lumalayo saakin.
Drew....
YOU ARE READING
SECRETLY PREGNANT BY A BADBOY?!
FanfictionPark Seul AS Kisha Ryuka Jeon Jungkook AS Ace Tyler Rodriguez Wen Junhui AS Drew Javier Rivera