[KISHA]
1 Week na akong di pinapansin ni drew as usual lagi ko parin syang nginingitian kahit na nilalagpasan niya lang ako palagi.
Alam ko naman kasi na mahal parin niya ako bilang bestfriend niya noh kaya alam kong sa kaloob looban niya miss na niya ako .
"Ms, Ryuka?" Nagising ako sa katotohanan dahil sa malamig na boses ng teacher namin.
"Parang malalim yata iniisip mo ms, ryuka?"
"Im sorry sir" nilaktawan nalang niya ako.
Nandito ako ngayon sa cafeteria kumakain.
As usual lagi akong dulo.
Napagmamasdan ko yung lalaking bumuhos ng tubig slash naka encounter ko sa minion na stuffed toy kahapon mula dito sa pwesto ko.
Tawa lang sya ng tawa,
Pero pag tinitigan mo sya ng maigi nagiging iba hugis ng mata niya.
Yung hugis na malungkot.
Yun bang parang may lungkot at sakit sya na kinikimkim sa loob.
Nabigla ako nung may bumuhat saakin pataas , nung tignan ko yun dalawang lalaki na medyo matangkad at tisoy ang bumubuhat sa magkabilaan kong braso.
"Saan niyo ako dadalhin?! Bitiwan niyo ako!" Binaba naman nila ako pero sa harapan nung lalaki nila ako tinapat.
"Ace, we notice that this girl is staring at you" sabi nung isang bumuhat saakin pagkpwestong pagkapwesto niya dun sa likod nung lalaki.
Tumayo yung lalaki na yun na ace daw ang pangalan, at lumapit sa harapan ko.
"Totoo ba yun?" Ang lamig ng tono niya at wala akong maexplain kung ano ang nakikita ko sa itsura niya ngayon kundi ang salitang 'PLAIN'
"H-hindi" tinitigan ko din sya sa mata niya at tila ba nag smirk lang sya saka umupo ulit sa pwesto niya na wala padin emosyon.
"Gotcha, Dork" dinutdot nung isa ang noo ko saka binato saakin ang bag ko.
"Makakaalis ka na" sabi naman din nung isa saakin kaya bumalik na ako sa pwesto ko kanina.
Pinunasan ko yung mata ko dahil ramdam kong may luha ako.
Masasanay ka din kisha...
Konting tiis nalang at makakaalis ka na dito, Sa impyernong toh.
Natanaw ko si drew sa malayo na tila ba nakatitig saakin at halatang gusto niya ako tanungin at lapitan kaso bigla nalang sya yumuko at umalis palabas ng cafeteria.
Dali dali akong umalis sa pwesto ko at tumakbo palapit kay drew.
"Drew..." di sya humarap saakin pero tumigil sya sa paglalakad.
"Di na ba ako mahalaga sayo kaya nakakaya mo akong tiisin?" Di parin sya tumitingin saakin pero alam kong nakikinig sya.
"Akala mo ba sa ginagawa mo ngayon na pag iwas saakin ay mababalik mo ang dating ako? Eto ang nakatakda saakin drew eh" bigla syang humarap saakin at lumapit na lulumuha ang mga mata niya.
"Di yan ang nakatakda sayo kisha! Sinisisi mo lang ang sarili mo sa nangyari noon kaya akala mo hanggang ganyan ka nalang! Di dahilan yun kung bakit di kita pinapansin, Di kasi ikaw yung bestfriend ko, di ikaw yung kisha na lagi kong pinapansin at kinakausap , di ikaw sya kaya para saan pa para pansinin at kausapin kita?" Sabay talikod niya saakin.
"Wala ka kasi sa posisyon ko drew kaya madali para sayo sabihin ang ganyan!"
"WAKE UP KISHA! IT'S BEEN THREE YEARS , THREE YEARS ! THREE YEARS NA AKONG NAGDUDUSANG TIGNAN KA NA NAGPAPAAPI, THREE YEARS NA AKONG PAGOD PAGSABIHAN KA AT BIGYAN KANG LAKAS---"
"THEN FINALLY YOU ADMIT IT! FINALLY YOU ADMIT NA ISA AKONG PABIGAT SAYO!" tinulak ko na sya saka tumakbo papuntang ladies room.
Hindi ko alam kung bakit pa naglilikha ang dyos ng mga taong kagaya ko.
Mga taong pabigat
Mga taong patapon at walang silbi.Ginawa lang ba talaga kami para pahirapan at pagkaitan?
Bakit ang unfair ng dyos? Bakit ang unfair niya?
----Nung medyo kumalma na ako, lumabas na ako ng ladies room at lumabas narin ako ng school di ko na pinasukan ang dalawang natitira kong subject dahil gusto ko muna mapagisa.
"Tanga puta!" Dahil wala ako sa sarili ko di ko napansin na may nakabungguan na ako.
"S-sorry" di ko na inangat ulo ko para tignan kung sino sya baka masuntok lang ako nito.
Nang makarating na ako sa loob ng bahay dali dali akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko saka nag iiyak.
"Kisha, Ija" Nakita ko si tita na pumasok sa kwarto ko saka sya niyakap ng mahigpit.
"Hanggang ngayon ba iniisip mo padin na kasalanan mo ang nangyari?" Di ako sumagot sakanya kaya hinigpitan ko lang yakap ko sakanya.
"Alam ko na, tara sumunod ka saakin sa baba"
---
"I miss this. Namiss ko na yung dating kisha" natigilan ako sa pagtawa dahil sa sinabi ni tita.
Inaya niya ako dito sa baba pada kumain ng ice cream tapos kung ano anong nakakatawa ang pinapanood namin kaya tawa lang kami ng tawa.
"Im happy to see you smiling and laughing again without hiding pain" nakita kong maluha luha si tita kahit na pinipilit niya parin ngumiti.
Yumuko lang ako .
"Kada naririnig kitang umiiyak , Naiinis ako, Hindi sayo kundi sa sarili ko, Dahil pilit kang di makawala sa nangyari saakin . Kada gabi pinagdadasal ko na sana kunin na ako ng panginoon para naman di ka na nagkakaganyan. Alam ko kasing kada makikita mo ako bumabalik sayo ang nakaraan at kada may mananakit sayo sa school mo pinipigilan mo sarili mo dahil ayaw mong mangyari ulit yung noon. Im sorry kisha, im sorry dahil saakin kaya ka naging ganyan . Patawarin mo ako" Niyakap ko ng mahigpit si tita.
And then it hits me na yung mga natitirang mahal ko sa buhay ay nahihirapan at nagdudusa dahil sa kagagawan ko.
Yun bang akala ko ikakabuti nila ang nangyayari saakin pero mali pala ako .
YOU ARE READING
SECRETLY PREGNANT BY A BADBOY?!
FanfictionPark Seul AS Kisha Ryuka Jeon Jungkook AS Ace Tyler Rodriguez Wen Junhui AS Drew Javier Rivera