Air Three
Palmer Island
"Virienne naasikaso mo na ba ang mga dapat asikasuhin?" Tanong ng kanyang Ina. Nasa kapag kainan sila ngayong buong pamilya.
"Opo" sabay thumbs up.
Uminom siya ng tubig at tumayo. Naglakad paakyat sa kanyang kwarto at nagtoothbrush. Kinuha ang bag at lumabas upang pumasok.
Isang linggo na rin ang nakakalipas ng pag-usapan ang gagawing paglipat ng tirahan. Ngayon lang naman nalipat si papa. Pwede naman kaming hindi sumama kaso masyado kaming mahal ng ama namin kaya hindi niya maatim na maiwan kami kung pwede naman kaming isama.
"Mama alis na po ako" sabay halik sa kanilang lahat at alis.
Hindi na niyang hinintay magsalita ang mga kapatid. Alam naman niya ang sasabihin ng mga iyon. Mag-aaway lang ang mga ito dahil sa pag-aagawan kung sino ang maghahatid sa kanya. Para walang away naglalakad na lang siya. Malapit naman sa kanila ang kanyang paaralan.
Agad naman siyang nakarating ng school at pumasok sa kanilang klase. Umupo sa kanyang upuan at isinalpak ang headset sa tenga bago itinaas ang paa sa kanyang lamesa. Maaga pa naman kaya ayos lang na magganto siya at saka nasa pinakadulo siya ng klase kaya hindi siya pansinin.
Matagal na siya sa ganong posisyon ng marinig niyang nagbell na hudyat para sa simula ng klase. Nagtataka nga siya sa pandinig niya kasi masyado itong malakas para magmulti tasking. Nakikinig na nga siya ng music and take note nasa highest volume na ito pero narinig niya pa rin ang bell. Napaayos naman siya ng upo ng makita niyang pumasok ang kanilang guro sa unang subject.
Pagkapasok agad nitong inilibot ang paningin sa buong klase na para bang may hinahanap hanggang sa magsalubong ang kanilang paningin.
"Miss Vladimir, pinapatawag ka sa principal office and take your things" tumango siya rito at ngumiti bago lumabas.
Wala namang nagsalita sa klase. Wala namang nakakaalam na lilipat na sila ng tirahan kaya hindi nakakapagtakang magtaka ang mga ito. Nadaanan pa niya ang babaeng nakausap niya isang linggo na ang nakakalipas. Ito yung babaeng may magagandang mata at ngiti. Buhay na buhay na buhok. Masasalamin dito ang pag aalala dahil sa hindi nito alam na ito na ang huling papasok siya ng school na ito.
Kinausap kasi nila ang principal na kung maaari walang makakaalam na lilipat sila ng tirahan at school. Pumayag naman ang buong faculty sa kahilingan nila. Kaya ngayon walang nakakaalam at puro pagtataka ang makikita sa mga ito.
Lumabas siya ng klase papuntang principal office. Nang makarating kumatok muna siya bago pumasok sa loob.
"Pasok" pinihit niya ang doorknob para makapasok. Sumalubong sa kanya ang nakangiting binata na nakasalamin habang magkadaop palad ang kamay nito sa lamesang babasagin.
"Good morning principal" ginantihan naman niya ang ngiti nito.
"Good morning miss Vladimir have a seat" umupo naman siya sa upuan na nasa harapan nito.
"How's your day?" Napangiti siya ng alanganin sa tanong nito.
'Kailangan pa bang itanong yun?'
"I'm fine thank you sir" hindi nawawalang nakangiti lang siya dito.
"Good as you can see na approbahan na ang mga papeles para sa iyong lilipatan. Here" sabay abot ng sobre.
Kinuha naman niya ito at sinilip. Nang makasiguradong kompleto na ito. Nakangiting humarap siya rito at nagpasalamat.
"Thank you sir" nakipagkamay naman siya rito sa sobrang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Air Caster
FantasyIsa lang akong ordinaryong tao. Nakatira kasama sila mama't papa. Ate at kuya syempre ako ang bunso. Masaya kaming naninirahan sa isang lupain ng Antipolo nang magpasya sila mama na lumipat ng ibang lugar dahil na rin sa trabaho ni papa. Lumipat ka...