Air 8: School for fest but also foundation day

7 1 0
                                    

Air Eight

School for fest but also foundation day

Maaga siyang pumasok ng school ng araw na iyon. Excited na kasi siya para sa araw na ito lalo na at magdedesign pa sila para sa booth nila.

"Ingat virienne"

"Sabay na tayo Luna"

"Hatid na kita Angel"

"Sabay ka na sa gwapo mong kuya Rain"

"Una na ako mga kuya at ate" kumaway naman siya sa mga ito at dumaan sa short cut. Halos takbuhin na niya ang daan papuntang classroom.

Isa siya sa mga naunang dumating sa kanila kaya agad silang kumilos para ayusin ito. Hindi pa niya malalaman na halos patapos na sila kung hindi pa nagsalita si ate noli.

"Halika na kayo at magsusukat na tayo ng susuutin. May mga pangalan ng nakalagay sa bawat costume na gagamitin ng bawat isa." Tumango naman sila. Nakarinig sila ng komisyon sa kanilang gilid. Sabay silang napatingin sa pinagmulan nito.

"Ang gwapo mo Ash, nagmukha kang hari" masayang papuri ni ate milla kay kuya ash. Hindi naman ito pinansin ng kinausap. Nakasuot si kuya ash ng pang egyptian. May palong sa ulo at mahabang damit na hindi aabot sa tuhod. Kulay itim ito at na may sinturon na nakapalibot sa bewang na may nakasabit sa gitna nitong lagpas sa suot. Nakasandal din ito ng patirentas pataas.

"Nice talking" umirap pa ito pataas.

"Ikaw na pinuri" sabi ni kuya nillo.

"Magkaparehas pala kayo ng design kuya gonard at nillo?" Nagtatakang tanong ni ate irene.

"Walang uniqueness" si ate noli.

"Heler, ang hirap kaya mag isip ng bagay sa kanila pero aminin mas lalo silang gumwapo" masayang sabi nito. Aminado sila sa sinabi nito.

Parehas na nakaegyptian ang mga ito. Nakaitim na damit na parang sa pharaoh na may palong sa ulo. Magkasingtulad ng kay kuya ash ang pinagkaiba medyo may kaiklian ang nasa gitnang design nito.

"Hindi kami magpapahuli, mas gwapo kaya ako sa kanila" pagmamayabang ni kuya youngy. Nakasuot ito ng panggreek na kulay puti. Hindi lalagpas sa tuhod na may asul na sinturon at balabal sa likod. May paherbal na korona sa ulo.

"Bakit parehas kami ng damit?" Inayos pa nito ang pagkakasuot ng salamin.

"Ayos lang yan jericho, gwapo ka rin naman" napatango sila sa sinabi nito.

"Okay, it's time to shine girls tayo naman ang magpalit." Masaya silang hinila ni ate Zarah papasok.

"Excited na akong makita ang costume ko" sabay sabay silang nagpalit ng damit sa lugar na nakalaan ng pagpapalitan nila. May nakaharang naman na tela kaya hindi sila masisilipan ng nasa labas.

"OMG bakit ganito may kaparehas ako?" Napatingin naman siya kay ate noli. Parehas nga sila ni ate zarah.

Nakasuot ito ng pangsundalo na damit  ng greek. May ispadang hawak at nakasandal ng patirentas pataas. May heels ito na 3 inches ang taas.

"Hindi naman, sayo ay greek sa akin naman egyptian" nagpost pa ito ng pasexy.

Nakasundalo ito ng pang egyptian. Mas daring at sexy itong tignan sa suot. Three inches ang heels nitong suot.

"Unfair bakit mas sexy sayo?" Nakasimangot nitong sabi.

"Bawi na lang next time" natatawang sabi ni ate milla.

Nakasuot ito ng panggreek na damit. Kulay puti ito na hanggang hita at manipis na telas pababa nito na may hati sa gitna. Nakaheels at may alahas sa ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Air CasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon