Air 2: News

58 5 9
                                    

Air two

"Luna, uuwi ka na ba?" Napatingin siya sa nagtanong sa kanya. Napakunot noong tinitigan niya ito. Nakasuot ito ng damit tulad sakin. Nakablouse at may blue sa gilid nito na may nakalagay na logo sa dibdib ng uniform. Paldang hindi lalagpas sa hita na kulay asul na strip. May mahahaba itong itim na buhok na sumasabay sa tuwing gumagalaw ito. Mga matang masayahin na kulay itim. Lagi rin itong nakangiti.

"Yup, alangan namang maiwan ako rito." Mataray kung sabi. Napakamot ito ng batok ng marinig ang sagot niya. Namumula rin ang pisngi nitong medyo mataba.

"Ah yayain sana kitang maggala sa park." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.

Magyayaya na lang sa park pa talaga. Napakacheap, hindi naman siya maarte nagtataka lang talaga siya. Kadalasan kasi kapag may nagyayaya laging sa mall gusto pumunta.

"Bakit sa park?" Hindi niya napigilang itanong sa kausap. Nahihiyang napayuko ito bago sumagot.

"Para maiba lagi na lang kasi sa mall pumupunta kapag nagkayayaan eh." Namumulang sabi nito. Narealize sigurong medyo awkward ang pagkakasabi nito ng lugar.

"Okay" pagpayag na niya. Kaiba rin trip nito. Medyo boring din naman kapag umuwi siya agad.

Sabay silang naglakad palabas ng school. Buhat niya ang backpack niya habang hawak ito ng kamay na nakasampay sa likod niya. Nasa bungad na sila ng magsalita ito.

"Kamusta ka na pala?" Tanong nito habang patuloy sila sa paglalakad. Tinitigan niya ito bago sinagot.

"Maayos naman kahit wala ka." Walang emosyong sagot niya. Nakita niya pa itong tila maluluha. Napapikit ito ng ilang ulit bago nagsalita.

"Ganon ba kalala ang galit mo sakin?" Hindi nito napigilang itanong.

Napairap pa siya. Masyadong madrama madaming alam sa buhay. Sa totoo lang hindi naman siya galit dito. Napatawad na niya kaso kailangan nitong matoto ng leksyon.

"Hindi ganon kadaling magpatawad lalo na at pinagkatiwalaan kita." Nakarating na sila sa park. Malapit lang naman ito sa school nila kaya pumayag na siyang sumama rito.

"Patawad." Naluluhang sabi nito. Para namang naaawa siya pero hindi, kailangan niyang magpakatatag.

"Enough with the drama. Kung wala ka ng sasabihin uuwi na ako." Sabay talikod at lakad paalis. Pinigilan naman siya nito sa braso.

"Sandali lang!" Nagpapanik na sabi nito.

"Wala bang ibang paraan para mabalik ang dati.?" Natigilan siya sandali, lumambot naman ang expression. Humarap siya ritong malamig ang tingin.

"Patunayan mo, iyon lang ang kailangan ko pero huwag mong asahan na babalik tayo sa dati." At iniwan niya itong lumuluha.

Ayaw niyang nakikitang lumuluha ito. Nasasaktan siya kapag nasasaktan ito pero kailangan niyang malaman kung totoo na ba ito o nagsisinungaling pa rin ito.

'I miss her, a lot'

Ano nga bang nangyari at nagkaganito sila? Dati naman masaya kaming magkasama na parang magkapatid na nga ang turingan namin. Kung nasaan ang isa nandoon din ang isa. Kapag nakikipag-away ang isa tumutulong ang isa.

Natatandaan pa niya ang mga panahong nakikipag-away siya sa kanilang kaklase. Masyado kasi itong malande at makate.

"Hay naku may surot na pagala gala sa klasrom. Kailangan ko ng anti-insect." Maarteng sabi nito.

Isinawalang bahala na lang niya ito. Lagi naman ganyan yan. Napakaarte akala mo kung sino eh isa rin naman siyang surot ng lipunan. Insecure lang naman sakin yan. Mas marami kasing nangliligaw sakin kesa sa kanya. Maganda na kasi ako at natural beauty. Samantalang ang nagpapaganda lang naman sa kanya ay ang mahiwagang kalorete sa mukha.

Air CasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon