Air SevenMeeting a wolf
Tahimik siyang nakaupo sa lilim ng puno habang nagbabasa ng isang novel. Wala silang masyadong ginagawa ngayon sa klase kaya tumakas muna siya. Sa totoo lang hindi niya ugaling magcutting kaso sa hindi niya malamang dahilan pakiramdam niya hindi siya nabibilang sa klase. Yung parang hindi dapat siya nandoon? O baka na brainwash lang siya ng mga nakakausap niya. Nah, baka guni guni niya lang ang pakiramdam na iyon.
Sa ngayon nga nagbabasa siya ng novel. Ang pamagat ay "Escape" naguguluhan pa nga siya kung bakit siya hinahabol kasi wala naman nabanggit sa book. Para lang siyang story na nagsasabi sa babaeng tumatakas sa hindi niya malaman na dahilan? Ganoon kasi ang pagkakaintindi niya. Patapos na siyang basahin ang book. Naeexcite na nga siya kung makakabalik siya sa kanila o mapupunta sa humahabol sa kanya. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong kiligin sa kanila ng police man kahit walang nakakakilig.
Nasa huling kabanata na siya ng umihip ng napakalakas. Napakunot noo pa siya ng makarinig ng isang tunog. Ito na naman ang naririnig niya. Nagkibit balikat naman siya at muling pinagpatuloy ang pagbabasa. Pagkalipas ng sampung minuto. Halos maiyak at mainis na ewan siya matapos mabasa ang libro.
"Nakakainis naman, bakit sa kanila pa siya napunta? Akala ko pa naman happy ending" napasimangot naman siya.
"Wala talagang happy ending, walang forever" nakarinig naman siya ng tawa. Napalingon pa siya sa pinangalingan nito.
"Bitter mo pala" nagsalubong ang kilay niya sa narinig.
"Anong ginagawa mo diyan?" Nakatingala siya sa puno na kaniyang sinasandalan.
"Nagpapahinga?" Nakahiga pa ito sa sanga ng puno na para bang nasa bahay lang ito.
"Hindi ka kaya mahulog diyan?" Nagkibit balikat lang naman ito saka napatingin sa kagubatan.
"Maiwan muna kita" saka ito umupo ng maayos saka tumalon sa susunod na sanga. Sinundan naman niya ito ng tingin.
"Weirdo" napailing iling pa siya bago muling humawak ng panibagong book.
"Sana naman happy ending na ito" nakita niya pa ang pamagat ng libro.
"Behind the Mask?" Naghanap pa siya ng panibago.
"The princess and the long lost prince?" itinabi naman niya ito.
"Mystery Academy?" Napakunot noo naman siya sa na basa.
"Sa susunod ko na lang basahin ang mga ito" napasandal naman siya sa katawan ng puno bago napapikit.
"Iiglip muna ako" dahan dahan na napapikit ang kaniyang talukap.
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang natutulog basta ang alam niya sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata. Ay halos malapit ng bumagsak ang haring araw. Napapungas pa siya saka dahan dahan na napaupo ng maayos. Pinatunog pa niya ang kaniyang katawan dahil sa pangangawit ng mga ito.
Niligpit niya ang librong kaniyang nabili nung isang araw. Nahawakan pa niya ang isang libro na may pamagat na "Guillier Academy". Nasimulan na niya ang unang part nito. Fantasy ang tema niya about sa mga elemental. May sources pa ngang pinagmulan. Hindi niya alam kung totoo ang mga nabasa niya pero medyo naniniwala siya kasi nakakita na siya ng taong nakakagamit ng apoy kaso kulay asul ito. Si Magdalena, speaking of the person.
"Pauwi ka na?" Napasulyap siya sa nagsalita.
"Hindi ba halata?" Napatawa naman ito ng marahan.
"Malay ko bang may pupuntahan ka pa?" Napailing na lang siya saka napatingin sa kausap ng matapos maipasok sa bag ang lahat ng gamit niya.
BINABASA MO ANG
Air Caster
FantasyIsa lang akong ordinaryong tao. Nakatira kasama sila mama't papa. Ate at kuya syempre ako ang bunso. Masaya kaming naninirahan sa isang lupain ng Antipolo nang magpasya sila mama na lumipat ng ibang lugar dahil na rin sa trabaho ni papa. Lumipat ka...