Air 6: New Friend

20 5 1
                                    

Air Six

New Friend

Sa mga nagdaan nang araw naging busy sila sa paghahanda sa gaganaping foundation day. Halos magtampo na rin ang kanyang mga kapatid dahil sa kawalan niya ng oras sa mga ito.

"Luna, sige na naman girls bonding tayo" sa naiinis na nitong sabi sa kanya.

"Ate bukas sige magbabonding tayo" pumayag na lang siya dahil noong isang araw pa ito nangungulit.

"Yes! And don't forget. Don't mention it to our other siblings got it?" Kumindat pa ito sa kanya bago nagtatakbo paakyat ng kaniyang kwarto.

Napailing iling na lang siya sa sinabi ng kapatid bago lumakad papalabas ng bahay. Nagshort cut na rin siya papuntang school. Nung isang araw niya lang nalaman may short doon ng maligaw siya papauwi at halos magwala ang mga kapatid niya kahahanap sa kanya. Gabi na kasi siya nakauwi.

"Nasaan na kaya ako?" May narinig kasi siyang ingay kaya siya napapunta sa bahaging iyon ng kagubatan.

Maggagabi na ng makakita pa siya ng ilog na malawak. May mga puno rin na nakapaligid at nagliliparang dragonflies sa paligid nito. May mga falls din siyang nakita sa paligid ng ilog. Hindi naman niya mapigilang humanga sa nakita.

"Wow!" Napangiti pa siya sa nakitang kagandahan. Siguro kung may dalawang nagmamahalan isa ito sa magagandang venue para pagmumuni muni.

Natigilan naman siya ng makarinig ng isang napakabilis na yapak. Naramdaman pa niya ang napakabilis na hangin na dumaan sa kanyang harapan. Hindi naman niya maiwasan mapapikit. Napangiti pa siya ng maramdaman ang kakaibang pakiramdam na nagmumula sa hangin na para bang niyayakap siya nito.

Nakarinig siya ng napakalakas na tunog na nagmumula sa tubig. Napatingin siya sa ilog at nakakita ng isang kabayo? No. Isang neon pegasus unicorn na water. May katawan ito na nasa anyong tubig. May pakpak itong kulay puti na tulad sa mga dyamante at ulo na may mahabang malahibo papunta sa katawan. May sungay itong parang sa dyamante at spiral na napakatulis sa dulo. Asulan na kulay ng mata. May buntot itong pinaghalong kulay violet puti at asul. Transparent ang iba nitong katawan maliban sa pakpak, ulo, sungay at buntot nito. May palamuti sa leeg na nakasabit at malapit sa paa nito na para bang bahagi ito ng kaniyang katawan. Mukha itong dugong bughaw kung naging tao lang ito.

"Allerna" napatingin naman siya sa pinangalingan ng boses.

Isang batang babae na nasa tingin niya ay hindi sila nagkakalayo ng edad. Nakita niyang nakaupo ito habang nakatingin sa pegasus unicorn. Dark hair na naka-braids and buhok nito, aqua na kulay nang mga mata at may headset itong nakalagay sa leeg. Nakaputi itong damit at nakalublob ang paa nito sa water. Nakangiti itong humarap sa kanya.

"Naliligaw ka ba?" Mahinhin nitong sabi. Nag aalinlangan naman siyang sumagot sa tanong nito.

"Hindi, nagkataon lang na napadaan ako sa bahaging ito ng kagubatan" nakangiti itong napapikit habang nakatingala.

"Okay sabi mo eh. Ako nga pala si Allena ikaw anong pangalan mo?" Napalingon muna siya sa unicorn bago sumagot.

"Tawagin mo na lang akong Virienne" nakangiti itong humarap sa kanya.

Air CasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon