Air 4: Forest

20 5 3
                                    

Air Four

Forest

"Ang sariwa ng hangin" masayang sabi niya habang nakatingala sa kalangitan at nakataas parehas ang kamay na para bang kalalaya lang sa napakatagal na pagkakakulong.

"Virienne tara na at ipapasok pa natin itong ibang gamit" nakangiting sabi ng lalaking may kaitimang pares ng mata at buhok.

"Susunod na kuya Loki!" nagmamadali naman siyang sumunod sa pagpasok sa loob.

Sa labas ng kanilang bahay mapapansin ang simple nitong design at may second Floor. Pagkapasok hindi niya maiwasang mamangha sa loob ng bahay. Sa loob makikita ang antique na mga gawin na para bang sobrang tagal na nito. Gawa sa nara ang mga gamit tulad ng lamesa at upuan. Kahit sa pag akyat sa second floor. Malinis at maaliwalas ang bahay nakabukas ang mga malalaking bintana nito kaya pumapasok ang liwanag. Napangiti siya at tumakbo paakyat sa second floor.

"Virienne, dahan dahan sa pag akyat baka madapa ka" sigaw ng kanyang kuya loki.

Hindi niya pinansin ito at nagtuloy siya sa pag akyat. Sa second floor may nakita siyang sampung pinto kaya binuksan niya isa isa. Una niyang nabuksang kwarto hindi gaanong malaki. May katamtamang itong kama at tukador. Meron din itong isang pinto sa loob na sapantaha niyang comfort room. Lumabas rin naman siya agad at hindi na niya masyadong pinagkaabalahan itong tignan at sinilip pa ang ibang pinto.

Halos lahat parehas naiba lang ang master bedroom. Mas malawak ito kompara sa mga naunang silid kaya agad niyang nalaman pero ang nakakuha sa kanya ng pwesto ay yung kwarto na malapit sa may gubat kita agad paglumabas galing terrace. Agad siyang napahiga sa kama nito ng makita niyang nakatayo ang kuya loki niya sa may pinto dala ang gamit niya. Dali dali naman siyang tumayo at kinuha ang bagahe sa kapatid.

"Salamat kuya" sabay halik sa pisngi nito.

"Your always welcome baba lang ako at sunod ka agad kasi naghahain na sila mama ng pagkain. Yung binili natin kanina. Mamayang hapunan na lang magluluto sila mama" pinatong naman nito ang kamay sa kanyang ulo saka ito ginulo.

"Kuya" tumawa lang ito saka naglakad papalayo.

Napapout na lang siya dahil sa ginawa ng kapatid. Agad naman siyang kumilos at bumaba para kumain. Pagkatapos nila kumain nag yaya ang kuya niyang gumala sila. Pasimple lang nito binulong para hindi marinig ng ibang kapatid. Napailing na lang siya saka ngumiti rito at tumango.

"Anong plano niyo mga anak? Pwede naman kayo gumala muna or magpahinga para bukas may energy kayo sa pag iikot" sabi ng kanyang ama na bumasag sa katahimikan pagkatapos nilang magsikain.

"First thing first pa, i wanna go rest for a while." Sabi ng kanyang ate Lucy.

"You're getting old woman" nakangising sabi ng kanyang kuya Luke.

"Oh shut up, your the one who is getting older 'cause your older than me" nakairap nitong sagot.

"I'll gonna rest for a while and sleep. I'm sure we're gonna explore tomorrow right rain?" Nakangiting humarap sa kanya ang kanyang kuya Lucky. Tumango naman siya bilang sagot sa kanyang kapatid.

"I'm good" tahimik naman na sagot ng kanyang kuya loki.

Lahat naman sila napatingin sa kanya. I'm sure if she said she want to go out, no doubt her other siblings will company her. Napailing na lang siya sa mga ito at ngumiti.

"I'm--- helping mother?" Patanong niyang sabi. Nakita pa niyang napataas kilay ang mga kapatid habang ang magulang nila ang napangiti.

"No need Virienne just rest okay?" Napatango naman siya sa sinabi ng ina.

Air CasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon