Sms.4
At parang may nagbago nga.
Palagi ko ng kasama si Josh, palagi na din siyang nagrereply at nagtetextback sa akin. Kahit nga simpleng GM ko nirereplayan niya eh. Sa school, twing pupunta lang ako ng c.r, dun ko lang siya hindi kasama. Kakapanibago.
Ilang beses na din ako nakakatanggap ng mga pink roses, mga 20pcs na ata. At hanggang ngayon hindi pa din namin kilala kung sinong nagbibigay nito. Hindi daw sinasabi nito ang pangalan niya sa mga batang inuutusan eh! At bawat may nagaabot sa akin, parang tumataas ang kilay at kumukunot ang noo ni Josh. In short, iritable siya. Isang malaking BAKIT?
BAKIT talaga?
“Hindi mo ba talaga alam kung sino ang nagpapadala sa iyo niyan?”
Naglalakad kami ni Josh ngayon sa hallway ng building namin, nasa may batok niya yung dalawang kamay niya, tinutukoy nanaman niya yung rose na hawak ko, may nagbigay nanaman kasi.
“Hindi nga. E di sana sinabi ko na sa iyo diba?”
“Ang creepy kasi niya kung sino man siya. Tss.”
O ayan nanaman siya, selos 101. Siya nga itong creepy eh. Palaging nakabantay sa akin ngayon, hindi ko na nga siya nakikitang nakikisama sa mga inuman or gala ng tropa niya.
“Creepy? Paano?”
“Basta.” Tipid na sagot nanaman. Sus! Malapit na talaga akong maniwala na nagseselos ‘to eh.
Silence.
Silence.
Silence.
“Sino ba naman ang magbibigay ng rose tapos hindi magpapakita. Creepy ang tawag dun di ba?”
Sinasabi nanaman nito?? Bilag-biglang nagsasalita. -___-
“Kapag nagbigay ako, I’ll make sure na makikita ng girl ang presence ko at ako ang magbibigay mismo. Hindi yung maguutos pa ako sa iba.”
Alam niyo, talagang mas creepy ngayon ‘tong kasama ko eh. Mukang may pinaglalaban.
“Sus malay mo naman nahihiya lang,” panggagatong ko pa. Mabwibwisit ko kaya ‘tong lalakeng ‘to?
Biglang huminto si Josh, napalingon ako. Nagulat ako sa itsura niya, seryoso, walang halong humor ang muka niya, which is nakakapanibago.
“Kapag gusto mo ang isang babae, walang lugar ang hiya. Dahil kapag babagal-bagal ka, pwede siyang mawala sa iyo. Yun ang napatunayan ko.”
(0.0)
(o.o)
(-///-)
Namumula ako, syet na malagkettt. Ano bang sinasabi niya ngayon? Natulala nanaman ako. Si Josh ba talaga ang nagsasabi nito?? Sino ka bang sumanib kay Josh? Sino naman ang tinutukoy niya? Somehow parang feeling ko, ako yun.
Whaaaaaahhh! Shoo shoo shoo, tinaboy ko ang thoughts na yun. Bwisit! Ang taas ko mangarap!
Biglang may nag-pat sa ulo ko. Nakita ko na tatawa-tawa si Josh sa harap ko.
“Hwag mo ng isipin masyado yung sinabi ko. Ikaw talaga.”
Nakatingin lang ako sa kanya, at namumula talaga ako. Sira ulong Josh ‘to. Alam niya kung paano ako pakiligin?
Tumalikod na lang ako kasi talagang hindi ko matago yung pamumula ko at syempre kilig. >_<
“Sira ulo ka Josh!”
BINABASA MO ANG
TEXTBACK or NOT
Teen FictionNaranasan niyo na ba na maghintay that it seems forever sa long time crush niyo? pero ng may biglang nanligaw sa inyo na super gwapo, nagasta siya na nagseselos? whuuuaaattt? just check JoshXCassy story. ^___^