Sms.3
Pumasok ako ng maaga, at parang naglalakad ako sa hangin.
Lutang isip ko at walang maayos na tulog.
Tulad ng inaasahan, wala talaga akong narecieve na text ni Josh buong magdamag. Ano pa asahan ko diba?
Tumigil muna ako sa pag-iisip pansamantala.
Ayoko munang isipin lahat ‘to. Makapag-focus muna, kasi malapit na exams eh.
Ilang minuto na akong nagbabasa, pero hanggang ngayon walang pumapasok sa isip ko. Ang sakit parin kasi talaga ng ulo ko at pakiramdam ko lumulutang ako sa ere. Tss!
Yumuko na lang ako sa desk kung saan ako nakatambay, hindi talaga ako makapag-concentrate, umiikot paningin ko.
“Uy girl, okay ka lang ba?”
Nag-angat ako ng tingin, si Shiela, kasama yung boyfriend niya na si Rex, ComSci student.
“May sakit ba siya, Shei?”
“Hindi ko alam eh, okay ka lang ba?”
Umayos ako ng upo at tumingin ulit sa kanila.
Tumango ako, “Oo, masakit lang siguro talaga yung ulo ko.”
Umupo sa kabilang upuan si Shiela, katabi din niya si Rex.
“Kung umuwi ka muna kaya friend? Tutal, English4 lang naman tayo may prof ngayon eh. Wala yung ibang prof natin sa ibang subject. I’ll explain na lang na masama pakiramdam mo.”
Mukang mas makakabuti nga siguro kung umuwi muna ako. Mukang nilalagnat nga ata ako.
“Sige na Cassy, para makapagpahinga ka.” Sabi pa ni Rex.
Pagkatapos akong ihatid nila Shiela at Rex sa may gate ng campus, naglakad na lang ako tutal naman hindi naman ganun kalayo yung bahay namin.
Para akong tanga na naglalakad ngayon, natuluyan na talaga akong magkalagnat. At ang pagkakatanda ko, hindi din pala ako kumain ng agahan. Anong magagawa ko, wala akong gana talaga.
Alam niyo kasi ayoko sa lahat ng nagkakasakit ako. Pakiramdam ko kasi parang napaka-engot ko. Napaka-engot ko kasi nagkakasakit ako. Lalo na yung ganitong pakiramdam na napakalungkot ko.(_ _’’)
Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglakad ko ng biglang may nakabunggo sa akin.
Blang!
At ayun, tumilapon ang lola niyo.
Napaupo ako sa may daan, mabuti na lang at wala kaming gaanong nakakasabay sa paglalakad, at yung mga sasakyan naman mabilis na umaandar, tyak ko na hindi na nila ko papansinin habang nakasalampak ako dito sa daan.
“M-miss, okay ka lang ba?”
Tumingin ako sa lalake na nakalahad yung kamay sa akin.
Nganga lang ako, as in nganga, kasi masisisi niyo ba ako kung bakit yung pinaka-gwapo pa sa buong campus yung nakabunggo ko? Well para sa akin gwapo din naman si Josh, pero gwapo din si Jason! *___*
Jason Fernandez, ang representative ng department ng HRM students.
“Are you okay?” paguulit niya.
Tatango-tango na lang ako, while I grab for his hand and he help me to get up. Lalo yata akong nahilo. n.n
“Pasensya ka na talaga ah? Hindi kasi kita nakita eh. Nakatingin kasi ako dun sa mga classmates ko sa kabilang kalsada.” Pagpapaliwanag niya.

BINABASA MO ANG
TEXTBACK or NOT
Teen FictionNaranasan niyo na ba na maghintay that it seems forever sa long time crush niyo? pero ng may biglang nanligaw sa inyo na super gwapo, nagasta siya na nagseselos? whuuuaaattt? just check JoshXCassy story. ^___^