Sms.6

15 0 0
                                    

Note.note.note

Hi everyone!

Gusto ko lang talaga sabihin na nagtry po talaga ako ng husto na gawing point of view lang to ni Cassy. Pero wala po, palpak. Ahahaha, sana po basahin niyo pa din. Atleast nalalaman natin nasa isip ni Josh.

Thank you po!

FudGEmunCH

Sms.6

Josh POV

Nakaakbay ako kay Bea ng pumasok kami ulit sa school.

Ang huling natanaw ko, tumakbo palayo si Cassy. Tss.

Dinala ko si Bea sa isang secluded room, kung saan walang nakakakita. Hindi na din sumunod ang mga ibang classmate niya sa amin.

Pagkasara ko ng pinto, tinulak ko siya palayo sa akin.

“What the hell???!” narinig kong reklamo ni Bea. Napalakas ata ang tulak ko!

“What do you think you’re doing? You made a scene, which is wala sa usapan natin Bea!”

“Kanina ang sweet mo, tapos ngayon tinutulak mo ako?”

“Answer me! Bakit kaylangan mong ipahiya si Cassy sa harap ng maraming tao?!” sigaw ko sa kanya. Galit na galit ako, at pasalamat siya dahil babae siya, kundi kanina ko pa siya ginulpi.

“Nakakainis siya, feel na feel niya ang panliligaw ni Jason sa kanya! At alam mo na ayokong may babae na umaaligid kay Jason!”

“You’re so pathetic! Bakit hindi mo na lang kausapin si Jason, at makipagbalikan!? Hindi yung dinadamay mo pa ang walang malay sa problema!” singhal ko sa kanya!

Galit na galit ako. Nagawa kong saktan ang taong gusto ko para lang sa pathetic game niya sa ex-boyfriend niya.

“Akala ko ba your with me!? Akala ko ba gusto mo din na tumigil si Jason sa ginagawa niya na pagporma kay Casandra?!”

“Oo! Pero not this way! Not this way na nasasaktan ko na siya! Ano bang iniisip mo?!”

Hindi na ako makapagpigil, I can’t stop myself from shouting. Nasaktan ko siya! I even called her Casandra, na never ko ng ginawa since, well, GOD knows when!

Biglang hinawakan ni Bea ang muka ko at sa ginawa niyang yun, gusto ko na siyang itulak palayo. Pero hindi ko na nagawa dahil sa sinabi niya.

“Josh, remember what happened?”

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Dammit! Ipinaalala nanaman niya!

“Remember what happened between the two of us? Sa party ni Rafael? You didn’t want Casandra to know about that, right? Kaya nga tayo may contract diba? Tutulungan mong magkabalikan kami ni Jason or malalaman ng girl of your dream ang nangyari sa atin? It will be your choice. So choose wisely.” She said that with her very seducing voice, which annoyed me to death.

I wish I can strangle her until her eyes poke out.

I’m not a bad person, but right now I can use some excuse to be one.

This woman never disappoints me about her depraved side.

Sana lang kaya kong ibalik yung time na yun.

** FLASHBACK **

I wake up not until dawn.

Nasa ibang kama ako, hindi ito ang kwarto ko.

Ang sakit ng ulo ko at pati katawan ko, kaya nanatili muna akong nakapikit.

Oo nga pala, kagabi yung party ni Rafael. Naparami ata ang inom ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEXTBACK or NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon