Sms.1

41 2 0
                                    

SMS.1

Waiting..

Yan ang pinakanakakainis na bagay na ayoko talagang nararamdaman!

Mainipin kasi ako! At ayoko ng naghihintay!

Pero sabi nila, the longer you wait for something, the more you appreciate it when you get it, because anything worth having is worth waiting for.

Words.

Napatunayan ko kaya na hindi totoo yun!

Sus eh nagawa ko na kaya maghintay that it seems forever na nga eh! At ang kinalabasan, bigo parin.

Dati naghintay na ko na maging 1st honor nung high school ako, 3 taon na kaya akong 2nd honor, walang kasawaan ang mga teachers ko na ilagay ako sa second place! Pero nung pakiramdam ko na magiging 1st honor na ko, hinintay ko ang evaluation ng mga teachers, pero anu, nganga! Salutatorian parin bagsak ko!

Nitong 1st college naman, yung classmate ko, crush ko siya, tapos puro naman siya pahangin, so meaning akala ko gusto niya ako, naghintay ako na ligawan niya. Tapos nabalitaan ko na may girlfriend na, tropa ko pa pala ang pinormahan! Ayan kasi pa-waiting waiting pa ako!

There are so much bad things that ment to happened talaga.

At ngayon, eto nanaman, si Josh.

Classmate ko sa huling taon ko ng college.

Kaibigan ko at parang close friend na din? ;/

Mabait, as in mabait sa lahat, masayang kasama kasi joker, open minded (na minsan green minded) hehe, at higit sa lahat, pinaparamdam niya na espesyal ako sa kanya.

Yep, special “daw”. Yun sabi niya e.

Nga lang undecided kung anong level ba yung special na yun.

Ah! Ewan ko!

Nasa loob ako ng room namin ngayon, mga 1 hour pa bago mag-start ang subject namin.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko, at dahil sa hindi naman ako gaano mahilig sa mga bagong model ng cellphone, kuntento na ko sa nokia ko na c3, pinapaikot-ikot ko lang un sa desk ko at naiinip talaga.

“Uy, Cassy, problema muh?” lakas din man-trip ng kaibigan ko eh. Kita ng nagmumukmok dito eh, istorbo lang?   --.’)

“Problema? Wala kaya!” sagot ko kay Shiela.

Umupo naman siya sa tabi ko.

“Wala daw?,, weh?? Di nga? Eh kanina pa kita pinagmamasdan dun oh, magkasalubong nanaman ang kilay mo, halatang bwisit ka!”

Kahit kaylan talaga hindi ako nakatakas sa maliit na mata ni Shiela. Paano ba niya ko nababantayan eh halos guhit lang ang mata niya, chinita eh!? Siya lang yung naka-close ko talaga nitong college. Aloof kasi talaga ako eh. Hindi po ako anti-social ah? Madalang lang talaga akong makipag-usap sa iba, kaya akala nila hindi ako friendly.

Hindi na lang ako sumagot.

“Huuuu, si Josh ‘yan nuh?”

Napalingon naman ako agad sa kanya. Paano niya nabasa na si Josh ang problema ko? Haaalaaaa,, ganon na ba ko kabilis mabasa ngayon??? Open-book na talaga ako? Yung kutong-lupa na Josh kasi na yun eh!!! Kainisss!

“Di ka sumasagot? Tama ako nuh??” patuloy pa rin na pagpapaamin niya.

“So, what is it this time? Hindi na siya nagtetext?”

Ayan nanaman siya, napaka-creepy talaga nitong si Shiela, panu niya nalaman din yun?

“Eh ano pa nga ba! Nag-goodmoring, tapos ng magreply ako kung papasok siya, hindi na sumagot ang kupal!” ayan napamaktol tuloy ako dito ngayon!

TEXTBACK or NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon