Sms.5

13 0 0
                                    

Sms.5

Natuluyan na talagang magbago si Josh, iniiwasan na niya ako. Hindi na siya nagtetext or kahit tingnan man lang ako.

Bakit ba kasi? Hwag niyang sabihin na may gusto siya sa akin? Bakit hindi siya nagtatapat or gumawa ng way tulad ni Jason?

Si Jason naman mukang planong manligaw. Matapos ang nakaka-embarass  na pagharana niya sa akin sa harap ng building nila, palagi na siyang nakasunod sa akin. Lahat halos ng classmates at schoolmates namin kilig na kilig kapag nakikita kaming magkasama.

Kumalat  na nga sa madla ang harana na yun ni Jason. At maraming natuwa at marami ding nagdalamhati kasi may gusto na ang crush nila.

-____-

Mukang magiging taken na si Jason, di bali may Josh pa naman tayo. Magka-level lang sila ng kagwapuhan. Kyaaaah!

Matalino si Jason, pero smart din naman si Josh eh!

Like ko silang pareho,

Yan ang madalas kong marinig, ang comparison ni Josh at Jason.

“Eh sino bang mas type mo Ms. Casanova? Ehe!”  panunukso ni Shiela.

Casanovang sinasabi neto? Hinarana lang, Casanova na? Palibasa feeling ko may galit sa akin ‘to eh, panu crush kasi niya si Jason.

Tiningnan ko siya ng masama, pero ang lapad ng ngiti pa niya.  ^____^

“Lakas mo rin mang-alaska noh?” irap ko sa kanya.

Naglalakad kami papuntang canteen, lunch break na. At tama, wala si Josh. Hindi na kami nagsasabay. Pagkatapos na pagkatapos ng bawat subject namin, palagi siyang nauunang lumabas ng room at parang nagmamadali. Parang palaging may hinahabol na kung ano man.

Nagtataka na kami ni Shiela, bigla kasi siyang parang umiiwas. Ilang beses ko na siyang tinry i-approach, pero iwas-pusoy siya. It’s either may gagawin daw siya, or mag-c-cr, or pupunta sa library. Tama din, napaka-lame na mga palusot.

Halatang ayaw niya akong kausapin man lang or kahit tingnan. Bakit ba kasi bigla-bigla siyang nagkaganun?

Gusto kong sumigaw!  IoI

“Huy, gaga bakit di ka sumagot dyan? Torn between two lovers ang peg? Haba ng hair ha?”

Napakamot na lang ako ng ulo ko sa mga pinagsasasabi ni Shiela.

Panong magiging torn between two lovers, eh si Jason lang naman ang parang nagtatapat at si Josh,, wala,, as in wala lang. Walang maaasahan.

“Ano namang gusto mong isagot ko?”

“Gashhh, of course the truth Ms. Casandra!” nakapamewang na si Shiela sa harapan ko.

Sino nga ba?

“Hi-hindi ko alam, Shei.”

I saw her rolled her eyes at me, take note, nagsusungit nanaman ang bruha.

“Gaga mo frend!” tinawag pa niya akong friend pero gaga daw ako. Nice!

“But I know, I know na namimiss mo si papa Josh, tama?”

Natigilan ako sa sinabi niya. Namimiss ko daw si Josh? Namimis ko ba?

Ilang days na nga kasi siyang hindi nagpaparandam. Ano bang problema niya kasi?

Natiglan ako ng biglang dumating si Jason.

“Hi Cassy!” sabi ni Jason.

Isang malakas ng ‘ayiiiiiieeeeee’ ang sumagot sa bati ni Jason, well, syempre galing sa mga classmates ko at ang pinaka-malakas ay galing sa magaling na katabi ko.

TEXTBACK or NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon