Sms.2

33 0 0
                                    

Sms.2

Umaga na.

Alam ko, hindi lang talaga ako bumabangon.

Tinatamad ako.

Ayoko pumunta ng school.

Ayoko siyang makita.

Ayoko na din planuhin kung anong itatanong ko.

Ayoko siyang makausap.

Biglang nag-vibrate ang phone ko.

[“good morning everyone!”] si Josh. Nag-gm nanaman.

Binura ko agad yung message niya!

Ayoko kasing makita yung name niya sa inbox ko.

Maya-maya, may message nanaman ako. Si Shiela.

[“Merun tlgang mga tao na kaya kang pakiligin, pero hindi ka kayang mahalin.”]

Ouch nanaman! Ang aga-aga, pang-basag nanaman ang sinasabi niya! Pero knowing Shiela, she actually pointing out the obvious.

Tama, pinapakilig lang ako ni Josh, pero hindi niya ako mahal.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa campus, pinag-titinginan nanaman ako ng mga estudyante.

Sa campus namin, una mong madadaanan yung HRM building, imagine, lahat ng mga students ng course na yun, nakatingin sa akin. Anung problema nilang lahat?

Kahit sa sariling building ng department namin, nakatingin parin silang lahat.

Pagpasok ko ng room namin.

Agad akong sinalubong ng yakap ni Shiela.

“Friend, hindi ka nagrereply kagabi! I’m so worried!”@.@

Halos mangiti naman ako sa itsura ng kaibigan ko na ‘to. Eh parang iiyak na siya ng tingnan niya ko eh. Grabe, ang bad ko, pinag-alala ko talaga siya.

“Anu ka ba, Shiela, okay lang kaya ako.” Ngumiti ako sa kanya.

Nagulat ako ng hawakan ni Shiela ang muka ko. Ang saket ah, bigla niya kaya hinawakan, di ako prepared. Parang na-pompiang muka ko.

“Anong okay??! Eh muka ka ngang zombie! Hindi ka ba natulog?! Ang putla mo pa, di masama mag-make-up nuh!”

“Natulog kaya ako!” hindi ko binanggit na natulog nga ako pero habang umiiyak, kaya mugto yung mga mata ko. Magagalit ‘to tyak.

“Sa akin ka pa nagsisinungaling Casandra Jimenez, eh basang-basa kaya kita! Umiyak ka eh!”

Tingnan mo, magagalit na sabi eh, kumpleto na pangalan ko eh!

Alam na alam talaga niya pag may tinatago ako. Psychic ata!

Nakapamewang na siya ngayon sa harap ko! Patay ako nito!

“I know, I know na umiyak ka.”  Lakas ng boses niya, nagtitinginan na lahat ng classmates namin.

“Shhhhh, ang ingay mo Shiela! G*ga mo!” halos mapapadyak na ko sa sahig sa inis sa kanya.

At lalo pang tumaas ang kilay ng bruha.

“Umiyak ka dahil kay Jo-qwertyyuihsjbvjdbv@3$%.” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi tinakpan ko ng yung bibig niya. Muntik pa akong magmukang engot sa mga sinasabi nito eh!

“Sinong umiyak dahil kanino?”

Pareho kaming nag-froze ni Shiela, si Josh, nasa may pintuan ng room namin at nakatingin sa aming dalawa.

TEXTBACK or NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon