Chapter 1

20 3 0
                                    

Airyn Hime

“Nikeeeeeeeeeeeee!!!!!!!” I shouted at the top of my lungs habang hinahabol ko yung baliw na lalaking yon na ngayon ay tinatakbo ang phone ko.

“Pag naabutan kita humanda ka talaga sakin mata mo lang ang walang latay!!!” sigaw ko ulit pero imbis na sagutin ako ng sira ulong yun, akalain mong dinilaan pa ko! Tae talaga! Badtrip! Umagang-umaga nambubuwisit! GRRR…

“Hey guys enough of that ka-sweetan baka biglang dumating si ma’am” sigaw ng class President namin.

“YUCK!!!” sabay naming sigaw ni Nike dahil talagang sukang-suka kami sa sinabi niya.

“Hay naku Pres, kahit siya nalang ang natitirang lalaki sa mundo hinding-hindi ko papatulan yan!” sigaw ko sabay taas ng isang kilay.

“Kapal mo naman parang ako papatulan kita! Oh ayan na baka magka-issue pa tayo dahil dyan, kadiri!” sigaw ng Pinsipeng Baliw sabay hagis sa phone ko.

Nga pala, hindi ko siya pinupuri ha? Prince Ranier Nike “The Greatest Jerk of my life” Dominguez ang full name nya. Laughs.

Anyways, balik tayo sa bangayan namin.

“Sira ulo ka talaga! Bakit mo ginawa yun? Pano kung nabagsak to ha? Papalitan mo ba?” galit na tanong ko.

“Oo kung gusto mo bilhan pa kita sampu eh, parang naman napaka mahal niyang bulok mong cellphone.” He yelled at me proudly.

“E ano naman kung mumurahin lang tong phone ko? Atleast pinaghirapan ko ang pinambili ko nito! E ikaw? Lahat na lang ata isinusubo sayo, tss. Anak mayaman ka kase kaya ka ganyan, hambog at walang pagpapahalaga sa pinaghirapanng iba! Siguro ganyang ka pinalaki ng mga magulang mo no? Tss.”  sabi ko sabay talikod, but he grabbed my arm at iniharap ako sa kanya.

“Bawiin mo yung sinabi mo? Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganyan ang mga magulang ko?!” sigaw nya habang nakatingin ng masama sakin.

“E pano kung ayoko? At saka di mo naman ako masisisi kung isipin ko man yon, pano ganyan  kase and pinapakita mong ugali sa akin, kaya ganyang ang ugali mong tumanim sa utak ko.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang kami’y nagsusukatan ng tingin; walang gustong magpatalo at siguro kung hindi pa dumating si ma’am, hindi na kami tumigil sa pagpatay titig sa isa’t-isa.

“Hindi pa tayo tapos.” Sabay naming bulong bago tuluyang umupo.

THE DAMSEL IN DISTRESS AND HER JERK PRINCE (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon