Chapter 8

13 2 0
                                    

Airyn Hime

Ang bilis dumaan ng mga araw, parang kalian lang nung nagpunta kami ni Prince sa Orphanage kung san ako nanggaling, para sa outreach program.

Sa isang araw na yun, ewan ko ba pero parang nagbago ang pagtingin  ko sa kanya; nalaman ko na responsible naman pala siya e, mabait, maalaga (lalo na sa mga bata), at masarap kasama at kakwetuhan.

At ayoko mang aminin sa sarili ko pero, I think I’m falling for him—fast.

Alam kong napakabilis ng mga pangyayari at malamang ay hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa’t-isa, pero ako, I think I’m willing to take the risk para dito.

Antagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ang pagkakataong magmahal at mahalin pabalik, at sa kanya ganun ang nararamdaman ko kaya kahit wala tong kasiguraduhan, susubukan ko pa rin.

Pano kaya ako di mahuhulog sa kanya, he's been so nice to me simula ng maging "kami", he always supports me (he even drives me to work every day walang palya), and most of all, he never fails to make me feel loved, at oo mahal ko narin siya.

THE DAMSEL IN DISTRESS AND HER JERK PRINCE (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon