Chapter 2

19 2 0
                                    

Airyn Hime

Matapos ang nangyaring yon, di na kami madalas nag-uusap, di na siya katulad ng dati; di na niya ako kinukulit, di na siya nanggugulo at halos di na niya ako pansinin, at sa totoo lang parang namimiss ko na ata siya.

Argh. Ano ba tong sinasabi ko? Imposibleng mamiss ko yung baliw na yun, actually natutuwa pa nga ako dahil sa mga nangyayari. Sarcastic laugh.

“Airyn, tawag ka ni ma’am.” Sigaw ng isang kaklase ko.

“Sige, wait lang susunod na ako. Aayusin ko lang ang gamit ko. "

Saktong palabas ako ng faculty room matapos akong utusin ng titser namin na magbitbit ng mga papeles, nakalimutan kong sabihin na student aide nga pla ko, so yun papunta na ako sa registrar office ng biglang may bumangga sa kin na dahilan para matapon ang mga papeles na dala ko.

“What the—“ sabi ko habang pinupulot yung mga nalaglag kong gamit bago ko tingnan kung sino ba yung bastos na bumangga sa kin, and to my surprise, it was none other than that jerk of my life who was now grinning at me.

“Ano bang problema mo ha?! Ba’t mo ako binangga?  At isa pa, wala ka bang balak na tulungan ako?!” seryosong sabi ko habang tinitingnan siya ng masama.

“Why would I, akala ko ba jerk ako, at wala namang jerk na tutulong lang ng basta-basta sa mga walang kwentang katulad mo.” Sabi niya bago tuluyang naglakad paalis.

Argh!!! Ang laki talaga ng sira ng lalaking yon! Bwisit talaga siya sa buhay ko kahit kalian! I really hate him!

THE DAMSEL IN DISTRESS AND HER JERK PRINCE (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon