Chapter 6

16 2 0
                                    

Prince Rainier

Yes! Sa wakas! Matapos ang ilang taon ng pagiging in denial, at ilang buwang pagiging torpe, sa wakas kami na ng babaeng mahal ko.

Oo mahal ko siya, noon pa, kaya nga siguro natutuwa akong inisin siya at lagi siyang makasama, ay dahil nga mahal ko sya.

I guess totoo nga ung sabi nilang, kapag may gusto ang lalaki sa babae iniinis nya ito para mapansin siya nito kahit papaano. Laughs.

Pero ewan ko nga ba kung ano bang nakita ko sa kanya at kung bakit sa kanya pa nahulog ang loob ko.

Sinubukang ko namang pigilin e, sinubukan ko naman siyang tiisin tulad nung minsang nagka-sagutan kami, inaamin kong na-offend talaga ko nun, pero wala e, d ko talaga siya matiis, mahal ko kasi talaga.

Kaya kahit siya na ata ang pinaka-maingay, pinaka-masungit at pinaka-sumpunging babaeng nakilala ko, siya at siya parin ang pipiliin ko. At pinapangako ko na simula ngayon gagawin ko ang lahat para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya, at iparamdam sa kanya kung gano ba kasama ang mahalin.

At kahit na para sa kanya lokohan o biro lang ang lahat ng ito, magsisikap ako ng husto para masigurong balang araw magiging totoo rin to.

THE DAMSEL IN DISTRESS AND HER JERK PRINCE (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon