Chapter 3

15 2 0
                                    

Airyn Hime

Simula nung insidenteng yon, bumalik nanaman siya sa pangungulit sa kin at paninira sa araw ko at ang masaklap, mas lumalala pa ata ngayon.

“Honey, subukan mo ‘to oh, masarap ‘to try mo.” Sabi ni Rain habang pilit na inilalapit sa mukha ko yung siopao na binili niya.

“Pwede ba lumayo ka na sa kin! Nakakadiri ka! At saka ilayo mo nga sa kin ‘yang siopao na ‘yan, alam mo namang hindi ako kumakain niyan diba? Malay ko ba baka pusa pa laman niyan.” Pasigaw kong sabi sabay tulak sa kaniya na naging dahilan naman ng pagkahulog niya sa kinauupuan niya.

“Ano ka ba airyn bakit mo naman ginawa yon? Nagmamagandang loob na nga si Prince eh. Ang sweet nga niya at binili ka pa ng siopao, tanggapin mo na kasi.” Sabi ng isang epal kong kaklase na ginatungan pa ng ibang mga tao sa loob ng canteen.

“Oo nga naman Airyn, tanggapin mo na kasi.” Sabi ni Nike habang nakangisi.

Kung alam ko lang sinadya niya talagang bumili ng siopao para bwisitin ako dahil alam niyang nandidiri ako dito.

“Kaasar!!! Makakaganti rin ako sayo, humanda ka!” sigaw ko sa utak ko habang unti-unting sinusubo ni Nike ung siopao sa kin.

“Ayiiiieeeeh bati na sila! Ang sweet oh!” sigaw ng mga tao sa canteen habang ako ay nagpipigil na isuka ‘tong letseng siopao na ‘to.

Nang matapos ang break time agad akong umisip ng paraan kung paano makaganti sa ginawa ni Rainier kanina.

Humanda ka pekeng Prinsipe makakaganti rin ako sayo! Mwahahaha.

THE DAMSEL IN DISTRESS AND HER JERK PRINCE (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon