Author's Note: This story's concept, ideas, name of any elements are purely based on the writer's imagination without any intent of harm for the readers. Also, it's in Tag-lish form.
•••••
[Zoviel's point of view is used in here.]
Noon pa man alam ko na- alam ko ng iba ang nais ng katauhan ko. Bata pa lang ako, kilala ko na ang sarili ko.
Oo, tanggap ko na dati pa lang na ito na nga ang uri ko. Masabihan man akong salot sa lipunan, baliwala nalang sa'kin iyon tutal kahit ano namang pangbabatikos nila, bingi na rito ang damdamin kong naging bato.
Kahit ako mismo, tinuruan ko rin naman ang sarili kong tumuwid ngunit tila'y sadyang tagilid na.
Gano'n pa man, maayos na para sa'kin 'to. Lalo na't ngayong nasa saktuhang edad na ako, mas mapapanindigan ko na ito. Kung ito ako, hahayaan kong ito ako.
Ako nga pala si Renzo Haviel Luy Amiros o mas kilala sa 'ngalang Zoviel. Talagang pinilit ko 'yang palayaw na 'yan upang hindi lalaking-lalaki sa pandinig. Oo, berde nga ang dugo ko! Oo, tama kayo diyan- isa akong bakla, bading, jokla, beki, pogay o kung anu-ano pang maitatawag ninyo! Oo, 'yun ako at tatak na sa'kin 'yon.
Sa ilang taon ko ng ginagampanan 'tong pagiging bakla ko, masasabi kong mahirap rin pala- lalo na sa aspeto ng pagibig. Tila ba'y madalas lang ako masaktan. Bakit ba? Dahil ba'y isa lamang akong hamak na bading? Wala bang ni sinong aangkin sa'kin na seseryosohin ako? Gano'n ba ako kahirap mahalin? Gano'n ba ako kahirapan tanggapin para sa kanila? Masamang tao ba ako para hindi makaramdam ng pagmamahal na inaasam-asam ko noon pa man?
Pero lahat ng mga duda kong 'yan ay naglaho sa'king isipan nang matagpuan at makilala ko ang taong 'to. Siya na yata ang nagturo sa'kin na lahat ng mga hinala ko ay mali- na lahat ng 'yon pala ay posible- posibleng mangyari dahil nasa sa kaniya ang pagpapatunay.
BINABASA MO ANG
Maze of Craze
RomansaLalaki nga, damdaming babae naman! Babae nga, damdaming lalaki naman! Isang bakla at isang tibo- Isa ay dugong berde, isa ay dugong dilaw. Sa kanilang kondisiyon, maari pa bang sila'y magkatipuhan at may mabuong kakaibang romansa? Posible bang may m...