Prologo

1.6K 47 19
                                    

Madilim.

Sobrang dilim ng paligid.

At tahimik.

Sobrang tahimik na kahit mga pashnea ay hindi umuungol at mga halaman ay hindi nakikipaglaro sa hangin.

Walang may lakas ng loob na kumalaban sa nakaupong may kapangyarihan. Isang maling hakbang at ikaw ay malalagutan ng hininga. Walang paliwanag at walang pasubali. Ganyan katindi ang kanyang galit.

Kinalaban din niya ang langit. Naglabas ng maitim na sinag papuntang Devas at sinira ang lahat ng nandoon. At ang Bathalang Emre ay walang nagawa. Naipagtanggol man ng Bathala ang mga kaluluwang naninirahan doon, nawalan naman ito ng lakas. Dahil ganoon katindi ang kanyang hinagpis.

Nagimbal ang lahat sa pinakitang kapangyarihan ng nilalang. Isang nilalang lamang. Ngunit hindi inaasahan ang nakatagong kapangyarihan. Nakapagtatakang tunay pagkat iisa lamang ang hawak niyang brilyante. Ngunit nagapi niya ang dating Haring Hagorn at ang kanyang mga kapatid. Isang brilyante laban sa apat.

Wala na ang mga kaharian. Bumagsak. Nawasak. Wala nang matitirahan ang mga nilalang. Abo na ang lahat ng kaharian. Maliban sa isa. Ang kanyang tirahan.

Walang may alam kung saan ito nakatayo. Wala ring may alam kung sinu-sino ang kanyang kasama o kung may kasama nga ba siya.

Sa isang madilim na silid, nakaupo sa kanyang trono ang nilalang na sinasabing nagwasak sa Devas at nagpalaganap ng takot sa buong Encantadia. Ang nilalang na hindi nagdalawang-isip na paslangin ang mga sumasalungat sa kanya.

Tumayo ito at naglakad papunta sa isa pang silid kung nasaan nakahimlay ang kanyang tangi at iningat-ingatang kayamanan. Maririnig mo ang yabag ng kanyang yapak. Kapansin-pansin din ang kanyang maitim na damit at ang kanyang korona kulay ginto na gawa mula sa mga tinik ng rosas.

Pumasok siya sa silid na kasing-puti ng ibong sumasagisig ng tunay na kadalisayan. Lumapit siya sa kanyang kayamanan na napapaligiran ng makukulay na bulaklak na siya mismo ang gumawa gamit ang kanyang kapangyarihan. Kakaibang mga bulaklak para sa nag-iisang kayamanan.

Lumuhod siya sa gilid ng kama at hinalikan ang noo ng nahihimlay na enkantada.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka nila matatagpuan dito. Hindi ko hahayaang makuha ka ng aking mga kaaway, lalong-lalo na ni Emre. At kailanma'y hindi matutunton ng mga retre. Dito ka lamang sa aking tabi. Hinding-hindi ka na mawawalay pa sa akin..."

.

.

.

"E correi diu, Lira."

Kadiliman ng Reyna - HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon