Como esta? It's me Kevin again hahaha. Nalaman na ni Dean, talipandas si Kuya Joey kasi, sinabi nyakay Dean nung nabasa nya. Sinend nyasa messenger yung link gamit ng account ko! Muntikan ng magkapalit yung kamay nya tyaka mukha ko. Tyaka nalaman na din ni Sam pinabasa din ni Dean sakanya, tinadtad nyang voiceclip gc namin, puro tawa nya, ang paranoid ko daw, tyaka ang pogi naman daw nyang aswang. Eto na. Ganito rin nun, mag uundas nung yayain kami ni Kuya Darius napumasyal dun sagf nya. Dahil mahiligkami sa roadtrip eh malayo yun samin, sasakit pwet mo sa layo, pumayag kami. Bale mga one day one night kami dun. Ako, Kuya Darius, Dean,Lovely tyaka si King2. Si Sam may ginawa sya kaya hindi namin nakasabay, sumunod na lang sya. Sakto naman yung chikiting ni Dean nasa ermat nya. Pagdating namin dun syempre lamon agad. Malapit sa ilog yung bahay ni Gemma, syotani Kuya Darius. Si Dean tyaka Love hinintay si Sam sa may barangay hall. Naunakami nila King2 sa may ilog. Malinis yung ilog, kita mo yung paa mo sa tubig,walakang diaper tyakajackpot na makikita. Si Kuya Darius, trying hard manghuli ng isdapero wala eh hahahaako naman tapos sila Gemmanagsiligo na. Nung dumating sila Sam, naligo na din sila. Maya maya dumating din yung mga kapatid ni Gemma, may dala silang kwatro kantos, gin bulag. Edi uminom kami pwera kay Dean kasi mabait na bata, nagbagong buhay na, si Kuya Jon ang duterte ng buhay nya hahaha. De nung mejo me amats na, nagkwento si Jerome, kapatid ni Gemma. 'Twing pyestang ilog, taon taon may kinukuha, kaya hindi kami pinapayagan ni tatay na maligo dito pag pyesta' Si Dean katapatan ko sya, nakain ng bayabas tyaka yung camachile, bale ako nakatalikod sa ilog tapos syanakaharap, katabi nya si Love. 'Oo nga eh, andami namula batahanggang matanda' Pagkasabi nya nun kinilabutan ako. Sumiksik ako kay Kuya Darius. Angginawa ni Kuya Darius, binago nyatopic, alam din nya kasi yung kay Dean. Ilang beses nasinabihansya ni Dean nung mag bf pa lang silani Kuya Jon na iwasan nyang mag motor muna, hindi sya nakinig. Naaksidente tuloy sya, kinailangan palitan ng bakal yung buto nya sa binti. Tapos etong si Love nung nasakainitan kami ng pagkwekwentuhan, tumayo. Di ko pinansin, nagbiruan pa kami ni King2 na bakaiihi otatae lang. 'Sam? Sam si Lovely nasaan?' Pauwi na kami dun lang namin napansin na wala pa si Love, si Dean nakapansin. Si Sam, hindi sumagot agad,una parang wala syang narinig. Magtatanong sanaako ulit pero pinatahimik ako ni Dean. Nakapikit si Sam, yung nagkaka wrinkles gilid ng mata nyasa sobrang riin. 'Mauna na kayo Darius, hahanapin ko si Love' sagot nya. Nag-aalala na sila, pero kinalma sila ni Dean na okay lang, hahanap lang daw sila ng matinong signal paramatawagan si Love. May mali na talaga, kasi yung cp ni Love asakin, nasa bag ko. Kaya imbes na sumama pauwing bahay nila Gemma, nagpaiwan ako, pati si King2. Nagalit si Sam kasi bat pa daw kami nagpaiwan,idinahilan ko na lang na baka may mangyaring masama kay Love. Yari ako sa tatay nya na uncle namin, laking tao panaman. Si King2 naman naiiyak nakasi syempre kapatid nya yun. Pinatahimik kami ni Sam tapos tumingala sya, ang weird kasi para syang may inaamoy. Saka sya lumakad, patawid ng kabilang panig ng ilog. May part ung ilog na mababaw, ang ginawa ko para hindi mabasa yung mga cp namin iniklian ko yung strap ng bag ko, yung nakadikit na sa leeg ko hahaha. Nakahawak sakin si King2, si Dean naman kay Sam. Kung samin ni Sam hanggang baba ng pwet lang namin, yung sa dalawa hanggang bewang. Nung nakatawid na kami, tumakbo si Sam samay mga puno. Di naman as in kakahuyan pero may mga puno, malilim. Makikita mo kung may tao sa paligid. 'Andito sya. Andito syaDean, pero bakit wala sya?' Ang gulo diba? Pati rin ako naguluhan. Tapos etong si King2 bumitaw sakin, nag iiyak na talaga, kasi sa may silong ng isang puno, puno ng sampalok, andun yung isang tsinelas ni Love. Pinatahan syani Dean eh nagwawala pa rin, na out of balance sila, napahawak si Dean dun sa may puno. Ayun,natulala sya, yung tulala na ang layo ng tingin. Maya-maya bigla syang suminghap, parang nanggaling sa ilalim ng tubig. 'Sam' Mangiyak ngiyak nasya. 'Bakit?' Si Sam pailing iling. Tapos hiniram nyacp ko, may tatawagan sya, kaso nganga wala akong pantawag, poor boy studyante bente lang baon. Buti na lang si Dean may stock na kinse sabalance niregister nya. Halos matimbuwal ako nung malaman kung sino yung tinawagan nya. 'Paeng punta kadito' Iniuwi ko si King2 kila Gemma. Sinabi ko na rin sa kanilana nawawala si Love. Pero di muna pinasabi ni Dean kay Uncle tolits. Naiwan sila ni Sam doon, tapos ako yung pinagsundo kay Raphael dun samay Hall,nakaka g*g* diba. Alam naman nilang takot natakot ako sa kanyatapos ako pa. Pagdating ko sa hall,andun naagad si Raphael. Nakikipag kwentuhan dun sa mga tanod ata. Tahimik lang kami, pero ako umandar na naman ang utak ko, kasi naman wala pang 10 minutes na tinawagan syani Sam tapos nandoon na syaagad, ano sya si the flash. Pagkakita sakanya ni Dean, mejo lumayo sya, tumabi sya sakin. Halata talagayung takot sa mata nya. 'Ang simple simple lang hindi mo kayang gawin?' Tanong nya kay Sam. 'Ohwe di ako na!?' 'Ikaw na nga tong inistorbo ako tapos ikaw pa ma pride?' Walk out sya,nasakabila na sya nung umapela si Dean. Perstaym ko marinig nasigawan nya si Sam. 'Sam naman eh!' Tapos humabol kay Raphael pero hinila nya ako, takot din sya. 'Kuya hindi naman si Sam nagpapunta sayo dito, ako. Sige na kuya,please?' Kung kaya ko lang, sinapak ko na sana sya kaso takot talaga ako eh. Nanunuya itsura nyanung bumalik sya, parang iniinsulto si Sam. Hinawakan nyayung puno na nahawakan ni Dean. Kung may makakakita samin na ibang tao, kahit kayo, iisipin nyo baliw si Raphael kasi nagsasalita syanaparang may buhay yung punong kaharap nya. 'Balik mo nayung bata' Titigil sya na parang may pinapakingan. 'Ano bang masamang ginawasayo?' Tigil 'Oh ganon naman talaga, balik mo na' Tigil 'Sige na' Tigil 'Ano bang gusto mo?' Tigil tapos sulyap kay Dean. 'Hindi pwede' Tigil 'Hindi' Tigil 'Pag ako nabwiset sayo hihilahin kita dyan saka kita b*b*yagan ano?' 'Sige. Mamaya pagkabalik mo sa bata' Pagkasabi nya nun, may narinig kaming sumisigaw, sagitna ng ilog,sa malalim naparte, si Love,hanggang leeg nya ang tubig. Papunta pa lang ako pero pagtingin ko andun na agad si Sam real quick. Ambilis, parang yung feelings nya sayo ambilis maglaho. Iniuwi na namin syakilaGemma hindi pa sya makausap ng matino. Nung mejo okay natapos nakatulog na si Love sakako narealize na wala si Dean, pati si Raphael. Si Sam hindi makaalis kasi kinakausap syanung tatay ni Gemma, pero halata samukha nya na kating kati na sya umalis. Kasi nung makita nyaako tinanguan nya ako parang alam nanyang hahanapin ko si Dean. Pababa pa lang ako nung hagdan pababa sa ilog nasalubong ko na si Dean tyaka Raphael. Pa dapit hapon pa lang kaya kita ko panaputlang putla si Dean. 'Bakit ka nagpaiwan? Di ka na sumunod agad' Kahit takot ako, pumagitna ako sakanila kasi feeling ko any moment magcocollapse na si Dean. 'Tumaas ang tubig' Oo hindi sya marunong lumangoy. 'Lulutang kanaman eh' Sinikmuraan nya ako. Tapos si Raphael, naki join tumawakahit di naman sya kasama sa joke ko. Tinitigan namin sya ni Dean saka sya sumeryoso, pahiya. 'Puting manok, dalhin nyo dun sa may puno ng sampaloc mamaya' Akala ko aalis nasya, pero hindi pa pala. Hindi sya pinaalis nung magulang ni Gemma. Patay gutom na lalaki, kulang na lang maubos nya yung kanin sa kaldero. Si Love hindi na kelangan magsalita kasi nunghawakan sya ni Dean, nakita na nya. Kababalik lang ni Sam, sya naglagay nung puting manok na binili ni Kuya Darius sa kapitbahay nila Gemma. Nagyoyosi kami dun samay tree house nila, dun kami matutulog, nanonood ng tv sila kuyatapos kami nasa parang balkon nung tree house. 'May tumawag sa kanya. Imbes nailog yung makita nya, parang na puno ng bulaklak nakikita ni Love' 'Naengkanto sya?' Tanong ni King2. 'Parang ganon' 'Hindi yun ang unang beses nanangyari yun sakanya. Sa school madalas na lutang syadiba?' Tumango si King. 'Lapitin. Naakit sila sabuhok nyatyaka kutis. Magpagupit dapat sya' Tingin kaming lahat kay Raphael. Tinext ko si Dean na parang hindi ko kayang matulog na andun si Raphael. Pero nireplayan nya ako naandun naman din si Sam. Pero pansin ko kay Sam nun ang tahimik, hindi kumikibo tyaka hindi nakadikit kay Dean. Pagbalik namin samin parang walang nangyari kay Love, nagpagupit na rin sya, ganon ka Dora dejoke, yung maikli bobcat ata yun basta ganon. Hindi din ako natulog buong gabi nun kasi natatakot ako baka lapain ako ni Raphael. Kaya pagdating kong bahay bagsak ako agad. Pagresume ng klase, yun magkakasama na naman kami twing uwian. Madalas akong na kila Dean nun kasi nakikisearch at gamit akong laptop nya. Tapos okay na rin silani Sam, back to normal, ako lagi ang pinagtritripan. Tapos nung parehas na walakaming last subject, nagkayayaan na pumasyal dun sa school namin nung highschool. Kasama ko mgaclassmate ko, sila Sam kasama din buong section nila. Unanasa vcourt kami, kaso narinig namin ni Dean na yung commentator sa may bcourt yung coach ko nung highschool sa basketball, takbo kaming dalawa agad, nakasunod sila samin. Si Sir Gadreel kasi, mabait, kalog, lahat ng mga athlete noon close sya. Eh si Dean volleyball player noon, tapos matagal nanung huling beses namin syang nakita. Pinatabi namin yung mgastudyante na nasalikod ni sir nakaupo. Tapos kinalabit namin. 'Uy kamusta? Kevin bakit ang pogi mo pa rin' Nakipag apir ako sa kanya. Tingin sya kay Dean, kunwari nagulat sya. 'Uy Dean! Hindi na green buhok mo ah. Mukha kang mortal' Tawanan kaming tatlo, yung mga kasama namin nakanganga lang pati yung mga studyante, pano kasi si Sir naka mic pa rin kahit kausap kami. Yung mga naglalaro napatigil eh. Mga 5.5 seconds saka silanakabawi, bumalik lahat sa normal, pwera kay Sir, nakatingin syakay Sam. 'Kilala kita' Pinasa nya yung mic sa isa pang teacher na katabi nya tapos tumabi sapagitan ni Sam tyaka Dean. 'Ako hindi kita kilala' Sagot ni Sam. 'Hindi. Kilalakita. Classmate kita nung highschool, di ako pwedeng magkamali kasi kinokopyahankita sa math nun eh' Yung isang classmate ni Deanna kabatch din namin, tinawanan si Sir Gadreel. 'Si Sir patawa. Hindi mo naman kasing edad si Kuya Sam eh' Tumawa si Sir pero halatang takang taka sya. Si Sam parang naiilang naewan. Tapos si Dean sumingit. 'Sir baka yung pinsan ni Sam ang classmate nyo Sir. Si kuya Raphael. Di naman dito nag highschool si Sam, samanila sya eh' 'Ah oo tama Raphael nga. Pinsan mo talaga? Kamukha mo talaga sya eh, gulat ako akalako talagaikaw sya, kako sa isip ko tuloy bakit di kaman lang tumanda. Asan si Raphael ba ngayon?' Si Sam parang nabunutan ng tinik. Ako naman yung muntikng maihi sa takot nung sumagot sya. 'Andito sya' Tapos parang natauhan sya. 'Ibig kong sabihin andun sya samin. Ikakamusta kita sa kanya. Anong pangalan mo?' 'Gadreel' Mejo pinalampas ko yun. Kasi maganda kwentuhan namin ni Sir. Ganito, twing intrams sa alma mater namin may portion dun kung saan habang may naglalaro, pwede kang magsulat sa isang pirasong papel, ng message pwedeng parasa crsuh mo, gf/bf, kaibigan o kaya teacher. Bastahindi lang pwede negative message. Nung panahon namin, piso lang. Pero ngayon nakisabay na sapagtaas ng bilihin, limang piso na. Etong si Sir Gadreel, binigyan nya ng isang mic si Dean tapos ako pinagkolekta nya ng bayad, bale sakin ibibigay ng mga magpapabasa ng message yung bayad, tapos si Dean magbabasa. Yung mga classmate nila, tuwang tuwa nagmessage din para dun sa natipuhan nilang mga player. Pero nung matatapos na yung laro natigilan si Dean. 'Problema?' Tanong ni Sam. Hindi sya sumagot agad. Patingin tingin sya sapaligid. Ginawa ko inagaw ko yung papel sa kanya. Muntik ko ng mabitawan pero kinuhanya ulit sakin. Word by word ganto pagkakasabi : Lagi lang akong nasapaligid Laging umaaligid Maging sayong pagtulong, ako'y nakabantay Para ikaw ay hindi nila mapatay Dean. Si Sam nun kulang nalang manakal sya. Ako ramdam ko yung panginginig nya, hindi ko alam ayokong mambintang. Pero nung umalis na kami, paglingon ko dun sa pwesto namin dati, andun nasi Raphael, nakatingin din sya sakin, kumaway pa. Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino yung 'sila' na tinutukoy. Nangyari to two years ago pa. Eto pa. Yun nganung anniversary ni Kuya Jon at Dean naghanda sila. Matik si Dean nagluluto, si KuyaJon nag eestimang mgabisita nila. Si Dean kasi pag ano hindi pala salita. Basta tahimik lang. Gawa kasi nung ability nya, mula nung bata sya idinistansyanya sarili nya sa iba. Iilan rin lang mga kaibigan nya, yung kaibigan talaga na kaharutan, kamurahan,kalaitan nya, tapos lahat pa weird ako lang matino haha. Dumating mgakasamahan ni Kuya Jon sa trabaho. Andun din kaming lahat na magkakapatid. Nung natapos yung pansit si Dean naglabas nun. San mig light lang iniinom namin nun kaya hindi nakakalasing, pero laging naihi. Tumabi kay Kuya Jon si Dean dun tapos kumakain ng pansit, kandong nya yung bunso nyang anak. Si Sam naman nagtext na parating pa lang. Nung may dumating panayung dati nilang foreman tyaka pamilya nya. Dun narin sila inihainan ni Dean sa mesa namin, kakain na nung parang may maalala yung foreman. 'Pre, si engineer nasa labas nahihiya atang pumasok sunduin mo nga' Si Kuya Jon tayo agad. 'Ay ba yan pre bakit di mo sinabi. Sige dito muna kayo susunduin ko,mahiyain talaga si engineer' Sarap na sarap ako sa paghigop nung sabaw nung papaitan nung mabilaukan si Dean. Bale yumg mesa pahaba,ako yung nasadulo, sakanan ko na nakaharap sa may pinto nakaupo si Dean. Yung asawa ni foreman hinagod hagod likod nya,ako sa tarantako yung san mig naibigay ko imbes na tubig,nilagok naman nya, straight. 'May nakaalala sayo' Umiling iling sya. 'P*ta kevin p*ta talaga' 'Bakit?' Hindi sya sumagot. Dumating nasi Kuya Jon, higop higop ako nung sabaw, ako naman sunod na nasamid. Kasi mga brad, si Raphael. 'Dean, si engineer, sya yung kwinekwento ko sayo. Engineer si Dean po pala asawa ko, magkapatid ko po tong mga to' Ang plastik ng g*g*. 'Hi Dean! Hi Kevin. Kamusta?' Pinaupo sya ni KuyaJon sa tabi ni Dean. 'Dapat sasabihin ko sa inyo ni Kevin kaso sabi ni engineer wag para daw surprise' Surprise nasurprise talaga kami. Kulang na lang heart attack. Langyanaalala ko to dama ko pa rin yung takot tyakagulat eh. Lalo nayung epic pes ni Sam nung maabutan nyang ka jamming ni Kuya Jon si Raphael. 'Wag mo kong tanungin. Si Dean dapat' 'Bakit ako? Malay ko bang yung tinutukoy ni Dhie na bagong engineer nila, si Raphael malay ko ba!' Nasa may kusina kami nun, inuubos yung icing ng cake. Si Sam patingin tingin sa labas. Parang naiinis na ewan. Hindi alam ni Kuya Jon yung tungkol kay Raphael, basta ang alam lang nya pinsan ni Sam na kaibigan din namin. Kaya hindi ako isinumbong ni Dean sa kanyakasi mahirap na baka malaman ni Kuya Jon, baka ano pang mangyari sakanya. Sabi ni Dean, mas mabuti na walang alam, ligtas ka. Kesa sa marami. Sa totoo lang, ayaw ni Dean na ipakwento si Sam, lalo yung ability nya. Kasi ayaw nyang mapagtawanan, ayaw nyang matawag na baliw. Pero sa dami banaman ng misteryo sa mundo, sino ba tayo para pagtawanan sila diba? Pero out of respect, tigil ko muna yung kwentotungkol sa kanila ni Sam. Sa susunod, kung makaka connect ako sa weepee ng kapithouse namin, si Raphael na lang muna ikukwento ko. Hihintayin ko nalang munanamagshare ng kusa sakin si Dean, na payagan nya pa akong magkwento tungkol sa kanila. Magfocus tayo kay Raphael, si Raphael na asa tabi mo, inaamoy ang buhok mo, hinahaplos ang braso mo, pababa sa kamay. Dahan dahang inilalabas ang mga ngipin nyang mala piranha. Pero sa totoo lang, takot ako. Lalo ngayon. Kanina kasi habang nagtatime out ako, parang may nakatingin sakin. Nung naglalakad ako papuntasa motor ko, napatingin ako sa may puno ng acacciamalapit sa building namin. Parang nakita ko dun si Raphael, kasama yung malaki at maitim na aso na may matabang kadena. Sabi din ni Dean, pagout nya sashift nya nung umaga ng lunes, habang hinihintay nya na dumating si Kuya Jon para sunduin sya may nakita syang apat na taong nakatingin sa kanya. Lumipat sya ng pwesto pero nakatingin pa rin sakanya. Si Kuya Jon kasi manggagaling pa ng site kaya mejo matagal, paranadaw syang matatae sa takot, kaya tumabi syadun sa guard. Habang paalis na sila ni Kuya Jon nakatingin pa rin yung apat sa kanya. Tapos sabi pa nya. 'Nakitako na yung mga yun Kevin' 'Saan?' 'Samga photo album ni Sam' Kaya ko nasabing aswang si Sam at hindi bampirakasi may picture sya, may kasamasyang mga babae at lalaki, meron ding solo nya. Hindi lang talaga siguro sya mahilig sumelfie kasi puro sastudio yung pic nya. 'Yung apat na lalaking kasama nila ni Kuya Raphael sapicture na isa' 'Nasabi mo na kay Sam?' 'Ayoko. Mag-aalalalang yun. Tyaka hanggang tingin lang sila, utot pa nila' Weird diba? Weird talaga. Malapit naakong mabaliw. Kaya utang na loob Sam, alam ko nagbabasa ka na dito mula nung malaman mo, ayan alam mo na. Utang na loob umuwi ka na. Pero yung tsikolet ko wag mong kalimutan.