2

1.2K 10 0
                                    

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano si Sam. Bukod kasi sa mas gwapo ako sa kanya, tao ko naman syang maidedescribe sa inyo. May mga bagay lang talaganagumugulo sautak ng lingkod nyo. Parang to. One time, may kainan kaming pinuntahan ng mga kaklase ko. Bario dito samin, nasa 15-20 minutes yung byahe. Scenery, probinsyang probinsya, sa likod bahay sibuyasan. Yung daan makipot na malubak. Nasa may harapan kami, nasa gilid ako ng videoke kumakain. Nung may sasakyan na dumaan. Kita ko si Sam, nagdadrive. Gulat ako, yayamanin pala. Ewan ko kung bakit pero nakita nya ako, kumaway sya sakin. Lumapit ako, nakipag usap saglit lang nagpaalam na sya. Pagbalik saka ko lang napansin na parang lahat ng tao naestatwaat nakatingin sakin. Yung nagvivideoke nagustong basagin lahat ng pinggan ang boses tumigil din. 'Bakit?' Nawirduhan ako sa kanilakasi sabay silang umiling. Tinuloy ko pagkainko, bumalik naman nasa normal pero pansin ko na may ilan na patingin tingin sakin. Tapos nilapitan ako ngnanay nung may birthday. Nv : 'Kilala mo si Samuel?' 'Po? Opo. Kaibigan sya nung hipag ko. Bakit po?' 'Kaibigan?' 'Opo. Di ko alam nataga ditopalasya' 'Yung hipag mo ba mahaba buhok na buhaghag na medyo mataba?' Natawa ako sa description nya, saktong sakto. Tumango ako. 'Lagi po sya dito?' 'Hindi naman. Ilang beses lang. Huling beses nung nakaraang taon pa' Akala ko aalis nasya pero nakatingin sya sakin habang kumakainako. 'May problema po basa kanila?' Bumalik yung akala kong may relasyon silang dalawa. Kabog ng puso ko masakit sa ribs. Nawalan ako ng gana bigla. 'Wala naman. Sige kain ka lang' Di nanatanggal sa utak ko yun. Pati yung takot sa mga mata nya, kaya nung birthday ko naman, pinaimbita ko yung may birthday nun sa kaklase ko. Tawagin natin syang Bobby. 'Kilala mo si Sam?' Medyo may tamana sila, ako hindi pwedeng uminom kasi andun gf ko,mahirap makurot sasingit. Pero imbes na sagutin nya ako nagtype sya sa cp nya. L*nt*k akala ko inisnob ako. Umaakyat na lahat ng dugo ko sa ulo nung bigla nyang hinarap yung cp nya sakin. Andito sya. Mamaya na lang Taka ako bakit kelangan pang itype. Eh ang lakas lakas ng bibig nya pag nagbibida pati pag tumatawa. Oo andun din si Sam, andun din kasi si Dean. Samin kasi, kaibigan ng isa, kaibigan nanaming lahat. Nakikipag kwentuhan si Sam kay nanay. Syalang nakakatagal makipagkwentuhan sa nanay namin kasi puro chismis kwento pis nay. Pansin ko riniwas tumingin si Bobby kay Sam. Pero nung magbigay ng pulutan samin si Dean nakita nya si Bobby. 'Uy!' 'Uy Dean kamusta?' 'Magkakilala kayo?' Nagtataka talaga ako. 'Oo naman,tiga kila Sam to eh. Kaibigan mo pala' Tango na lang ako. Nung natapos inuman,walanasi Sam, si Dean umuwi na rin silani kuyako. Naiwan na lang gf ko tyaka si Bobby. 'Kevin pwedeng dito na lang ako matulog?' 'Oo naman. Pero ihahatid ko muna si Ana' Hinatid munanamin si Anasa kanila. Malapit lang naman, walking distance yung dorm nyasa bahay. Habang nasa daan napag iiwanan ako ni Bobby, bilis maglakad. Nungnasabahay na kami, naglatag nako dun sa may kwarto namin ni Kuya Joey. Tabi kami ni Kuya Joey sa papag peronung gabing yun sa sahig ako, alangan naman kasi mag-isa lang dun si Bobby. 'Alam ko lang na nandito si Sam, di na ko pumunta' 'Nge bakit naman?' 'Takot ako dun. Kaming lahat samin' 'Grabe naman kung kayong lahat. Mabait kaya yun. Oo weird sya pero mabait naman' 'Oo nga. Pinautang nga ko nun one time eh. Binabayaran ko di na ko siningil, ang bait' Biglang singit ni Kuya Joey. Natawa ako, pero si Bobby nakatingin lang sa may kisame namin, parang binibilang yung mga butiki. 'Ka batch kita nung elementary sa central Kevin. Nabalitaan mo ba nung grade 4 tayo, yung sinaksak na babae sa may harap ng school?' 'Ako! Ako! Nabalitaan ko yun. Nag ooverdabakod kami ng mga classmate ko nun tapos may sigawan ng mga tao kaming narinig. Tinignan namin yung magandang babae nakabulagta na' singit ulit ni Kuya Joey. 'Tyahin ni Sam yun' 'Anong koneksyon nun sa takot nyo sa kanya?' 'First year highschool ako nung unako syang makita. Pero si tatay ko, sabi nya nakita na nyasi Sam nung bata din sya. Ganonna ganon daw din itsura nya, naibalangng damitan. Naging kaibigan ko yun dati. Nasabi ko yun sa kanya, sabi nya tatay nyadaw yun at talagang magkamukha lang sila' 'Naging close kayo?' 'Oo pero saglitan lang. Pagdating nya kasi samin, nagbilang lang ng tatlong buwan may namatay. May witness pero di nya nakita yung mukha, basta likod lang, yung likod daw nung lalaki puro latay ng latigo' 'Tapos?' 'Ilang araw lang namatay na yung witness. Inatake daw sa puso, tapos lahat ng napagsabihan nya, namatay din puro aksidente. Pwera kay tatay ko na sinabi sakin' 'Anong koneksyon nun kay Sam? Ano yun si Sam yung pumatay?' 'Kakatingin ko lang ng result ng entrace exam ko nun, sabi ni nanay magbebeach kami kasi nakapasa ako. Si Tatay hindi nakasama kasi may sakit. Sumama si Sam, niyayako sya. Syempre dagat, malamang lalangoy. Ako silaBenoc kasama si Sam umakyat dun sa may batuhan,magdadive kami. Ako yung nasahuling linya, kasunuran ko si Sam. Pagkahubad nya ng tshirt nya, kitang kita ng dalawang matako puro latay yung likod nya. Yung kumeloid pa' Pakiramdam ko lumaki yung ulo ko nung mga oras na yun. Hanggang ngayon habang nagtatype ako. Sabi pa ni Bobby, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na yung unang namatay sa kanila, yun ang pumatay sa tyahin ni Sam. Ang dahilan daw pinaghihinalaang mangkukulam. Mula daw noon, hindi na sya sumama kay Sam kahit anong yayasa kanya. Tapos isang araw, may namatay nanaman sa kanila, tatay nya. Hindi nya nasabi kung anong dahilan, basta pagkalibing ng tatay nya may dumating sa bahay nilang parang agent na nagsasabing may memorial plan tatay nya, may makukuha silangpamilya bilang tulong. Dahil tatay lang nila ang nagtratrabaho,malaking bagay yun para sa kanila. Pero may kung ano daw na nagtulak sa kanya na iresearch yung pangalan ng kompanya na nakalagay sa envelope. Bogus yung kompanya, dun rin lang nya narealize namagsasaka lang naman tatay nya, isang kahig isang tuka sila. SSS nga hirap ng maghulog, yun pa kayang mas malaki sa 320 ang hulog buwan buwan? Sinabi nya yun sa nanay nyatyaka saate nya. Mula non hindi na nila ginalaw yung natitirang pera. Namasukan na kasambahay ang ate nyahabang angnanay nya naglalabada, sya pinag-aaral. Umiiyak syang nakatulog nun. Kaming dalawa ni Kuya Joey nagtinginan lang buong magdamag. Kating kati akong sabihin yun kay Dean. Sa tuwing makikita ko naman si Sam sacampus, nakakaramdam ako ng takot pero di ko pinapahalata. Parang naririnig ko sa isip ko yung mga sinabi ni Bobby. Nagkaroon kami ng field study, pero satotoo lang walanamang halong study. Una sa national museum, sunod sa manila city hall na di ko alam kung bakit, sunod sa intramuros last stop samay star city. Sabi sainyo walang study eh. Nagkayayaan nasumakay sa ferris wheel. Dun ko hinanap si Dean, iba course nya, iba rin ang bus. Huli kaming nagkita nung lunch kasi nakikain ako sa baon nya. Hinila ko sya pasakay ng ferris wheel. Si Sam humahabol pero paandar nanung sumakay kami, kumaway kaway na lang kami sa kanya. Pagkatapos magselfie selfie nung pataas na, nagsimula ako. Sinabi ko sa kanyalahat, walang preno. Nung matapos ako, hinihintay ko yung violent reaction pero nakatingin lang sya sakin. 'Di ka nagulat? Di ka natakot?' 'Anong reaksyon bagusto mo? Maghuramentado ako?' 'Wala. Gusto ko lang na malaman mo' 'Gusto mong iwasan korin sya? Katulad nung sinabi nung nanay ni Bobby nung unang beses akong makapunta kila Sam' 'Malay mo kasi' 'Malay mo sya yung pumatay?' Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang, naguguilty ako kasi mabait si Sam. Wala syang ginawang masama sakin o sa pamilya ko. Mag lilimang taon ko nasyang kilala, masasabi kong kaibigan ko na din sya. 'Kevin, hindi naman lahat ng nakikita, naririnig tama na. Lahat ng bagay may dahilan. May mga bagay din na hindi na kailangan pang maungkat at ibaon na lang salimot. Oo namatayan sila, bakit hindi din ba namatayan si Sam?' 'Pero dapat hindi syabumawi, hindi dapat syapumatay. Dapat kung alam nya, nagsabi sya samga pulis' 'Bakit Kevin, sya ba ang pumatay? Sigurado basila Bobby? Bakit Kevin sya lang baang kaisa isang tao samundo na may latay sa likod?' Matagal akong hindi kinibo ni Dean matapos nun. Si Sam dati pa rin naman trato nya sakin. Gusto ko lang linawin naetong nangyari,three years ago pa. Ang recent lang na nangyari yung sa last part ng una kong kwento. Pasko nung taong yun nung kibuin nyaako ulit. Tradisyon namin tuwing 25 ng umaga, pupuntakaming beach. Gabi na nung makauwi kami, si KuyaPyoks,Kuya Jon,Kuya Manuel, Kuya Jervis umalis agad pa manila, may problema daw dun sa building na ginagawa nila. Yung dalawang anak nila tulog na, nasamay labasan ako nun, nagpapaputok kasi yung iba kong pamangkin sa may kalsada. Tinabihan nya ako. Nv : 'Merry christmas pala' 'Bati na tayo?' 'Magkaaway ba tayo?' Tumawa ako. Sabay sorry. Okay lang daw. Nagsorry din sya sakin. Sabi nya nasaktan lang daw syana ganon iniisip ko sa bestfriend nya. Yun okay na kami, balik sadati. Pero paglipas lang ng ilang buwanmay nalaman ako, na nagpayanigng buo kong pagkatao. Naghatid ako ng order sa may baranggay nila Dean. Malayo pa lang kita ko na saharap ng gate nila may nakaupong lalaki. Nung nadaanan ko kita ko parang si Sam. Kaya nung pabalik na ko tapos makita kong nandon pa tinigilan ko ng motor. Lawak nang ngiti ko kasi akala ko nasa manilasya, nung pag angat nya ng mukha nya,hindi sya si Sam. Kahawig lang,mas matanda siguro ng ilang taon kay Sam. Tinaasan ako ng kilay. Verbatim : 'Sorry akala ko ikaw si Sam' 'Sam? Sinong Sam?' 'Wala. Sino bang hanap mo?' 'Sino ka ba?' 'Sahipag ko yung bahay sa likod' 'Si Dean' 'Oo si Dean. Hipag mo pala. Tara kwentuhan tayo' Ayoko pero parang may sariling utak mga paa ko, pinaangkas ko sya sa motor. Tumigil kami sa 7/11, sabi nya bibili daw syang maiinom. Nagtataka pa rin ako sasarili ko, pero may part ng utak ko ang nagsasabi sakin naitext ko si Dean. Nung makalapit sya ulit sakin, saktong nasend ko na yung text. 'Tago mo yan. Kwentuhan tayo sa inyo' Inutusan nya ako. Oo utos kasi ayoko naman talaga kaso wala akong magawa. Inutusan nyaako na dun kami sa bahay. Inayos ko yung lamesa sa labas. 'Dun tayo sa loob' 'Ah dito na. Bawal kay nanay ko yung usok ng sigarilyo eh' Ilang beses nyang sinabi nadi na sya magyoyosi, bibigay na sanaako kung di lang tumunog cp ko. Si Dean, sabi nya wag daw akong sumama. Nagpaalam ako kunwari mag ccr ako, dun ako tumawag sakanya pero di nya sinasagot. Beep ng beep cp ko, nung tumigil ako sa pagdadial, puro text ni Dean. 'Wag kang sasama' 'Kevin wag kang tumawag' Nireply ko na sabi ko bumili sya ng maiinom. 'Pumasok ka sa loob ng bahay. Wag kang lalabas' Pareply nako ulit nung marinig ko yung lalaki na tinatawag ako, ang tagal ko daw. Mabilisan kong tinype na yung paa ko parang may sariling utak,sabay labas. Pinagkwekwento nya ako, tungkol kay Dean, kay Sam, sa pamilya namin. Ako naman walang preno bibig. Hanggang sanabanggit ko yung sa kwento ni Bobby. Tumawa syakahit walang nakakatawa. Tapos tumayo sya, naghubad ng tshirt. Napalunok ako nung makita kona puro latay yung katawan nya, natumba ako nun tyaka paatras nalumayosa kanya nung tumalikod sya, may mga latay sya salikod. Naalala ko biglayung huling sinabi ni Dean nung nakasakay kami sa ferris wheel. Hindi lang si Sam ang may latay sa likod. Pagapang akong pumasok ng bahay namin. Si nanay nagulat pa sakin, nanonood sya nung K-drama yung greatest love, yung abnormal yung lalaki, nainoperahan sapuso, charging. Nandun lang sya sa harap ng pinto nakatingin samin. Itong si nanay, nagtatanong kung bakit. 'Ayaw nya akong papasukin' Si nanay, yung ama nya, albularyo at kilala sa bayan nila. Siguro namananya yung pagkasensitive ni ama sa paranormal, dama nya sigurong may mali kasi pinameywangan nya yung lalaki. 'Kung mabuti intensyon mo, makakapasok kasa pamamahay ko. Ngayon kung hindi, hanggang dyan ka lang' Tapang ng nanay ko no! Labyu nay. Ay ang habanapala, mahigit 2k words na. Antok narin ako, bukas uuwi na kami samin, wala na namang weepee, tatry kong itype yung iba bukas, send ko habang nasa bus. Try ko. Admin sa sobrang excited kong magtype saunang story kasi nakakaamaze yung signal ng weepee di ko napansin na nasabi ko yung pangalan ni Dean. Nakakaiyak pag mabasanya to huli ako hahaha. May paraan ba para ma edit? Kung wala naman okay lang, dasal ko na lang nasana matabunan na to at di nya mapansin. Tutumbong ato non tay Tuya. Pero okay lang. Kaya ko, matatag ako. Kasi gusto kong malaman kung ano talaga si Sam pati yung lalaki, gusto ko syang tawaging Raphael. Di ko talaga alam, sa mganagcocomment at tinatanong ako kung ano ba sya. Di ko rin po alam, hula ko lang aswang si Sam, o di kaya naman mangkukulam, hogwarts o kaya yung katulad sa hansel and gretel. Sa susunod na lang talaga yung kasunod kasi ang haba na. Gwapo lang po ako, ay tao lang pala. Pisyow

Spookify StoryWhere stories live. Discover now