6

380 2 0
                                    

Nov 8, 2016. Last night ni KuyaJon, andaming tao. Hindi ako makaupo  kasi maya't maya may darating. Dun ko narealize kung gaano kamahal ng mga kakilala nyasi Kuya Jon. May mga umuwi pa talaga galing ng ibang bansa. May mga hindi pa rin makapaniwala na si Kuya Jon na joker ng lahat walana. Si Kuya Jon namapapangiti kakahit pasan mo ang buong planet nemic. May mga naiyak na lang habang nakatingin sa mag-iina nyang naulila nya. Nagbibigay ako ng kape nung magtalunan yung dalawang anak ni Dean tapos tumakbo papuntang gate. Hinabol ko syempre, pero alam nyo yung para akong nakaire ng matigas na tae, ganon, sarap sa pakiramdam. Si Sam, nagsi-tatay yung dalawang bata, tatay tawag nila sakanya, actually saming lahat na mga tito nila tatay o kaya daddy tapos papa naman sa papa nila. Nung makita nya ako, nakipagtapikan sya sakin sa likod, amoy jovan si Sam. Tapos sabay na kaming pumunta kay Dean na nagbibigay ng sopas samga nakikilamay. Kinuha ni Sam yung tray tapos binigay sakin si Dean nakatulala lang sa kanya,gulat na gulat. Nagyakapan sila tapos iyakan. Nung mapatingin ako dun sa kabaong ni Kuyamuntik ko ng mahulog yung tray kasi dun sa ibabaw ng kabaong may itim, katulad ng description ni Kuya Mike, hulmang babae. Lahat nakafocus kay Dean at Sam, ako lang tyaka yung panganay na anak ni Dean nakapansin yung paghablot ni Raphael dun. 'Taytay, yun yung pumatay kay papa ko' Gulat ako sa sinabi nung bata. Binuhat ko sya tapos binigay sa lola nya. Pagbalik ko sa labas,sa bawat sulok nahindi naabot ng ilaw may mga pulang mata. May mgabagong dumating, kumuha ako satita ni Deanng kape, para mabigyan ko sila. Pero nung tignan ko sila ng mabuti gusto kong ibuhos na lang yung mga mug ng kape sakanila, puro pulamga mata nila, hindi pula na adik, pero yung dapat na itim na kulay o brown,pula mukha silang demonyo. Nung lumitaw si Raphael, nakangiting aso. Nagtaka ako kasi may hawak syang supot, kulay brown yung nakalagay, hindi asukal kasi pino eh, parang kalawang tapos isaisa nyang nilagyan yung mga mug, ang pinanghalo pa nya yung daliri nya na galing sa ilong nya, dugyot. 'Bigay mo na sakanila' Tinutulak tulak nya akopalapit samga yun, lima sila, tatlong babae, dalawanglalaki,naka itim lahat. De binigay ko, yung isang babae panga, hinaplos yung braso ko, ramdam ko yung kuko nya nagmarka pa kasi dry skin. Sabay sabay silang umubo, malaman. Tapos gulat ako pati sila, kasi may dugong kasama, malapot. Nagtinginan sila, akala ko ako yung may kasalanan tapos tumabi sakin si Raphael tumatawa. 'Mesherep?' Ganyan pagkakasabi nya. Nakatakip ng bibig yung lima, nakaamoy na ako ng dugo, pero yumg amoy ng dugo nila ang tapang, sobrang lansa tyaka ang itim itim. Umalis sila, kasabay ng pag alis nila, nawala narin yung mga pulang mata sa dilim. Tapos may mga bago na namang dumating, apat na lalaki. Nung nakita sila ni Raphael lumapit sya. 'Ginagawa nyo dito?' Yung isa ang sama ng tingin sakin. 'Sya yung nagkwento?' 'Kayo maunang sumagot,anong ginagawa nyo rito?' 'Hoy Paeng, wala kaming alam sanangyari. Yung lalaking namatay,may alam sya, hindi nyo lang alam. Yung tinatanong mo nung nakaraang gabi sa text, kaya kami nandoon kasi sasabihan sana namin yung babae' Ang hirap iabsorb sa utak lahat. Magjump in na lang ako dun sa ginawanung apat nung walang tao tapos kami kami na lang nila Dean ang gising. Gulat si Dean nung makita yung apat. Nung tumayo yung pinaka matangkad pumalakpak sya. 'Okay people, beauty rest, uwian na' Nagsitayuan lahat tapos sabay sabay na umalis. Yung mga kamag anak ni Dean nagsipasukan na sa bahay, tinitigan ko lang yung lalaki kasi parang ang simple nya lang pero paano nya nagawa yun sa lahat. Nung mapatingin sya sakin pailing iling sya tapos tumabi sya sakin. Bale ang natira na lang, si Dean, Sam, Raphael, yung apat tyakaako. 'Ano pang hinhintay nyo? Gawin nyo na' Tumayo yung tatlo dumiretso sa kabaong ni Kuya. Si Dean sumigaw kasi binuhat nung isasi Kuya, hinawakan sya ni Sam pinipigilan lumapit. Alam nyo yung para lang syang nagbuhat ng sako? Ganon. Yung isa, binuksan yung bintana sa harap tapos isaisang tinanggal yung mga jalousy. Anim na jalousy na natanggal saka tumigil, bawat matatanggal nyainaabot nya dun sa isa pa. Tatlong beses nilang idinaan yung katawan ni kuya sa bintana. Yungpangatlong beses, parang may hinihintay silang mangyari,pero nung wala, wala na binalik na nila yung katawan ni Kuya. 'Malinis. Normal' Sabi nung katabi ko. 'Normal na namatay. Abnormal yung dahilan' Sagot nung isa pa. 'Hindi nila sya nakuha?Sigurado kayo?' Di nako nagtaka kung bakit alam ni Dean kahit ako takang taka. Tumango yung katabi ko sa tanong nya. Tapos lumitaw si Raphael sa gilid ko, may hawak syang kadena, parang yung sa kadena ng alaganyang aso, pero nakalagay yun ngayon sa leeg nung isang babae. Maliit lang, wala sigurong 5 feet, mahababuhok tapos gusgusin. Napatayo ako nun kasi nung makita koyung ngipin, pang pating,ang tatalas ng dulo. 'Sya yan?' Si Sam. Nilapitan nya yung babae. Yug babae naman parang nakakita ng multo o aswang o maligno o bampira, basta takot na takot yung itsura. 'Wala ng iba' Tapos kinalabit ako nung lalaking katabi ko. Paglingon ko nakaturo daliri nya sakin tapos nakatingin sya kay Dean. 'Patutulugin ko na to ha?' 'Ayoko. Wag!' 'Bakadi nya kayanin eh. Buti kung si Paeng gagawa, kaso si Sam eh' Nung hindi na sumagot si Dean saka ko nilingon nung lalaki. 'Sweet dreams Kevin' Yun nahuli kong natatandaan, pumikit na matako, tapos nung magmulat ako ulit, nakahiganaako sa kama tapos maingay nayung mga tao. Pagbangon ko, nasa kwarto ako nila Dean, katabi ko yung bunso nya. Wala si Dean, lumabas ako, nakita ko busy sya kasi ililibing na si Kuya tapos parating na yung pastor sa church nila. Hindi sila katolikong mag-asawa. Mula nung magsamasila, nagconvert sila ng religion, kahit tutol yung side ni Dean. Isang oras nagpreach yung pastor tapos larga na ng sementeryo. Lakad kami, nasa may harap si Dean, sa likod ng karo, katabi nya si nanay at tatay. Buhat ko naman yung panganay nila, si Sam buhat nya yung bunso. Tahimik lang na umiiyak si Dean, sila Kuya Mike maingay, ako wala na akong maiyak pero yung realidad para akong sinapak, wala na si Kuya. Nagpaiwan nun si Dean samay sementeryo, pinanonood nyang sarhan yung nitso ni Kuya. Kami naman hinintay namin sya nila Sam sa may labasan. Ayoko sana nung una baka mapano sya, pero nung makita ko yung apat na lalaki kagabi, parang sila yung magsasara nung nitso, tapos nginitian ako ni Dean, naintindihan ko. Hindi sya mapapano kasi andun yung apat na suma sideline paata. Nung lumabas sya,kasamananya yung apat. Iba na yung suot nilang damit, hindi na pang trabaho, paranasilang mga tipikal mga fvckboy sa pormahan nila. Nung mauwi kami kilaDean, marami pa rin tao, kumakain. Ganon samin eh, pagkatapos ng libing may pakain. Dun kami sa loob ng bahay nila kumain. Kain dito kain dyan, pansin ko maganang kumain si Raphael tyaka yung apat, pero si Sam hindi. Pasubo subo lang, parang ang lalim ng iniisip. Tapos naalala ko yung maliit na babae kagabi. 'Asan na yung babae?' Natigil silang lahat sa pagkain. Si Dean nag iwas ng tingin. 'Nasa puso ko' Si Sam. Inapakan ko paa nya. 'Pero nasan na nga?' Si Raphael tumuro sya sa baba, sa sahig tapos yung hinlalaki nya, iginuhit nyasa leeg nya, pahiga,patay na. Tumigil nako sa pagtatanong nun. Pagkatapos ng isang linggo,bumalik sa normal lahat. Pero tuwing gabi, maririnig mo sa bahay namin, umiiyak. Si nanay, tatay, mga kuya ko na sa bahay pa nakatira. Satuwing mapapatigin ako sa mga picture frame na nakasabit, lalo na sa kuhani Kuya Jon na naka rotc uniform sya, naiiyak ako at bumabalik yung sakit. Si Dean, madalas mugto mata. Nagulat nalang ako, pagpasok ko sa trabaho, kasama ka team ko napala yung dalawa sa apat na lalaki. Yung mama ni Dean, isinama yung dalawang batasa manila. Busy sa trabaho si Dean, nasa graveyard shift pa sya, hindi maasikaso yung dalawa. Nung pumasok na sya ulit,sinabihan sya ni tatay na sa bahay muna sya, dun sya matulog,tumira, tutal andun naman yung dalawang pinsan nyasa bahay nila, umuwi nalang daw sya dun pag off nya. Di nako nagulat nung malaman ko na dun na din sa pinapasukan nyanagtratrabaho si Sam. Ambilis lang matanggap, nakakainggit. Dapat talaga yung tungkol na kay Raphael yung ikwekwento ko, kaso hindi ko inaasahan na mangyayari lahat ng to. Dapat nga hindi na ko magsesend ulit, parakasing ang hirap ikwento,pero kasi para naman mailabas bigat ng dibdib ko, tumatawaako, kami, ngumingiti pero deep inside wasak kaming lahat. Napa isip din ako dun sa sinabi pa nung isa sa apat na lalaki, tawagin nating Adam, nung gabi pagkatapos ng libing ni Kuya. 'Kilalangkilala yung page napinagkwentuhan mo. Maraming nagtatanong samin kung sino si Dean. Alam mo bang yung mga taong may kakayahan ng ganon at ibapa, parang may malaking billboard sa tuktok ng ulo nila' 'Naano?' 'Come and get me. Maraming may gustong makakuhasa mga taong may ganoong abilidad Kevin. Marami ang nagbabasa dun na tao, marami ding nagbabasadun na dating tao,tyaka hindi' Nangapal batok ko. Ibig sabihin hindi lang mgatao ang nag epeysbuk. Tapos tumawa sya. 'Oo kaya. Camouflage. Kahit yung ibahindi tinatablan ng camera, may trick dun. Ilusyon. Para sa iba, kabaliwan yung mga ganoongkwento, tinatawantawanan lang, pero hindi nila alam ang realidad. Sa pagkahulog ngilang anghel sa langit,sa paglikha ng Diyos sa tao, sa pagkakapalayas ni Adan at Eba sa paraiso, sa pagkakaanak ng ilang mga anghel samga mortal na babae may mga umusbong na bagong nilalang. 'Ako nga Kevin, tignan mo ako kung anong mali sakin?' Tinitigan ko sya mga brad. Matangos na ilong,pwedeng pantusok ng bangus, wala man lang open pores, walang tigidig. Alam nyo yung lahat sa kanya perfect? Para syang si Ken na forever ni Barbie. Kumbaga prince charming ng mga babae, mortal na kalaban naming mga lalaki. 'Wala' 'Kitam?' May isa pang sinabi si Adam. Bakit daw ako natatakot kay Raphael? Kung meron man daw akong dapat katakutan sa kanilang magpinsan,si Sam dapat at hindi si Raphael. Hindi na nya inelaborate, basta sinabi nya lang. Nung sinabi ko yun kay Sam tumawasya. 'Tama. Ginawang Diyos ang tao na may mgaimperfections. Sa pisikal, emosyonal, mental. Parang si Dean magaling sa english, bagsak sa math. Ako rin, magaling samath, nganga sa english' Sinuntok ko sya nun. 'Wag kangang feelingero Sam. Hindi ka tao' 'Aswang? Hindi nga eh. Hulaka pa' Nawala man si Kuya Jon, habang buhay naman na nasa puso namin sya,always be remembered. Panatag kami kasi triny man syang kunin nung mga itim namay pulang mata, hindi sila nagtagumpay. Alam namin na kapiling na sya ni Lord sa langit. Tutal sabi nyo gusto nyo ng mahaba, sige, lulubus lubusin ko na. Eto na. Napilit ko si Sam at Dean na magkwento, pero yung tungkol lang sa kung sino talagaunang nakakilala kay Dean. Masyadong pabebe kasi si Sam, ayaw nya talagang sabihin kung ano sya, hulaan ko na lang daw tapos sasapakin nalang daw nyaako pag tamaako. Pero atleast after five years, alam ko ng hindi syanormal na tao, abnormal. Si Raphael at hindi si Sam ang unang nakakita kay Dean. Nasa bus daw nun si Dean, umiiyak nag eemo sabintana. Kasamani Raphael nun si Sam pero si Sam dahil gentle dog, nakatayo pinaupo nya yung bebot na nakatayo, ayaw nya sigurong mapicturan at sumikat sa social media hahaha. Katabi ni Dean si Raphael, si Sam nakatayo sa bandang likod ng bus. Iyak lang daw ng iyak si Dean tapos ring ng ring yung cp nya pero di nya nasagot. Nairita ata si Raphael kayasinabihan nya na sagutin na nya o kaya i-silent. Pinakyu lang daw sya ni Dean pero tinanggal naman nya yung battery ng cp nya. Nung may umakyat na nagtitinda ng pugo tyaka hotdog sandwhich, etong si Raphael bumili tapos inalok si Dean. Nagtaka daw nun si Sam kasi nakita nyangang nabili si Raphael pero hinayaan nya lang. Si Dean naman nainis na sya kay Raphael, yung kamay na may hawak dun sa pugo tyakasandwhich tinabig nya. Guess what mga brad? Natulalasya at may nakita sya. Bigla daw syang pumara, yung konduktor ayaw sana syang pababain, kasi naulan tapos puro talahiban yung dinadaanan nila, babae panaman si Dean. Pero mapilit daw si Dean. Etong si Raphael sumunod bigla kay Dean pagkababa. Si Sam dahil nga siksikan hindi makagitgit para sumunod. Sabi ni Dean, kahit anong bilis ng takbo nya kasi ang dalalang naman nyang bag yung parang gamit ng mga kubrador, naabutan pa rin sya ni Raphael na ang bag na dala parang dala na buong pilipinas. Sigaw lang ng sigaw si Dean nawag syang susundan pero si Raphael nasunod pa rin at nakangiti pa. Naiimigane ko mga brad, kung ako yun baka nagcollapse na ako. Kahit nung may dumaan na ulit na panibagong bus, tapos sumakay si Dean nakasunod pa rin si Raphael, nakasakay din sya ng bus. Kahit nasa loob na, sigaw pa rin ng sigaw si Dean, sinabi ni Raphael na gf nya tapos may LQ lang sila, pero mas pinaniwalaan naman ng driver si Dean, kahit naman ako mas paniniwalaan ko si Dean kesa sa pagmumukha ni Raphael. Ang ending pinababasi Raphael ng konduktor. Bilib ako sa konduktor na yun, hindi sya nasindak. Tawa ng tawa si Sam habang nagkwekwento si Dean. Kasi ganon din daw kwento ni Raphael sa kanya. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na magpinsan na kababayan nila si Dean, siguro kasi katabi ni Raphael si Dean tapos narinig nya nung nagbayad si Dean, pero nacurious daw si Sam kaya hinanap nya si Dean, and the rest is history. Pero nagkaroon palasilang tampuhan na dalawa kasi nung makita ni Dean ulit si Raphael, nagulat sya. Hindi daw kasi sinabi ni Sam sakanya, yun yung unang beses nyang makapunta kila Sam kasama mga classmate nilakasi nga hindi napasok si Sam, ang naabutan nilasa bahay si Raphael. Yung tungkol naman sa ability ni Dean, kaya delikado yung mga may ganong ability kasi marami gustong kumuha sa kanila, mapa tao o hindi. Malaking tulong kasi tyaka parang secret weapon. Kasi once na maenhance ni Dean yung ability nya, lethal weapon sya. Ang explanation ni Sam, pwede kasing parang ishare it ni Dean sayo yung mga nakikita nya, na parang sayo nangyayari, 3dpa yung effect parang andun na andun ka, vulnerable ka pag ganon pwede kang mapatay. Ganon daw, kumbagayung ability ni Dean level 1 pa lang, hindi pa nauupgrade sa level 2,pero malapit na daw. Konting elixir pa. Ang elixir? Encounter samga paranormal. Once maglevel 3, kahit hindi na mahawakan ni Dean, basta may malakas na energy, pwede nyang makitanakaraan o masilip ang future. Level 4? Makakagawa na si Dean ng hallucinations, mapatao o hindi maapektuhan. Katulad ng sa level 2, magiging vulnerable yung maapektuhan, pwedeng mapatay. Last level 5. Mind control, tao man o hindi. Si Kuya Jon? Yung sinabi ni Adam na may alam si kuya. Eto yun. Yung ability ni Dean, yung pag enhance. May idea na kami nila Dean bakit syapinatay, kasi diba nga andres si Dean kay Kuya, si Kuya yung parang pumipigil kay Dean na maenhance yung ability nya. Yung mga gustong kumuha kay Dean, nagalit kay Kuya. Alam ni KuyaJon yung level level nayun, pero sabi ni Sam, hindi naman nya sinabi yun kay Kuya Jon. Siguro nagresearch si Kuya. Sa tingin ko din, kahit di sabihin ni Sam, alam ko yun yung dahilan,isa sa mga dahilan. Yung apat parasilang engkanto para sakin. Kasi yung sabi sa comment dati,tignan ko yung kanal sa pagitan ng ilong at bibig, may ganon si Sam at Raphael, pero sila Adam, wala. Pero alam kong hindi 'sila' yung tinutukoy napapatay kay Dean. Sinabi rin ni Sam, inassure nyaako na hindi madadamay yung mga bata, bakit? Kasi bata pa sila, active naactive guardian angel nila, inosente pa, hindi silamagagalaw nung mga pulang mata. Si Dean? Lagi naman na nyang kasama si Sam tyaka yung si Adam at yung isa pa. Ako? Hindi ko alam, sa pag-uwi ko galing trabaho, parang laging may nakatingin sakin, sa kwarto namin ni Kuya Joey sa may bintanalaging may mga pulang mata tuwing bubuksan ko bintana pagsapit ng dilim. Sa bawat sulok din salabas na hindi naabot ng liwanag, may mga pulang mata. Sinabi namin yundun sa pastor nila. Mula nung marinig namin yung sinabi nya, dun kami naliwanagan, lalo na si Dean. 'God's will. Lahat ng nangyayari sa buhay natin may pahintulot nya. Try to read the life of Job, maliliwanagan kayo' Di ako palabasa ng bible, masyado kasing malalim, kaya nagsearch ako sagoogle, di ko alam pero naiyak ako nung mabasa ko yung kwento ni Job, parang coincidence pa na Jon at Job, nangingilabot ako. Grabe yung pagsubok na dumating sa kanya,pero nalagpasan pa rin nya. Sa susunod na lang talaga yung kay Raphael. Mas inuna ko to paramailabas ko sa dibdib ko. Kasi kahit ganunpa man, yung sakit, lungkot at galit nandito pa rin. Panahon na lang talaga ang maghihilom. Nakaka ano lang kasi yung tao, kung dapat ko bang tawaging tao si Raphael, bastasi Raphael. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng tutulong samin, sya pa. Salamat pre kahit madalas mo akongbarahin. Lagi pala. Salamat, ang pangit mong umiyak.

Spookify StoryWhere stories live. Discover now