ALAM KO NA ALAM KO NA ALAM KO NA. PERO HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. #&#&@@($(@)@! $&@)%*$(! Yan capslock paradama nyo nararamdaman ko. Sh*t na malagkit mga brad hindi kinayang braincells ko ang nalaman ko. Information overload, nagkaka wrinkles ang gorgeous pes ko, I can't. I just can't. Parang minassacre utak ko in alphabetical order. Binisita ako nilaSam, Adam tapos yung abnormal na si Cas. Babae yan si Cas, kaya hindi ko ginamit yung pangalang Castiel, kay Sam at Raphael kasi unasa supernaturals may bromance na nagaganap kay Dean at Cas. Loyal ako sa kuya ko totoo kaya andami kayang nagshiship sakanila sa tumblr hahaha. Sabi ni Dean sakin dati, pangalawa, mas tugma talaga sa pagkatao ni ano yung pangalang Cas. Tapos kasi ang balak ko talaga nung una akong magconfess pagkatapos ni Dean at Sam at Raphael, isusunod ko yung mgaweird na kaibigan namin ni Dean. Pero etong si Adam atat na atat atang masapak ako ni Sam kaya sabi nya hulaan ko na. Magbanggit daw ako ng supernatural creatures naalam ko. Kung ano ano na binanggit ko. Nagresearch pa talagaako, punta ako saglit sa may pisonet. Halos lahat na ata ng philippine mythological creatures nabanggit kona, kasama yung mga asa creepypasta pero wala. Bungisngis, amomonggo, balbal, ek ek, kapre, tyanak, jersey devil, wendigo,chupacabra, jeff the killer. Wala wala talaga pati si Slendermannadamay. Tapos nung ang binanggit ko yung akalako kakornihan lang, ni sahinagap di ko naisip na ganon yung mag 'pinsan', di ako fan ng mga ganon kasi parang ang hirap paniwalaan. Biglang nakipag lips to lips ako sa pader, muntik ng magkapalitan yung mukha ko tapos yung pader, ang swerte nung pader pag nagkataon. As promised eto na si Raphael, may pahintulot eto ni kulot kayalang madami syang pina edit, wala kong magawa, kumikilos katawan ko ng hindi ko mapigilan. Pero nung umalis na sya, inedit ko ulit pero yung mga pinabura nya di ko na tinype. Baka paikutin nya 360 degrees leeg ko eh. Tapos nakakaubos ng riyatsu dat mga nasa6k words eto eh. Nangyari eto pagkatapos nungnangyari sa bcourt. Nag maladetective conan ako nung malaman kong ka batch sya ni Sir Gadreel. Balak ko pupuntaako ulit ng highschool paramagtanong kay Sir, pero pag uwi ko galing ng univ, andun na si Sir, kachismisan si nanay. Dahil nalaman pala ni Sir na kaibigan ko si Sam, na ""pinsan"" ni Raphael, gusto nya samahan ko syang pumuntakilaSam parakausapin si Raphael naumattend ng alumni homecoming. January nanun, ilang buwan na lang april na, si Sir yung president ng batch nila. Kinabukasan pagkatapos ng last subject ko, maaga pa mga alas dos ng hapon, pumunta na ko kay Sir. Inaayos nya yung makina ng owner nyang panahon pa ni kopong kopong sa bcourt. Nagpakwento ako tungkol kay Raphael. Eto na mga bibei. Kaklase nga ni Sir, mula 1st yr hanggang 4th yr. Magkasunuran apelyido nilakayasa seatplan lagi silang magkatabi. Matalino daw si Raphael, nag eexcel sa lahat ng subject, biruin nyo yun. Undisputed pang math wizard ng apat na taon. Pero may problema,hindi supportive magulang nya. Dapat ilalaban syapang nationwide, pero hindi sila pumayag kahit yung principal na yung kumausap, pati gastos school ang bahala perohindi sila pumayag. Nasasayangan lahat nun kasi may pag-asa na sanang makamit ng school ang championship pero yun nga. Si Raphael din daw tahimik,hindi palasalita. Si Sir nun, loko-loko happy go lucky, tamad mag-aral. Madalas napapalabas sya, pinapatayo syasa corridor pag di sya nakakasagot pati pag bagsak sa quiz. Third year daw nun, nagwarning yung teacher nila sa math nakung hindi sya mag improve, pronto ibabagsak sya. Kaya laking pasalamat nyakay Raphael kasi habang nag eexam, sinitsitan sya. Nung pagtingin nya nakaharap sa kanyayung papel. Kumopya sya pero hindi lahat, kumbagasakto lang para pumasa sya. Para walang mag violent reaction. Paglabas ng result ng lahat ng exams nila, pasado sya. Sa sobrang tuwa nyakasi hindi syamasasapak ng tatay nyana teacher din doon dati, nilibre nya si Raphael. Mulanun hindi man sila nag uusap madalas, naging magkaibigan sila. Si Raphael daw dati, pag pumapasok,gusot yung polo, kulang kulang butones pati yung pantalon bitin sakanya, tsinelas nya rambong pudpud. Hindi rin nila nakikitang nagrerecess, naglalunch peo laging mag isa, ayaw siguro magbigay ng ulam. Minsan papasok din daw syang may black eye, may pasa okayagalos. May mga linggo na hindi sya pumapasok. Naiiyak na lang daw yung terror nilang teacher kasi kawawa si Raphael, nung pinuntahan daw nila kasi dati, ayaw talagang magulang nyang mag aral pa sya. Fourth year silanung may pumunta dun nagaling sa isasa kilalang univ sa bansa. Pinag exam nila si Raphael kasama nung iba pang bright students. Got all nya exam, matik pasado sya. Full scholarship. Pero umiling langdaw sya. Pati yung mga yun nasayangan. Kayapinuntahan nila sa bahay. Kasama yung terror nilang adviser. Nalungkot buong klase nila, yung ibang exaggerated nilang classmate nababae, si Sir nagsabi nyan hahaha, umiyak pa daw. May payakap yakap pa kay Raphael nanalalaman, may mga hokage na palanun hahaha. Kasi nga hindi pumayag magulang nya, pagtapos daw kasi ng highschool tutulong na si Raphael sabukid. Kinabukasan daw nun at sa mga sumunod na linggo, mas lalong grumabe itsura ni Raphael. Magkabilaang mata namamaga, may mga kalmot sa leeg,putok labi pati yung polo nya may bakat ng dugo. Sinabi nung adviser nila kung gusto nya magsabi sa mga pulis. Pero si Raphael hindi daw pumayag, hayaan nalang daw at sanay nasya. 'Noon kasi Kevin, pwede pang mambugbog ng anak ng walang nananaway sayo. Ibasa panahon nyo ngayon' Dumating kami dun asa harap ng bahay nila si Sam, nagsa-sun bathing. Gulat syanung makitaako, pero malamang mas nagulat syanung makita si Sir. 'Good afternoon' 'Good afternoon din. Pasok kayo' 'Si Raphael, Sam?Nandito?' Tumango sya tapos nagpaalam na tatawagin nya sa taas. Pagbaba nya kasama na nya si Raphael. Describe ko sya okay kamukha nyanga si Sam, madungis na version lang hahaha de joke pre joke lang. Mas matangkad sya samin ni Sam ng beri beri layt. Kaya siguro mga 5'11 sya. Morenong tutong hahaha, matanya pang bumbay mahaba pilikmata. Kung si Sam, clean cut, sya dirty cut dejoke, mahababuhok nya gang balikat na pakulot sadulo, alam nyo yung lalaki sa bandang the civil wars. Ganun style ng buhok nyakayapag yung gf ko nanonood ng mgavideo na yunnaalala ko si Raphael, sa buhok lang ha. Medium built katawan. Nung panahong yun, nakalugay buhok nya gulo gulo. Nakasimangot nung makita ako. Pero nung mapatingin sya kay Sir, perstaym kong makitang ngumiti, ngumiti nahindi mukhang may malagim nainiisp laban sakaharap. Nilapitan syani Sir tapos nag bro hug sila. Nagkwentuhan na sila, ako walapalamuti lang patawatawa. Si Sam ewan ko dun biglang nawala. Masayang masaya si Sir nun, naiiyak nga sya habang nagdadrive. NV 'Sir baklakayo no? Yung totoo' 'G*g*. Masayalang ako at okay sya.' Before graduation daw, nabalitasa buong bayan yung nangyari sa magulang ni Raphael, patay na. Hindi lang malinaw kung namatay batalaga o pinatay. Kasi nakita yung mga katawan sa bukid. Ang umattend sa graduation yung tita nyanagaling manila. Maganda daw yun. Yun rin yung pinatay na sinabi ni bobby. Taon-taon twing fiesta, nagkikita pa rin sila ni Sir, habang nasa college. Ang kumukupkop daw kay Raphael yung rk nyang kamag anak na lumitaw nung namatay magulang nya. Basta ang huling balita nya kay Raphael nung nag-asawa na, pumuntapanga daw sya pero yun na yung last. May isa na lang silang classmate ang nagsabi nanamatay ang asawa't anak nya. Gustuhin man nyang pumunta pero asa manila sya, naghahanda para sakasal nya. Pero sa mga sinabi ng mga classmates nilang nakapunta, iisang gabi lang daw yung burol. Pagkatapos raw nun walanasilang balita sa kanya, sampung taon lumipas nung makita ni Sir si Sam saka na lang uli nila nakita. 'Pero sir kamukhang kamukha talaga ni Sam?' Tango si sir. 'Kaya nga diba akala ko yung Sam, sya,minus lang yung buhok, kimpi buhok ni Raphael noon. Nasaktan ako nun kasi yun yung itsura nya nung huli kaming magkita, bakit di man lang nagbago kako. Pero nakaka inggit pa rin sya, ako nasapagmumukhako na edad ko, sya hindi moiisipin na 46 na diba?' '46 kanasir?' 'Oo dibahalata?' 'Oo Sir akala ko 451/2 ka lang' Nabaklaan ako kay Sir nun kasi bigla akong kinurot. Pero seryoso totoo yung sinabi nya, ngayon ko rin lang narealize. Kung titignan mo si Raphael, parang hindi sya46, parang kasing edad nya lang si KuyaJon na 35. Ayoko mang aminin pero totoong baby pes sya, pwe. Umattend naman sya ng alumni homecoming. Nakita kosya nun eh. Eto natatawa ako pag naiisip ko. Oo nakakatakot si Raphael, pero nakaka aliw syang tignan pag kinikilig. Si Cas, tropa ni Dean. Sabi ko ngamga tropa nya mga weird, ako lang matino. Etong si Cas ang epitome of weirdness. Pag titignan ka nya parang nababasanya isip mo, kasi bigla na lang ngingiti o sisimangot. Minsan hahampasin kanalang bigla kahit walaka namang sinasabi. Sasabihin nyaP*ky* ka ambastos mo. Ohkayanaman ang sama ng ugali mo. Pero all in all mabait sya. Kilala ko nasyanung highschool palang, pero nung magcocollege nawalasya, di ko alam kung nag aral ba sya o nagtrabaho na, pero ang sabi lang ni Dean kinuha ng ate nyang nakabase sa london bilang caregiver. 2015. Undas nun nung magkita kita sila. Nag antayan kame dun sa mausoleo ng lolo nung isa naming tropa. Kasi nga ang sabi ni Dean uuwi si Cas, eh kras ko syempre gusto kong makita. Nag ofoodtrip kami, hinarang namin yung nagtitinda ng ice buko, yung de bunot. Pag nakabunot kang may 2 digits, may libre kangice buko. Nag gaganon kami,halatang badtrip na yung magbubuko kasi yung si Carl ang galing, puro 2 digits nabubunot ng lima ng magkakasunod, nung dumating si Cas. Katulad ng dati nakaheadset syaulit. Laging ganon. Magtataka ka kasi kahit naka ganon sya, nakakasagot pa rin sya pag tinatanong sya. Yakapan sigawan. Kumuha sya ng pera tapos binigay nya kay Manong. 'Be fair mga brads wag ganyan. Iyak na si kuya tuloy' Di mo alam kung nambwibwisit oh genuine yung intensyon nya. Alam nyo isang dahilan bakit weird sila? Ganto kasi. Tatahimik yang mga yan tapos bigla na lang silang tatawa kahit wala namang pinag uusapan. Kaya saschool nung highschool kami takaw gulo sila kasi akalanung iba pinagtatawanan sila. Pero sa totoo lang marami lang talagang parang O+ samin noon, masyadong sensitive hahaha. Balik balik. Nung nabagot kami lumipat kaming pwesto. Dumaan kami sa pwesto nung mausoleo ng pamilya ni Sam. Hulaan nyo sinong naratnan namin, si Raphael, sino pabaeh wala naman dito nun si Sam, nasaibang kontinente. Ayun inirapan kami. Isa isa nyakaming tinignan ng masama, nung si Cas na, biglang natulala ng ilang segundo. 'Ahem baka matunaw ako di na ko mahahanap ng forever ko' Nagblush si Raphael mgabrads. Nag iwas ng tingin. Tapos tinabihan banaman ni Cas. Yun na naman tawasilang tawa. Kahit si Dean tumatawa. 'Hi Kuya, Cas pala. Anong pangalan mo?' 'Raphael' Hindi sya makatingin, perstaym na nakita kong nagblush sya, nawindangako nung araw na yun. Si Sam pa lang kilalani Cas nun ng personal. Kinukulit kulit nya si Raphael, si Raphael naman pabebe na akala mo hindi makabasag pinggan. Pero ang hindi ko kinaya, gumamit ng pinagbabawal na teknik si Raphael kinuha number ni Cas. Si Loka loka naman binigay nya. Medyo nawarak ang puso ko ng isang buwan nun hahaha. Pero naka move on na ko,nahanap ko na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko hahaha baliktad ata hahaha. Eto naman yung nagpasundo silaKuya Pyoks sasite, same year. Diba nga engineer nila si Raphael, nag antay ako ng ilang oras, dik o nasulit off ko. Si Raphael nun nasapinakababa, nakatingala. Tinatapos kasi nila yung iniaakyat na halo ng semento. Yung nag aabot kila Kuya ng halo biglang na out of balance. Parang ganto,nasa baba pa nun si Raphael, pagtayo ko kasi mahuhulog na yung kasamahan nila Kuya, andun na agad sasecond floor si Raphael, nakahawak na agad sya dun sa tao. 'P*nyetanaman sabi ko kasi sayo itali mo sarili mo! Ano ka si superman?' Natameme lahat nun, kasi mababa lang pero tigok syapag nahulog syakasi may mga bakal dun sababagsakan nya,sa ginagawang drainage, barbecue yum yum yum. Kinalabasan, kaya palaako pinapuntakasi sakin aangkas si Raphael. Mag iinuman sila sa bahay. Sakto may bisitakami nun, tyuhin ko na kapatid ni nanay. Manggagamot yung ama ni nanay, tapos parang ang nagmanang bertud hahaha si Tiyo, Tso ipronounce parang Tse. Nung pumasok na ko sa loob kasi di ko talaga kaya makasama nun si Raphael, tinanong ako ni Tiyo. 'Sino yang kasamang mga kuyamo?' 'Aswang po' 'Ano?' 'Engineer po nilatiyo' Lumabas si Tiyo nun, ako naman imbes na dumiretso ng kwarto, tumanaw ako sa bintana. Nag eye contact agad sila ni Tiyo, tapos nakangisi si Raphael na nakipagkamay. Ganun lang paralangsilang nagtititigan muntik ng magka spark. Tapos pumasok uli si Tiyo. 'Taga saan yun?' 'Taga dito din ho samin' Yung itsura ni Tiyonun parang diskumpyado. 'Wag mongpapasukinyan dito hanggat di ka sigurado kung mabuting tao yan,kuhamo?' Syempre tango ako. Kako nga,nung kelan lang nakapasok si Raphael samin. Nung natapos na sila, inutusan ako ni Kuya Pyoks na ihatid si Raphael. Pabebe talagakasi patanggi tangi pa pero deep inside alam ko naman gustong gusto nya kasi alam nyang takot ako sa kanya. Convoy kami ni Kuya Jon hanggang sa bayan. Nung nasa gotohan na kami, naramdaman ko walanakong angkas. Pagtingin ko sagotohan nakaupo na si Raphael, kaharap na nya si Cas. Kinawayan pa nilaakong dalawa. 'Ihatid na kita' Sabi ni Raphael sakanya nung makalapit ako. Si Cas nun parang tanga, tango lang ng tango nakakagat labi pa. Di ako bitter hahaha. 'Wag na, ako namaghahatid sa kanya. Umuwi kana' Syempre ayoko na sya maghatid baka mamaya ano pang gawin nya kay Cas. 'Ako na' 'Ako na baka lapain mo pa sya eh' Tapos tumili si Cas sabay tayo. 'Ay bet ko yun Kevin!' Abnormal talaga. Ayun hinatid namin syang dalawa. Tapos pinapasok nya kami, ang kasama lang ni Cas, sa bahay nila yung ate nya. Nung pagkarating namin, biglang napahawak si Cas sa ulo nya. 'May ibang nandito' Sabi ni Raphael. 'Oo gabi gabi mula nung pag uwi namin ni Ate, ang iingay nila pag gabi, masakit sa ulo' Walang maingay nun mgabrad, bukod sa mgadumaraang mga sasakyan na akala ata nila bida silasa fast and the furious gusto ata nilang ma see you again. Tapos sumipol si Raphael, weewit yung sound. Napaakyat ako sa may upuan nila kasi biglang lumitaw yung alaga nyang aso. Ang laki pa naman nun, tapos itim naitim. 'Iwanan ko si Neo dito. Wag kang maglalabas ng gabi kung hindi kailangan' Alam nyo yung nakakaselos hahaha. Kasi ang lambing ng boses nya pag kay Cas tapos samin ni Dean, para syang laging may regla. Nagbabasa ako ng mga comment. Sa ibibigay kong clue once na may tumama,magkwekwento ako ulit ng tungkol na sa mag 'pinsan', kasi kwinento na lahat sakin, kako ngainformation overload. Pero pag wala hahahayung silaCas na isusunod ko kasi pramis hindi ako makapaniwala. Di ko nga kayang itype kahit banggitin man lang para kasing ang kornik. Para kasing ang hirap paniwalaan pero nung inexplain nila saking lahat, na lahat pala sila Dean matagal ng alam yung totoo, totoo talaga ako lang etong tanga na hindi pa. Pero ang hirap paniwalaan. Paulit ulit na ko hahaha nakakabobo nadibaBenny?
